Chapter 16

33.5K 860 51
                                    

NATATARANTA si Frances sa pag pili ng damit niya na dadalhin niya. Even though, Dylan said she didn't need to bring anything. Matagal tagal na nang maka punta siya sa resort. Ang huling punta niya sa resort, ay noong magkaroon ng libreng oras ang nanay nila sa wakas.

Nasapo niya ang noo nang maalala ang boutique niya na iiwan na naman niya! She immediately picked her phone and dialed Kiel's number. Kumunot ang noo ni Frances nang nakailang dial na siya sa numero nito pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya.

"Got a problem, baby?" biglang sumulpot sa likuran niya si Dylan at naglalambing na yumakap sa kanya. She pouted her lips and rest her head to his chest.

"Hindi sumasagot si Kiel sa tawag ko. Nakakapag taka lang, kahit gaano ka busy ang isang 'yon kapag ako ang tumatawag agad agad sumasagot ito." Nakakunot ang noong sabi niya.

Nawala ang pagkakunot nang noo niya nang maramdaman niyang hinalikan siya ni Dylan sa noo. This man and his unexpected sweetness. It always caught her off guard, and never failed to make her smile. His kisses were like magic.

"Stop thinking. We're having a date today, just focus on me. Kay?" he possessively said as he lightly tightened his hug. "Anyway, hindi ba sinabi ko na sayo na huwag ka nang mag-empake? Let's go. We're going to my parent's house first."

"Ha? Wait lang! Bakit doon?!" she panicked.

Alam naman ni Frances na hindi imposible na makilala niya ang pamilya nito. But she's a little... no, she's nervous as fuck! Gusto niyang mag suka sa sobrang kaba niya. Maraming senaryo ang pumapasok sa utak ni Frances, paano kung ma kwestyon na naman ang edad niya? Paano kung tanungin siya ng mga ito kung ano ang relasyon nilang dalawa ni Dylan?

Ano ang isasagot niya? Na fuck buddy silang dalawa? O ginulo niya si Dylan na buntisin siya nito dahil maganda ang lahi nila at gusto niyang gwapo o magandang anak?

"Baby, you're pale." Dylan sighed.

Umupo ito sa kama habang hawak hawak pa rin ang kamay niya. Dylan was pressing his lips together, halatang halata ito na gusto na nitong matawa sa itsura niya ngayon. Gusto niyang tumakbo ngayon papunta sa banyo para ilabas doon lahat ng kaba na naipon sa tiyan niya, damn! Hindi siya pwedeng humarap sa mga magulang nito na mukhang constipated!

Luging lugi na siya kung mapagkakamalan na naman siyang bata. Kahit man lang sana sa mukha makabawi siya.

"Look at me. Don't be nervous okay? My parents already know you. Even my sister. And they like you so much." pinisil nito ang palad niya. "Wala ang magulang ko sa bahay. Take a chill pill, but you'll probably meet them at the resort."

"K-kilala... I mean alam nila... ako? Paano?" tanong ni Frances habang nakaturo sa sarili niya.

"Simple. I told them." ngumisi ng nakakaloko si Dylan sa kanya. She started to panic again ang mumbling a simple prayer.

"A-anong sabi nila?"

"Ang cute mo. Mukha kang bata, bagay tayo, kailan ang kasal at kailan ko maibibigay ang apo nila, because my sister don't have a chance to have a baby." he answered. Umupo si Frances sa tabi ni Dylan.

"Bakit walang chance na magka-anak? Infertile din ba siya kagaya ko? O may lahi kayo na ano?" humina ang boses ni Frances sa huling tanong niya.

Dylan looked at him with disbelief and scoffed at her. "No we don't have. My sister is lesbian. That's why..."

Her mouth formed into an 'O'. Hindi niya ineexpect na lesbian pala ang kapatid nito. She doesn't have a problem with that.

LCS 5: Dylan Cortez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon