Continuation..........
Matapos mag order ng pagkain para sa boss ko ay agad akong bumalik sa opisina. Hindi mawala wala ang aking mga ngiti. Hindi ako makapaniwala na isa na akong secretarya. Secretarya ng isa sa pinaka magaling na business man sa buong mundo. Oo. Isa siya sa pinaka magaling na business man ayon sa diyaryong aking nabasa kanina lamang.
Maingat kong pinihit ang siradura ng pinto. Ayokong mastorbo si boss sa kanyang ginagawa.
Naka tutok ito sa mga tambak na papeles sa kanyang harapan. Panay ang sulat nito. Sigurado akong Lahat Iyon ay kanyang pipirmahan.
"Stop staring. Go to your place and start working"
Halos mapaigtad ako ng magsalita ito.
Ni hindi Niya manlang ako tinapunan ng tingin ng magsalita siya.Nakakahiya!
Bakit ba Kasi Iyon agad ang kanyang tingin.
Eh sa hindi ko siya tinititigan.
Napatingin lang Naman ako, ah.
"I-I'm sorry, boss."
Nauutal pa ako dahil sa kaba.Nagmamadaling lumabas ako ng opisina.
Inexplained saakin kanina ni boss Kung ano ang aking trabaho. Ang aking magsisilbing opisina ay itinuro Niya rin. Kasama ko ang ibang mga empleyado. Ni hindi manlang Nila ako tinapunan ng pakialam.
Para bang hangin kami na dumaan.
Ganoon ba talaga ang mga tao? Porke ganito ang aking pananamit? Porke ba makaluma ako? Porke ba may malaki at makapal Akong salamin sa mata? Hindi Nila ako maaaring kaibiganin?
Kahit ba iyong plastic na bati manlang?Nakakalungkot lang isipin na walang ibang nais na makipag kaibigan saakin?
Pero, ayos lang naman. Hindi ko lang talaga maiwasan ang malungkot.
Sapat na ang meron akong isang kaibigan.
Ano ba itong pumapasok sa aking isipan?!
Hindi ko tuloy namalayan na nakarating na pala ako sa aking silya.
Sinimulan kona ang magtratrabaho. Nakatutok ako sa pagtipa sa computer Ng tumunog ang intercom. Nabaling doon Ang aking attention.
"Lunch break. And another thing, Secretary Kazuya Dimasalang. Proceed to my office right now."
Batid Kong ang aking boss ang nagsalita doon.
Hindi ko alam na tanghali na pala. Kung hindi pa tumunog ang intercom ay hindi ko malalaman.
Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang aking salamin bago humakbang papuntang opisina.
Nag mamadaling tinungo ko ang elevator. Mabuti na lamang at Walang iabang empleyado na ginagamit nito ngayon.
Ang kaninang opisinang napasukan ko pala ay hindi Iyon main office ng boss namin. Doon lang siya naglalagi pag may kailangan siyang interviewhin .
Agaran kong pinindot ang 50th florr. Oo. Naroon ang main office ni boss. Nasa last floor Iyon.
Ano kaya ang kailangan saakin ni boss?
Kinakabahan tuloy ako.
Baka may mali akong ginawa?
Naku, Wala Naman Sana.
Kumatok ako pagkarating ko sa tapat ng pinto.
"Come in!" Napakalamig ng boses niyon.
YOU ARE READING
KAZUYA ASTRYLLE: Iᴛs Aʟᴡᴀʏs Yᴏᴜ✓
RomanceWARNING•|•|SPG•|•|R-18•||MATURE CONTENT [Date started: July 11,2021] [Date Finished: September, 9, 2021]