Chapter 6: Bakit Pa

81 8 0
                                    

Iba talaga kapag Campus Crush ang Boyfriend mo All Eye's on me. Hay naku mahirap talagang maging maganda, may mga tumataas ang kilay, meron ring kahit nakakalbo na ang kilay pilit paring nagtataas, Ang dami kasing mga bitter at insecure higit sa lahat kay rami ng tukso nanjan na lalapit sayo na nakatingin, pag-uusapan, at pagbubulong-bulungan kayo hanggang sa masira ang inyong relasyon at tuluyang maghiwalay.


Habang tumatagal ang mga araw lalo pa naming nakikilala ang isa't-isa, may mga times na naghaharutan kaming dalawa sa loob ng classroom kahit na may klase at nagtuturo ang aming guro madalas tuloy kaming mapagalitan. Magkaklase kasi kaming dalawa, hanggang sa dumating din yung puntong magkakatampuhan kami sa isa't-isa dahil minsan pumasok siya sa school ng amoy alak at yosi at doon ko rin nalaman na may mga bisyo pala siyang tinatago kaya nagalit ako na dapat hindi na lang siya pumasok lalo na't lasing siya dahil baka mahalata at maamoy mapahamak pa siya. Ngunit ang lubha kong ikinagulat ay ang sigawan ako nito sa loob nang aming silid-aralan kung kaya't napatingin ang lahat sa amin ngunit hindi na nila ito pinansin dahil busy ang lahat ng mga panahong yun dahil sa aming role play na iprepresinta sa aming klase sa susunod na linggo.


"Ano bang paki-alam mo ha?" pasigaw nitong sagot sa akin "Alam ko ang ginagawa ko kung hindi ko kaya hindi na ako papasok....." dagdag pa nito habang nanggagalaiti sa galit at may nalalaman pang pasuntok-suntok sa upuan


"What The F***!!!" bulong ko sa kanya "Ako lang naman ang girlfriend mo and I'm just concern bakit wala na ba akong karapatan sayo ha? masama bang maging concern sayo ha?" sabay walk out ko at dali-dali rin akong lumabas sa aming silid at agad nagtungo sa banyo upang magbawas kanina pa kasi ako natatae eh' pasensiya!


Ganun yata talaga kapag mahal mo ang isang tao kahit na anong pangit ang makita mo sa kanya, at kahit na anong pinaka-ayaw mo sa isang tao. Matatanggap at matatanggap mo ang lahat ng hindi maganda at pangit sa pagkatao niya dahil sa mahal mo siya tatanggapin mo ng buong-buo kahit sa totoo lang na ayaw mo yung mga bagay na yun.


Hay love, nakakabaliw talaga!


Malapit na kaming magCelebrate ng First Anniversarry namin ni Jemico at may mga plano na kaming gagawin para sa araw na yun!


Pero ng sumapit ang araw ng aming unang anibersaryo ni hindi man lang siya sumasagot sa mga text at tawag ko sakanya ni Ha? ni Ho? wala akong natanggap at ang pinakamasaklap sa lahat natapos ang araw ng hindi ko man lang nasilayan ang anino nito at ang pinakamasakit naghintay ako ng ilang oras sa wala ni hindi man lang siya sumipot sa lugar kung saan kami magkikita kahit late man lang siyang dumating matatanggap ko, dahil mahal ko siya.


"Putragese!!!! Sagutin mo Jemico Lintik ka talagang lalaki ka kahit kailan ang gago mo? Putangina mo......... Ha!!!!!!!!!! Mababaliw ako sayo Bullshit........" isang malulutong na pagmumura ang mga binitawan ko habang hawak-hawak ang aking telepono na halos maitapon ko sa sobrang galit. Patuloy pa rin ako sa pagtawag at pagtext sa kanya kahit na nasa bahay na ako ng mga sandaling iyon tumigil lang siguro ako ng dalawin na ako ng antok.


Play the song "Bakit Pa" by: Jessa Zaragosa

"Baki ka pa nakita,
Bakit pa nakilala,
Kung ang puso ko ay iiwan mo lang at sasaktan........"


Makalipas ang isang araw.....


"Bhe.....galit ka pa ba sa akin? Sorry na hindi ko naman talaga sinasadya nakalimutan ko lang talaga promise!" pagdadahilan nito na may kasamang paglalambing


"Tumahimik ka nga Jemico hindi mo ba naririnig yang sinasabi mo? isang taon na tayo? Isang taon ka na ring ganyan saka sinong niloko mo? Ulol! Iba ang Nakalimutan sa Kinalimutan!!!! Huwag muna akong gawing tanga kahit sa totoo lang matagal na akong nagpakatanga sa relasyon nating ito sa bawat araw, buwan o kahit ngayon na taon na ang lumipas ni hindi ko nga naramdaman na nag-eeffort ka sa relasyon natin puro ka na lang sorry, puro ka salita Putang.....Ina." Sigaw ko


"Okay! Fine mukhang walang pupuntahan ang pag-uusap nating ito, siguro kailangan muna natin ng space" sagot nito


"Whoah!" pasigaw kong sagot "Hiyang-hiya naman ako sayo at sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang yan ha!' ang kapal ng mukha o baka naman sinasabi mo sa akin yang salitang SPACE na yan dahil may bago ka nanamang laruan ha?" agad kong tinabig ang dibdib nito at tinulak-tulak ito "Ano tama ba ako may bago kananamang babae ano?" dagdag ko


Hindi na ito sumagot sa tanong ko sa kanya, mas pinili na lang nitong tumahimik at umalis na lang.


"Silence means yes!!!!" sigaw ko sa kanya bago ito tuluyang makalayo sa akin habang nangingilid na ang aking mga luha at ilang saglit na lamang ay babagsak na itong muli.


"Bakit ba kasi ang babaw-babaw ng luha ko" paninisi ko sa aking sarili habang pinupunasan ang mga luha ko na natuyo sa aking pisngi pati na rin ang nagkalat na eyeliner at masscara sa aking mukha.


-----------------------



Makalipas ang ilang linggo simula nang huli kaming mag-usap at mag-aaway ni Jemico nalaman ko na lang na may bago na pala siyang girlfriend. Malakas talaga ang instinct ko lalo na sa mga ganyang bagay si Jessica ang bago nitong girlfriend medyo maganda rin siya but compare to me mas maganda pa rin ako nalaman ko na lang na sila na pala sa teacher pa naming chismosa na tiyahin naman ni Jessica.


"Bhe! kumusta ka na?" bungad na tanong ni Jemico ng makasalubong ako nito na papalabas ng aming silid-aralan.


"Okay lang naman! Eto maganda pa rin! Pero hindi na ako katulad ng dating Didi na nagpakatanga sayo ng bongga!" mataray kong sagot


"Ouch! Ang hard mo naman, galit ka pa ba sa akin ha? Tayo pa ba?" painosente nitong tanong


"Hindi ba obvious? Masiyado lang siguro akong nasaktan sa ginawa mo kaya ako nagkaka-ganito lalo pa't parang wala lang sayo ang lahat ng pinagdaanan at pinagsamahan nating dalawa. Isang taon din kaya yun samantalang ako eto umaasa na maaayos pa natin ang lahat, pero mukhang malabo na ang lahat. Kasi ilang linggo pa nga lang ang dumaan simula nung huli tayong mag-usap I mean mag-away, heto may bago ka na namang babae ang tulis mo talaga Jemico lalo na sa mga babae pati narin sa mga bakla ni hindi man lang tayo nag-usap ng masinsinan pinagpalit muna ako agad."


Bago pa ito makasagot tila napansin nito ang aking kaliwang braso na may sugat. Itinuon nito ang kaniyang atensyon sa aking braso na puno ng sugat at nakaukit doon ang kaniyang pangalan gamit ang talim.


"Akala ko ba hindi muna ako mahal pero bakit mo ginagawa yan sa sarili mo bakit ka naglaslas?" galit nitong pagtatanong ngunit mababakas mo rin sa kaniyang mukha na nag-aalala ito sa aking kalagayan.


"Wala kang pakialam!" sigaw ko "Saka huwag ka na ngang magkunwari na concern ka sa akin dahil una sa lahat ikaw ang unang nanakit! Kung tutuusin mas masakit pa nga yung ginawa mong pang-iiwan sa akin kaysa sa mga sugat na ito, Ano bang ginawa ko sayo ha? Minahal naman kita ng buong-buo higit sa lahat binigay ko ang lahat sayo ni wala na ngang natira para sa akin Jemico I deserve an explanation and acceptable reason kung bakit mo ako pinagpalit at iniwan."


Paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib ni Jemico habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak ngunit bigo pa rin akong malaman kung ano ang tunay at kung ano nga ba ang kaniyang dahilan kung bakit ako nito iniwan at pinagpalit sa taong hindi naman kagandahan.


Love Advice:

"Don't give 100% to the man you love. Save some for yourself."

Hindi Lahat ng Ampalaya BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon