Chapter 3

32.3K 856 34
                                    

DUMATING na kagabi ang asawa ng Kuya ni Frances, kaya maaga na rin siyang nagligpit ng mga gamit na dinala niya. She wanted to stay a bit longer, pero may negosyo siyang naghihintay sa kanya. Kahapon, pagkatapos niyang mag tutor ay inasikaso niya ang napakakulit niyang pamangkin. She will surely miss her.

"Tita? Uuwi ka naman ulit dito diba?" Grecxa askes while helping her packing her things.

"Oo naman," ngumiti siya sa pamangkin at ginulo ang buhok nito. "Hayaan mo sa susunod may dala na akong pasalubong sayo."

Her gazed dropped off at her neck, hindi na hinubad ng pamangkin niya ang kwintas na bigay ni Dylan. Talagang iningatan niya ito na maski ang mga kalaro nito ay pinagbabawalan na hawakan ang suot na kwintas. Frances smiled when she remembers that the necklace suits the original owner of it.

"Frances, nasa labas na ang sundo mo." umangat ang tingin niya sa kasambahay ng Kuya niya at ngumiti. Hinalikan muna niya sa pisngi ang pamangkin bago lumabas dala dala ang bagahe niya.

"Ingat ka, Frances!" sigaw ng Ate Greg niya mula sa kusina. Kumaway lang siya rito.

"I'll see you soon little girl. Chat mo nalang si Tita kung anong klaseng damit ang gusto mo ah?" bilin nito at agad itong tumango tango sa kanya. Grecxa kisses her on the cheeks before running towards the kitchen, kung saan nag b-bake ang mommy nito.

Frances wanted to laugh hard when she saw his friend looking like a real man. Lalaking lalaki ang lakad nito at hindi kekembot kembot, pati ang suot nito ay malayong malayo sa nakasanayan na suot ni Kiel.

"Anong trip mo?" pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan mula ulo hanggang paa.

Kiel removed the shade he's wearing, and wink at her. "Hi babe." wala sa sariling tumingin sa kabilang banda si Frances para mapigilan ang sarili na humagalpak ng tawa.

She saw Dylan drinking water in his kitchen, deretso ang tingin sa kanila ni Kiel. Bumaling ulit siya sa kaibigan na hindi pa rin nasisira ang postura. Frances wanted to play a little, she wanted to see if the mighty Dylan will react if she did something to Kiel. Hindi siya nag a-assume but she still wants to try it.

"Hello babe!" nilakasan pa talaga niya ang boses para marinig ni Dylan lalo na at hindi naman malayo ang distansya nila sa isa't isa. Kiel dropped his hand on her waist, pababa sa may puwetan nito. "I'm gonna kill you later." paanas na bulong niya sa kaibigan.

"How's your vacation here? Did you have fun?" mukhang nakita na ni Kiel ang ipinunta niya dito. She sighed and glanced over Dylan's kitchen, pero wala na doon ang lalaki. Bahagya niyang itinulak ang kaibigan at ibinato rito ang hand bag na bitbit niya.

"Gwapo diba? Nakita mo na, tara na ayos na 'yon." sarkastikong sabi niya rito.

"Ang sharap mamsh! Pak na pak ang muscle ni papey!" bulong nito sa kanya, kaya ang dating parang naka back hug ang malantod niyang kaibigan sa kanya. Frances rolled his eyes and elbowed his stomach.

"Sarap nga, di ko naman matitikman." sumimangot siya sa kaibigan. Malutong na humalakhak si Kiel, pati ang pagtawa nito ngayon ay nag-iba, hindi na iniipit ang boses.

"Frances Agape, paano ka naman kasi papatulan? Look at you, you look like a freaking thirteen years old. Kahit nga ang trese anyos na bata sa panahon ngayon mukha pang dalaga sa'yo!" maarte siyang inirapan ni Kiel bago pagbuksan ng pintuan.

"You know I tried everything para lang magkalaman ako kahit papaano. Gym? Kumuha na ako ng nutritionist, I've take a lot of food supplement. Pero ganoon pa din, tapos..." hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may pumatak na luha sa mga mata niya. Agad na lumapit si Kiel at pinatahan siya.

LCS 5: Dylan Cortez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon