#7 The Truth 1

2.2K 34 6
                                    

Continuation......

                        #7 the truth 1

"Hindi ka sasama saamin. Hindi naman Kita anak!" Ani Nanay.

Na nakapagpatigil sa akin. Para Akong naubusan ng lakas.

Ano ba ang sinasabi ni Nanay?

Ayos lang kaya siya?

"Nay, kayo ho ang Nanay ko. Impossible ho iyan. Kayo ang kinalakhan ko—"

"Hindi  ka namin anak ni, Kanor. Si Kezaya lang ang anak namin. Napulot kalang Niya sa labas ng isang subdivision. Pasalamat ka nga at kinuha ka ng asawa ko. Ngayong Wala na ang asawa ko. Wala na rin kaming rason para manatili pa rito, kasama ang Isang tulad mo! Tayo na Kezaya. Nag aantay na ang bus,"

Hindi ako makakilos.

Hindi ako makahinga.

Naiwan akong tulala.

Ha?

Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na ang agos ng Aking luha.
Kaya ba hindi maganda ang trato saakin ni Nanay? Dahil ampon lang ako?

Bakit? Ganito?

Ano ang Aking kasalanan at pinag daraanan ko ang mga ito? Ang aking kinikilalang pamilya, ay hindi ko tunay na pamilya? Sino ang Aking mga magulang?

Nasaan sila?

Bakit Nila ako iniwan?

Bakit Nila ako pinabayaan?

Hindi ba Nila gusto ang Isang tulad ko?

Pumasok ako sa loob Ng bahay dahil pinagtitinginan na ako. Napa upo ako sa balkonahi.

Niyakap ko ang aking sarili at tahimik na umiyak.

Bakit sunod sunod ang sakit? Hindi man lang ba ako pagpapahingahin ng isang araw? Bakit Naman sabay sabay? Hindi ba pweding isa isa lang?

Sobrang sakit.

Bakit hindi kaagad sinabi saakin ni Tatay?

Bakit inilihim Niya ito saakin?

Bakit!

Wala akong sagot sa sarili kong Tanong. Sana.... kahit sandali ay malimutan ko ang sakit. Dahil hindi kona kaya. Sobrang sakit na malaman ang dalawang katotohanan. Una, ang panlolokong ginawa saakin ni Arthemis. Sunod, ang malaman ang katotohanang hindi ako tunay na Dimasalang. Isa akong ampon!

"P-p-parang a-wa niyo na po, Tanggalin niyo Lahat nang sakit na aking nadarama. Kahit ngayon lang po,"

Pakiusap.

                       ————

"Baby, my baby girl. Hushhhh.... Don't cry, I'm sorry if we leave you. I'm sorry if we're not on your side right now. Always remember that everythings happen for a reason. Your not named Kazuya Astrylle for nothing. Don't give up, my daughter"

Napabalikwas ako ng bangon. Ano Iyon? Sino Iyon? Bakit tinawag Niya Akong Anak? Kazuya Astrylle?

Panaginip lang pala iyon. Hindi Iyon totoo.

Kinapa ko ang Aking luha. Tuyo na Iyon. Mahapdi rin ang Aking mga mata. Hindi ko Namalayan na nakatulog ako.

Sobrang tahimik ng bahay. Iniwan na talaga Nila ako. Sabagay, Sino ba Naman ako? Ako lang Naman si, Kazuya. Ampon lang Naman ako.

KAZUYA ASTRYLLE: Iᴛs Aʟᴡᴀʏs Yᴏᴜ✓Where stories live. Discover now