Chapter 15

29.3K 724 60
                                    

"Welcome home, baby."

Hindi na napigilan ni Frances ang sarili, inilang hakbang niya lang ang pagitan nilang dalawa ni Dylan at sinunggaban ito ng yakap. She always love to do a picnic set-up, but she didn't have a chance. Simply because their parents was always busy, and her brother was busy in his studies.

"Hope you like it." Inabot sa kanya ni Dylan ang hawak nitong isang stem na puting rosas.

"Are you kidding me, Dy? I love it! Thank you!" she exclaimed and without thinking twice, she pulled Dylan lower so she can kiss him.

Hinayaan ni Frances na palalimin nito ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Dylan was using his tongue to pleased her, he was even licking her lower lips and it turns her on so much. Naramdaman niya na naglulumikot na ang kamay ni Dylan sa katawan niya, but the guy stopped before their body ignites with fire.
He let go of her lips and pushed her body a little.

"Let's eat first, shall we?" nakangising tanong nito sa kanya. Parang hindi siya nito binitin! Hmp.

Frances heart is filled with happiness, to think that Dylan prepared this kind of dinner for her! Her heart hammered inside her chest. Her hands were trembling. Hindi siya mapakali habang pinapanood si Dylan na asikasuhin siya.

Dylan was putting foods in her plate. Ang mga paborito niyang ulam ang nakahanda. Tinapa, Pork giniling, Lechon manok at Bistek. Naglaway ang bagang niya nang makakita ng manggang hilaw, napangiti nalang si Frances nang makita ang pinaka masarap na kapares nito. Bagoong.

"Dy..." she softly called his name. Umangat ang tingin sa kanya ni Dylan. "May kamatis sa kusina mo diba?" she asked.

"I think... so? Why?" nagsalubong ang kilay nito at tumigil sa paglalagay ng pagkain sa pinggan niya.

"Gusto ko nun. Tapos itlog na maalat din." she requested.

"Itlog na maalat? Salted egg?" he asked as his brows furrowed. Frances slowly nodded her head.

May gusto siyang subukan, nakita na niya 'yon dati na ginagawa ng kasambahay ng Kuya niya. At first it looks so disgusting for her, but now, she's craving for it. And she wants to taste it this instant!

"Baby wala tayong ganon." he said.

"Then I won't eat. Matutulog nalang ako! Kumain ka mag-isa mo!" sigaw niya kay Dylan bago tumakbo papunta sa kwarto nito.

Malambing ang boses ni Dylan, and she appreciated his effort, damn! She loves the ambiance and everything. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit bigla nalang siyang nagalit nang dahil lang wala itong maipakitang itlog na maalat sa kanya!

Binaon ni Frances ang mukha niya sa unan sa sobrang hiya.

NAKATITIG lang si Dylan sa hinanda niya. Hindi siya makapaniwala sa inasta nito.

"I thought she love it..." he whispered.

Dylan sighed. Napipilitan na iniligpit ni Dylan ang inihanda niya para kay Frances, isa isa niyang nilipat ang mga pagkain sa container at inilagay sa loob ng ref. Panaka naka ang pagtingin niya sa hagdan, hoping that Frances will change her mind and eat with him.

Napatigil siya sa pagliligpit nang makita ang naka hiwang mangga, his brows furrowed and forehead crease. What was she planning to do?

"Give her what she wants..." he whispered. "Right. She wants salted egg, then I will give her salted egg."

LCS 5: Dylan Cortez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon