"TITA!"
Frances giggled and spread her arms before dropping her knees on the ground, hindi alintana na madudumihan ang suot niyang pantalon. She's always been like this. She love dirt in her body whenever they're playing. Hindi siya nag-eenjoy kung hindi siya amoy araw o wala kahit kaunting dumi ang suot niyang damit.
"I missed you, Grecxa!" pinisil niya ang katawan ng pamangkin nang dambain siya nito ng yakap.
Tulog mantika pa rin si Dylan, hindi na siya nag-abala na gisingin ang lalaki dahil sa sarap ng tulog nito. He's even snoring softly, she hates it when man snores. Pero kapag si Dylan? Sure. He looks cute, isa pa hindi naman ito ganoon kalakas mag hilik.
"Tita, ikaw ba ulit magbabantay sa akin? Nasa loob si Papa at Mama!" she said, almost shouting. Ito ang problema nilang lahat sa pamangkin niyang si Grecxa, dinaig pa nito ang microphone. Sobrang tinis kasi ng boses nito, at kahit mahinahon na ang pagsasalita nito. Mabibingi at mabibingi ka pa rin sa lakas at ingay nito.
"Having breakfast?" tanong niya rito and the kid just nod her head. Ipinalibot niya ang tingin sa may garahe at nakita doon ang motorsiklo ng Kuya niya sa tabi ng sasakyan ng asawa nito.
Her brother France, loves to ride a bike than the Car. Mas mabilis daw kasi kapag motor ang gamit.
"How about you? Kumain ka na ba?" tanong ni Frances sa pamangkin at kiniliti ito sa may leeg. Grecxa giggled, maya maya lang ay sumisigaw na ito habang tumatakbo papasok sa loob ng bahay nila.
Sumunod si Grecxa sa pamangkin, mula sa kusina, naramdaman na ni Frances ang walang kasing talim na tingin ng Kuya niya. She gulped and pouted. Ngumiti naman sa kanya ang asawa ng Kuya niya habang umiiling iling sa kanya.
"Good morning!" pilit niyang pinasigla ang boses niya.
Her brother drop the utensils, itinukod nito ang siko sa lamesa at pinagsiklop ang mga kamay niya. "Tell me, that man is your boyfriend right? Tell me you didn't do anything that can make you look like a stupid. Sabihin mo sa akin na hindi ka gumagawa ng ikakapahamak mo sa likuran ko."
Mariing pumikit si Frances bago siya sunod sunod na umiling. "No, hindi ako gumagawa ng ikakapahamak ko. Promise! And..." tumingin siya sa Kuya niya at sinalubong ang matalim na titig nito sa kanya.
I'm sorry, Dylan. This is the only way to save my ass.
"He's already my boyfriend. I know it's too fast, but he's good!" she explained. Umangat ang kilay ng Kuya niya.
"Name. I need his name."
"Kuya naman!" angal niya.
"What? Gusto ko lang patunayan 'yang sinasabi mo na 'He's good'! Paano pala kung hindi? Huh? What will you do?" sigaw ng Kuya niya sa kanya. "Name. Frances." he repeated.
"Dylan. Dylan Cortez."
"Dylan huh?" he scoffed before laughing. "Damn, hindi ko alam na kapit bahay ko pala ang kasama mo? Okay. He passed." he said between his laugh.
Kumunot ang noo ni Frances at nagtatakang tinignan ang Kuya niya na kanina lang ay parang handa nang patayin ang kung sino man na lalaking sinasabi niya na boyfriend, and now he's laughing his ass off. May sira na ba sa utak ang kapatid niya? Lumipat ang tingin niya sa asawa nito, the woman just shrugged at her bago subuan ulit ng pagkain ang anak nito na nagtataka ding nakatangin sa ama.
"Kuya? Ayos ka lang?" hindi niya mapigilan na tanong sa kapatid.
"Yeah, be careful with him. Nakapasa man siya sa panlasa ko but that doesn't mean that I trust him. Beside, kilala ang lalaki na 'yan na babaero. Ikaw lang naman ang inaalala ko."
