#8 The Truth 2/ Final truth

2.1K 39 3
                                    

Continuation........

                                Big revelation........

Paalala: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng sinsitibong mga salita.
Please be aware. ....
-----------------------------------------------------------

"I know, because you are a Davierra. You are Kazuya Astrylle Davierra. You are my sister,"

Parang biglang tumigil Lahat sa paligid ko,nang marinig ko ang mga katagang iyon. Pakiramdam koy hindi ako huminga.

Parang hindi Bigla tumibok ang aking puso.

Hindi ko maintindihan.

Hindi ko maipaliwanag ang aking sarili.

Totoo ba ang Lahat ng narinig ko? O nagkamali lang ako ng rinig? Ilusyon ba ito? Kasi kung oo, hindi nakakatuwa. Sobrang kaba ang Aking nadarama.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Nangangatal ang aking boses nang sambitin ko ang Tanong na Iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

May dapat ba akong sabihin?

Bagkus na sagutin ang aking tanong ay hinila ako nito sa kanyang sasakyan. Hindi na ako naka angal pa. Napatianud nalamang ako.

Gusto kong malinawan sa Lahat.

Gusto kong masagot Lahat ng Tanong ko.

Pero, ngayong heto na at baka masagot na Lahat ng aking katanungan. Pakiramdam koy hindi ko kaya. Hindi ko kayang malaman ang totoo.

Natatakot ako sa mga isasagot Niya.

Natatakot akong malaman ang Lahat.

Hindi ko alam kung bakit.

Kusang kolang iyong naramdaman.

Ni hindi ko namalayan na nasa loob na kami nang condo unit na ito. Hindi ko magawang ibaling sa iba ang aking atensyon.

Hindi ko magawang magtanong. Walang lumalabas na salita sa Aking bibig. Parang naubusan ako ng laway at biglang di makapagsalita!

Natatakot ako sa katotohanang Aking malalaman.

"S-s-shane, maaari bang sabihin mo saakin Lahat. Lahat ng.........detalyi sa buo kong pagkatao," napapikit ako sa huling linyang Aking binitawan.

Totoong kinakabahan ako.

Pero, gusto kong malinawan.

Gusto kong malaman ang Lahat.

Kahit pa ito'y masakit.

"Mga bata palang Tayo noon. Lima tayong magkakapatid. Ako ang pang apat at ikaw ang bunso. Ang pangalan ng mga magulang natin ay, Astrylle Andrada-Davierra at si Kristopher Davierra. Halos perpekto ang buhay natin. Wala tayong problema. Wala tayong kaaway. Mababait ang mga magulang natin. Habang sina kuya ay Sobra busy sa pag aaral, patungkol sa negosyo. Ang panganay saatin ay si, kuya Klinton Kristopher Davierra. Sinundan naman siya ni Kuya Kyle Kristopher Davierra. Kevan kristopher Davierra. Ako ang pang apat. Katana Astrylle Davierra. Habang ikaw naman ay si, Kazuya Astrylle Davierra. Minsan ay nagigising ako noon dahil sa alitan nina Mom and Dad dahil sa mga death threats na natatanggap ni Dad. Magaling na business man ang Dady. Walang makatalo sakanya. Doon na nagsimula ang aking takot. Takot ako na mawala sina mom and dad sa buhay nating magkakapatid," huminto siya at maluha luhang timungin sa kisame. Hindi kona mapigilang mapaluha. "Hanggang sa sumapit ang ika lawang kaarawan mo. Imbitado Lahat ng kamag anak natin. Sa side ni Mom at side ni Dad. Punong puno ang mansiyon noon. Hindi rin nag imbita nang iba ang Dady at Momy. Dahil nga sa mga death threats na iyon. Masaya tayong kumakain noon ng biglang........," Huminto siya at tuloy tuloy ang luhang naglalandas sa kanyang pisngi. Bigla ay kinabahan ako at sumikip ang aking dibdib. "nang biglang......... may mga armadong kalalakihang pumasok sa loob nang mansiyon. Doon palang alam kona ang mangyayari. Itinago Tayo nina Mom and Dad sa underground natin. Napaka liit mopa noon. Kaya Wala kapang alam sa mga nangyayari. Sinabihan kitang wag kang aalis sa underground at pupuntahan kolang sina mom and dad. Tumango ka naman at nakangiting kumaway. Nang makalabas ako mula sa underground at doon kona Narinig ang sunod sunod na putok ng mga baril, nagtago ako. Doon ko nakita Kung paano nilang pinatay Lahat ng mga kamag anak natin. Walang natira liban saatin. Nag makaawa ang dad na wag sasaktan ang Momy, pero hindi nito siya pina kinggan. Napapikit ako noon sa Sobra takot. Nang makaalis ay saka ko nilapitan ang mga bangkay nang mga magulang natin at kamag anak. Kasama ang tatlo nating kuya. Napakasakit dahil Wala manlang Akong nagawa sa mga oras na Iyon" niyakap ko ang ate ko. Hindi ko kayang marinig ang Lahat. Parang dinurog yung pagkatao ko sa mga nalaman ko. May nabuo pero may nadurog rin. Nalaman ko nga kung sino ako pero Wala Naman Akong maalala. "Doon ko napagtantong dalawa nalang Tayo. Paano Kitang bubuhayin sa mga oras naiyon? Limang taong gulang lang ako. Wala pa Akong alam sa mga gawain. Pero sapat na ang isip ko para maintindihan ang Lahat. Doon kona napagdesisyonang kunin ka sa underground. Ikinabit ko saiyo ang kwentas mong regalo ni Dad. Iyon ang iyong pangalan Kazuya. Iniwan Kita sa labas ng village natin. Kahit masakit saakin ay wala akong magagawa. Iyon ang alam kung paraan. Mas madaling paraan. Pinangako ko sa saiyo noon na babalik ako para hanapin ka. Alam mo ba Kung ano ang sinabi mo noon, "tige ate, I will wait for you". Tuluyan na Akong napahagulgul. Hindi ko alam kung ang aking sasabihin. "Sinadya kong ibahin ang aking pangalan. Ayokong may makaalam na buhay pa ako. Na hindi ako kasamang namatay sa massacred. Sana ay patawarin mo ako dahil iniwan Kita. Dahil hindi kaagad ako nagpakilala ng maayos. Sana ay wag kang magalit saakin,"bagkus na magsalita ay yinakap ko siya ng mahigpit.

Kung ganoon ay totoo ang aking napanaginipan? Ako nga talaga si Kazuya Astrylle Davierra. The 5th born in our family.

Kaso, Wala na ang pamilya namin.

Nagkaroon man ako ng pamilya, pero iniwan din ako. Napa kamalas ko.

Kaya pala magaan ang loob ko sakanya.

Kaya pala gusto ko ang yakapin siya.

Dahil siya ang ate ko.

Nagawa ko mang malaman ang buong detalyi tungkol saakin pagkatao. Pero, narito parin ang lungkot saaking puso. Lungkot na malaman ang katotohanang pinatay ang Lahat ng kamag anak namin. Ang Momy at Dady namin. Maging ang mga kuya namin.

"Hindi ako galit ate. Nalulungkot ako saaking nalaman. Pero bukod doon ay masaya akong malaman na ikaw ang ate ko. Mahal na Mahal Kita ate Shane,"anya ko at niyakap pa siya nang mahigpit.

"I love so much my little sister. You can call me ate Kat. Beside, Shane is just my fake name. I promise you that I will never leave you again. I won't leave you. Bakit ang bait bait mo, Kazuya? Hindi Naman ako mabait? Saan mo namana iyan? Kaya ka inaagrabyado eh. Tsk. Sobrang bait mo Kasi. Minsan, maging maldita karin kahit kunti"

Napangiti ako at pinahid ang mga luha.

"Mabait ka ate. Kaso hindi mo lang Iyon halata. Ayokong maging maldita ate. Natatakot ako,"

"Ano Naman ang ikinatakot mo? Wag mo nang sagutin. O siya Kain muna tayo. Batid kong gutom ka. Halika,"

Sumunod Naman ako sa kanya. Napa ka lawak ng condong ito. Tapos mag isa lang siya dito.

Pina upo ako nito sa upuan. Big time tong si ate. Sino kaya ang kasama Niya rito? Sa lawak nito?

"Nga pala, maayos ba ang trato saiyo ni, Carter?"

Napaayos ako ng upo.

Hindi ko maiwasang maalala ang ginawa namin.

Anoba! Umayos ka Kazuya!
Ate mo ang nagtatanong! Ate mo!

"Ah eh.. ayos Naman ate. Masungit ngalang si boss at masyadong cold. Napaka bossy rin" napangiwi ako ng maalala ang itsura ni boss na masungit at hindi ngumingiti.

Kilala ba ni boss si ate?

Kilala rin ni ate si boss?

Magkakilala sila?

Parang oo.

Paano silang magkakilala? Magkaibigan ba sila?

"Kilala mo ate si boss?"

"Oo Naman. Sino ang hindi makakakilala roon? Napaka sikat ng tukmol. Sosss masungit pala ha? Wala lang love life yon kaya ganon,"

Tukmol?

Si boss?

"Ate, paano mo siyang nakilala?"

"Kasamahan ko siya sa trabaho.....dati,"

Anong trabaho?

Eh CEO Iyon.

Bigla ay interesado ako.

"Anong trabaho ate? Kung ayos lang sa'yo.....?" Kinabahan kong Tanong.

Natigilan ang ate sa niluluto Niya.

Lumingon ito saakin.

Makahulugang tumingin saakin.

"Isa siya sa pinaka magaling na agent ng ahensya namin. ISA SIYANG AGENT. DATING AGENT......."

    missxdark| Its always you

A/N: (typos and
grammatical errors ahead)

Maikling kabanata lang ito. Sana ay basahin mo🥺

Kung nabasa mo itong kabanatang ito. Isang MALAKING SALAMAT!

Slow update......

Pasensya na.

Kung sa tingin mo hindi maganda itong kwento. Maaari mo na itong hindi basahin. Maaari mo na itong i-remove sa Iyong library.

missxdark❣️

KAZUYA ASTRYLLE: Iᴛs Aʟᴡᴀʏs Yᴏᴜ✓Where stories live. Discover now