Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tilaok ng mga manok. Nakita ko ang itay na nakatayo sa paanan ko, nakangiti ito at naka taas ang dalawang kamay. Iyon ang palagi naming ginagawa. Fighting sign! Napangiti ako, kumurap ng dalawang beses.
Wala na ang itay ng kumurap ako. Napabuntong hininga nalang ako at kinapa ang aking salamin. Nang maabot ko ito ay tumayo naako.
"Magandang umaga, tay. Salamat sa pagpapalakas Ng loob ko. Miss na miss na ho Kita" ani ko sa larawan ni Tatay na nakalagay sa picture frame.
Sinuklay ko ang buhok ko at pinusod iyon. Pagkalabas ko ng silid ay diretso kong tinignan ang oras. Alas kwatro e medya ng umaga. Ganitong ganito rin Kung gumising noon ang itay. Sabay kaming maghahain ng umagahan. Siya ang mag-aayos ng mesa at ako Naman sa pagkain. Ngunit ngayon, mag-isa ko nalang iyong gagawin.
Malungkot akong ngumiti ng maalala ko ang itay. Diretso ako ng kusina. Sinimulan ko nang magsaing ng bigas. Habang inaantay kong maluto ang sinaing. Inayos ko ang mga gamit roon sa kusina.
Nang masigurong walang ng tubig ang kanin. Aantayin konalang itong main-in. Sinimulan konang balatan ang isang balot ng hotdog. Bago Kasi mamatay ang itay ay mayroon siyang grinosery. Para bang, alam niyang mawawala siya. Ang tatay talaga.
Hindi ko maiwasang ngumiti ng malungkot. Kahit kaylan hindi talaga kami pinabayaan ni Tatay. Andoon na iyong kahit may ubo at trangkaso siya, hindi siya lumiliban sa trabaho niya. Ika Niya, sayang daw ang sahod kong liliban siya.
Hindi ko alam na gumawa na ng landas ang mga luha ko. Agaran ko Naman itong pinunasan. Ayokong makita nino man kina Nanay at ate na mahina ako, na umiiyak ako. Iyon ang bilin ng tatay.
Inilagay kona ang mantica sa kawali. Naghintay mona ako ng 10segondo bago ko ilagay ang hotdogs. Hindi Naman nagtagal ay natapos narin ako. Ala singko impunto na. Kailangan konang maligo.
Maingat ang bawat hakbang ko. Ayokong mastorbo ang pagtulog Nila Nanay. Kumuha lang ako ng tuwalya at damit sa kwarto ko. Isa lang ang banyo namin. Kilangan ring magtipid ng tubig. Isang timba lang ng tubig ang ginagamit ko. Baka lumaki ang bayarin.
Kinse minutos ang nakalipas at narito na ako sa aking silid. Ipinusod kona ang aking mahabang buhok. Ang aking kupas na pantalon at puting t-shirt ang aking suot. Sunod ko na kinuha ay ang aking salamin. Pinunasan ko muna ito bago ilagay sa mata ko.
Nang masigurong ayos na ang aking buhok, kinuha ko ang backpack ko at ang dalawang makakapal na Libro. Second year college na ako sa korsong Civil engineering. Iyon ang pangarap ni itay para saakin. Tutuparin ko iyon.
Pagkalabas ko ay nasa mesa na sina Nanay at ate. Kumakain na sila. Pero hindi manlang Nila ako inaya. Pilit kong winala ang isiping Iyon. Hindi dapat ako nag-iisip nang ganoon.
"Saan ka pupunta?"
Napabaling ako kay Nanay ng tanungin ako nito.Nais kong magdiwang dahil may pakialam na saakin ang Nanay.
"M-magandang umaga ho Nay. A-no ho Lunes ho Kasi ngayon" sagot ko nang may Saya sa boses.
Ito naba Iyon? Mamahalin na ba ako ni Nanay? Gaya ng pagmamahal Niya Kay ate?
"Oh? Eh, ano Naman Kung Lunes"
Ang Nanay talaga tumatanda na. Nagiging makakalimutin na.
"May pasok ho kami, Nay" ani ko.
Wala akong nakuhang tugon mula rito. Nagkatitigan lang sila ni ate. Pinagwalang bahala konalang Iyon.
Umupo naako at nagsandok ng makakain ko. Ayaw na ayaw ni Tatay na ginugutom ko ang sarili ko. Ayokong magkaroon ng sama Ng loob ang tatay sa kabilang buhay.
YOU ARE READING
KAZUYA ASTRYLLE: Iᴛs Aʟᴡᴀʏs Yᴏᴜ✓
RomanceWARNING•|•|SPG•|•|R-18•||MATURE CONTENT [Date started: July 11,2021] [Date Finished: September, 9, 2021]