Chapter 17

30.3K 761 69
                                    

A/N:
Nasa media yung singsing ni Frances, nakalimutan ko ilagay sa Chapter 16 HAHA. Dapat kagabi pa 'tong update na 'to kaso pampam si wattpad. So yeah, here it is. Enjoy reading mga mare! 😙


NAKAYUKO si Frances at hindi makatingin sa mga magulang ni Dylan. Because of her, they are now having a late lunch. Hinintay talaga siya ng mga ito na magising mula sa pagkakahimlay niya. Gusto niyang sikuhin si Dylan dahil hindi man lang siya nito ginising, natulog pa nga sa tabi niya!

"Eat now, Frances. It's okay, we don't mind. We're not that hungry, my dear." malambing ang boses ng mommy ni Dylan. Parang kanina lang ay para itong tigre habang may kausap sa cell phone nito.

"Come on dear, don't be shy." Dylan's sister second the motion.

Gustong gusto niyang sisihin si Dylan dahil pinagod siya nito kanina, pero alam niya na may kasalanan din siya dahil hindi niya 'to pinigilan, sarap na sarap pa nga ang lagay niya. She didn't know that she will be addicted to Dylan's body. Kapag nahawakan na siya nito para siyang sinilaban sa apoy.

Kanina habang papunta silang dalawa ni Dylan sa lamesa kung nasaan nakaupo ang pamilya nito, nakasalubong ni Frances ang mga mata ng Daddy ni Dylan. He was smiling, no more like, smirking at her. Frances knew that look. He was teasing her and his son, na chillax lang nasa tabi niya. Na parang wala silang kababalaghan na ginawa.

Narinig niyang bumuntong hininga si Dylan sa tabi niya. Inusog nito ang upuan papalapit sa kanya, umangat ang tingin ni Frances, only to find out that Dylan is now done eating. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niyang naghihintay ang kutsara na may lamang pagkain sa tapat ng bibig niya.

"Come on, baby. I know your hungry." malambing ang boses nito, pero hindi makakatakas ang kapilyuhan nito sa mga mata nito.

Namanhid ang buong ulo ni Frances at nadagdagan ang hiya sa pamilya ni Dylan. He's doing it in purpose! Nag-eenjoy ang lalaki sa sitwasyon niya! Nakita niya sa peripheral vision niya ang mga magulang nito na nanonood, at mukhang kilig na kilig pa ang mommy nito sa pinaggagawa ng anak nito sa kanya. While his father was just silently watching and ignoring his wife, who's now pinching his arm. The old man looks so proud of his son! Habang ang kapatid naman nito ay tahimik lang na sumisimsim ng alak na nasa wine glass nito.

"Ahh?" Dylan mocked her moans when they're in bed.

Nagtagis ang bagang ni Frances bago unti unting ibinuka ang bibig at isinubo ang kutsara na may lamang pagkain. She throw a death glare at him and mouthed a curse for the first time. Sumimangot agad si Dylan.

"How sweet!" tili ng mommy nito na siyang nakakuha sa atensyon ng mga customers sa loob ng restaurant. Tumikhim ang mommy ni Dylan at sinulyapan ang anak na lalaki. "By the way, sigurado ka na ba sa anak ko? I mean we're financially stable, I'm sure he can provide your needs and wants. Pero tamad ang isang 'yan!" the lady said and chuckles.

Frances glance at Dylan who looks unbothered to his mother statement.

"Hindi naman po siya tamad kapag ako ang kasama. In fact, he's helping me sometimes in my boutique. Sa bahay naman po, kapag bumibisita ako, siya halos lahat ang gumagawa sa gawaing bahay."

He's helping her in her boutique, pero mas lamang ang pang gugulo nito sa kanya. Sa bahay? Kapag bumibisita? That's totally a lie, dahil binabahay na siya ni Dylan simula nang may mangyari sa kanilang dalawa. Ni hindi na nga niya matandaan kung ano ang ayos ng kwarto niya sa unit nilang dalawa ni Kiel, at nahahawaan na din siya nito ng katamaran dahil maghapon siya nitong ikinukulong sa kwarto. Sleeping and doing nasty stuffs.

LCS 5: Dylan Cortez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon