Summer's POV
KASALUKUYAN akong naghuhugas ng kamay at braso ko dahil ngayon na namin gagawin ang surgery kay Mrs. Rockets"You two seems close with each other Doc."
Sumulyap ako sa right side ko at nakita ko si Doc Wang, nakangiti ito kaya pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko.
"Patient's family needs to trust us, Surgeons."
Nagkibit balikat lang ito at natatawang nag thumbs up.
"We know your team can do this Doc. Goodluck."
Tumango lang ako at umayos na ng tayo bago lumapit sa pinto ng O.R.
Hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapatingin samin ang ibang Doctor na kasabay ko sa paglalakad, kitang kita ang pagkunot sa kanilang mga noo pero yung iba ay ngumiti lang bago naunang pumasok.
"I'm really sorry about what happened 4 years ago, how I wish you gave me time to explain my side though this is not the right time to talk about it. I know I've done a lot of bad things to you in the past, but I will entrust my mother's life to your hands Kaynee. I always trust you."
Saad ni Autumn bago ako hinigit para yakapin, itutulak ko sana siya pero naramdaman kong nababasa na ang balikat ko kaya wala akong nagawa kundi himasin ang likod niya para pakalmahin siya.
"Please...save her...save my mother."
Umiiyak na pakiusap niya, magsasalita pa sana ako pero nakita kong papalapit na si Springheart at yung Papa ni Autumn kaya inalis ko ang pagkakayap niya sakin.
"I'll do my best, Sir. Excuse me."
Umalis na ako sa harap niya bago pa makalapit sa amin sina Springheart at tumungo na ako papunta sa operating room.
Napakislot ako ng maramdaman kong nilalagyan na nila ako ng mga gloves at iba pa. Huminga muna ako ng malalim bago tumango at lumapit kung nasaan si Mrs. Rockets.
Third Person's POV
ALMOST 3 hours ng hindi mapakali ang pamilya ni Mrs. Rockets, lalong lalo na si Autumn pero malaki ang tiwala nito sa Doctor na nasa loob, walang iba kundi si Doctor Summer Pileon, ang babaeng minahal at mahal niya pa hanggang ngayon.
Although he was not by her side, he knows how hard it was for Summer to reach the top, her dream of becoming a Doctor and now that she did, he is so proud of her.
Dumapo ang tingin ni Autumn sa unang taong lumabas sa pinto kung saan sila naghihintay, walang iba kundi ang Doctor na kasama ng babaeng mahal niya ng una niya itong makita sa hospital, si Doctor Santi.
"How was the operation, Doc?"
Tanong ng kanilang padre de pamilya na si Zafir Rockets, nakaalalay sa kanya ang babaeng nagngangalang Springheart Villasquez.
"The operation went well Sir, we'll just transfer the patient to her room."
Nakangiti man ay bakas ang pagod sa boses ng nasabing Doctor, tinapik nito ang balikat ni Zaifr Rockets bago naglakad paalis.
Napahinga naman ng maluwag sina Zafir at Springheart, pero nanatili ang tingin ni Autumn sa pinto, naghihintay na lumabas ang babaeng hinihintay niyang makausap at hindi nga siya nabigo dahil lumabas doon si Doctor Summer Pileon.
BINABASA MO ANG
Book II: Your Sweet Embrace (COMPLETED)
Romance"I'll make you come back to my sweet embrace, Kaynee." Fuck! "I swear that Summer will Fall to Autumn's Sweet Embrace." I'm doomed! A/N: Hiiii!!!! So bago niyo basahin ito ay make sure na nabasa niyo na po ang SUMMER'S FALL dahil continuation n...