CHAPTER 3: ITS YOU AGAIN

1.6K 23 4
                                    

"good job Doctor Mendoza" bati muli ng ibang doctor na makakasalubong ko.

"Salamat po"sagot ko sa kanila.

"Ahm doc hanap po kayo ni Mr. Levina"saad ng isang nurse mula sa pintuan ng matandang pasyente ko kahapon.


Tumango ng may ngiti ako rito saka pinag buksan ako ng pinto ng dalawang guard.

At doon ko muling nakita ang matanda na naka higa ngayon sa kama ng may ngiti sa labi nito

Saka ko nakitang muli ang matandang lalaki na may ngiti ngayon sa kanyang labi kahit na ang kabilang parte nito ay hindi maingiti.

"Im so so thankful doctor Mendoza for meeting you lalo na doktor ka pala and for saving my life, i remembered what happened that time after i wakeup"he said. Abot tenga ang ngiti ng kabilang parte ng labi nya.

Naupo ako sa tabi nito.

"Wala po yun, basta may nangangailangan ay tutulungan kopo iyon. Kahit po if ever na hindi po ako doktor im willing to help someone"masayang batid ko rito saka ko hinawakan ang kanyang kamay na bahagya nyang nagagalaw



Ng mapansin ko ang luha sa kanyang mga mata

"Napaka bait mo hija, kung wala ka siguro ng mga oras nayun siguro patay na ako. Maraming salamat ha.."nanginginig na pasalamat ng matanda saakin. Halata sa kanya ang takot ng pangyayaring iyon.





Tang ina ang sakit talaga makita na may umiiyak na matanda ang bigat sa pakiramdam




"Ayos lang po iyon. Gagaling din nmn na po kayo after ilang months sa ngayon paralisado po ang paa nyo dahil sa nangyari"paalala ko sa kanya

Habang kita ko parin ang panginginig ng labi nya at pamumula ng mata nya sa pag iyak at takot na ayaw na nya iyon muli maranasan. Oo matanda na sya pero mukhang hindi pa sya handa sa mga pwedeng mangyari sa kanya.






"Excuse me po doc"tawag ng nurse saakin na para bang nais ako papuntahin roon.

Pinunas ko kaagad ang butil luha sa aking pisngi ng mapansin ko ang pag tulo ng naunang butil ng luha ko.



Ano ba yan be professional tasha!!

Huminga ako ng malalim upang huminto sa pag luha ang sarili

Sumagot ako rito ng walang tunog tanging bibig ko ang nag bigkas ng walang tunog rito na 'wait'



Saka na nya sinara ang pintuan nito at bumaling na ako sa matanda.

"Sige po una na po ako"

"Doc ano nga pala ang pangalan mo?"tanong ng matanda

Napangiti ako roon saka kinuha ang id na suot ko at tinapat sa kanya

"Im Doctor Tasha Samuel Mendoza"sagot ko sa kanya

Tumango sya saka ngumiting pumikit para matulog.

"Before po pala ako umalis, remind ko lang po kayo na si Nurse Nicole ang mag aassist sainyo sa pag papakain at si Doctor Gonzalez nmn po ang mag aassist sainyo, he's a physical therapist. Sige po una na po ako may aasikasuhin pa po ako"saad ko sa kanya bago umalis.

Tinignan ko muna sya bago ko isara ang pintuan ng kwarto nya.



He's still crying. He's scared.

Sinara ko na iyon habang ang mga guard nya sa labas ng vip room na ito ay naka tayo kanina pa para mag bantay.




I think he's wealthy that's why he's so very important person. Mahigpit ang pag babantay sa kanya.

Her Ex Husband's Secret (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon