Chapter 18: Paris, France

67 1 0
                                    

After 14 hours and 20 minutes for the 10800kilometers / 6711 miles distance without stopovers.

Finally nakarating narin ako sa wakas sa aking Dream Destination #ParisFrance #DreamComeTrue Boyfie nalang ang kulang sigaw ng puso at utak ko, #ProblemSolve na kapag nagkataon!

--------

"Bonjour / Salut....." sabay pabebe wave ng aking kamay bilang pagbati ko sa lenggwaheng French sa lahat ng mga taong aking nakakasalubong. Actually hindi ko alam ang meaning nun narinig ko lang yun kanina dun sa isa sa mga flight attendant tapos tinanong ko lang kung ano ang ibig sabihin. Ayun! Sinabi naman niya nung nalaman ko kung ano ang ibig sabihin nun! Ginaya ko na lang para kunyari Brainy talaga ako.

Habang ina-antay ko ang aking Maleta bigla na lang nag-ring yung phone ko

"May tumatawag sayo sagutin muna bilisan mo sagutin muna ang telepono moh!!!!!!!!!!!!!!!!!" Ringtone

"All eye's on me........" sigaw ko habang sinaswipe ko ang aking telepono para masagot ko ang tawag ni Mama pero to be honest nahiya ako ang lakas kasi nitong ringtone ko i thought naka-silent talaga to eh'

"Hello Ma!" pagsagot ko sa aking telepono "Andito na po ako asan na po kayo?" pagtatanong ko

"Don't worry anak i'm on my way na! Just wait for me and i'll be there... See you in a bit!" sagot ni Mama sa akin na nasa kabilang linya

"Whoah!" Gulat kong sabi "Eksaherada!!!!! Englishin ba naman ako! Try mo kayang mag-French Ma! Baka sakaling matuwa pa ako sa performance mo." Mataray kong sagot sa telepono.

---------

"Oh! Ma! Bakit may batang natutulog dito? Infairness ang pretty at ang cute ah? Alaga mo Ma?" panguusisa ko sa aking Mama ng makarating kami sa Apartment nito.

Ngunit, Subalit, Datapwa't mukhang wala yatang narinig ang aking mudrakels o sadyang nagbibingi-bingihan lang.

"Ma!!!!!" sigaw ko na talagang nakakapambulahaw kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagising bigla yung bata na natutulog "Sorry Baby" paghingi ko ng tawad at agad lumapit sa tabi ng bata na natutulog upang tapik-tapikin ang tagiliran nito na isang paraan ng pagpapatulog sa mga bata upang makatulog ng mahimbing

"Ma! Kaninong anak to?" pabulong kong tanong habang patuloy sa pagpapatulog sa bata

"Don't tell me Ma! Anak mo ito? Nakakaloka ka kung kailan talaga tumanda saka natutong lumandi Naku! Naku! Naku! Sabi ng pabo...." panenermon ko sa aking mama.

"Eh! Paano kung sabihin ko sayong Oo, Magagalit ka ba?" mataray na tanong ni Mama sa akin.

"Kung sakaling Oo, Eh! Di Wow! Ikaw na! Saka ano pa nga bang magagawa ko kung sadyang makati at haliparot ang nanay ko anjan na yan eh! Pero Ma!" madrama kong sigaw

"After all these years ngayon mo lang sinabi sa akin alam mo namang sabik na sabik na akong magkaroon ng kapatid dati pa pero ang unfair mo Mama kasi tinago mo pati nga kay Inang Lily humihingi ako ng kapatid kaso menopause baby na pag nagkataon. But???" huli kong hirit dahil biglang sumingit si Mama

"Anong But?" pabalik na tanong ni Mama sa akin

"Huwag mo nga akong maBut? But? But? Didi kung ayaw mong But-Batin kita nitong hawak kong Battery!" pagbabanta nito sa akin.

"Umakyat ka nga muna doon sa itaas at ng makapagbihis ka" galit na utos sa akin ng aking mudrakels.

"Sarah.............." muli nitong sigaw "Tulungan mo nga si Didi na iakyat yung mga maleta niya sa itaas." Utos nito sa babaeng may hawak ng pagkalaki-laking patatas

"Opo! Ate" sagot naman nung Sarah na bising-busy sa pagbabalat ng patatas sa gilid ng kusina at ang nakakaloka ang tanda na may manika pa ang gaga.

-----------


Nakakapagod talaga ang araw na ito pero okay lang kasi hindi ko naman alintana yung pagod dahil mas nangingibabaw yung kasiyahang aking nadarama bukod kasi sa nayakap ko si Mama dahil sobrang namiss ko talaga siya biruin mo yun after 15 years ngayon lang uli kami nagsama kaya puro kuwento ang inatupag naming dalawa kanina pagdating ko. Mula sa pagsundo sa akin ni Mama sa Airport, sa Taxi hanggang dito sa apartment nito. Tapos lalo pa akong natuwa ng malaman kong may kapatid na pala ako si Divina Ursula Vokvokova Smash. I'm very happy talaga today dahil natupad lahat yung mga pangarap at kahilingan ko na makapunta sa Paris, France. Tapos mamamasyal daw kami nina Mama bukas for sure mag-eenjoy talaga ako ng bongga.

------------

Bago ako tuluyang natulog nagmuni-muni muna ako ng panandalian ang ganda kasi ng view tanaw na tanaw ko ang mga nagkikislapang bituin sa langit mula dito sa aking higaan. Sa Atik kasi ang kuwarto namin ni Ate Sarah habang nagmumuni-muni ako bigla nalang akong napaisip na.....

Lord......sana this time pagbigyan niyo na ako sa aking mga kahilingan please....... Ilang 11:11 wish pa ba ang aking hihilingin.... Ilang coins pa ba ang kailangan ng well.... At ilang meteor star pa ba ang aking aabangan. Matupad lang ang punyetang kahilingan na mukhang kailanman ay hindi ko na makakamtan. Kaya sana bigyan niyo po ako ng mga signs please!!!! I'm begging you.

Love,

Didi Kho. Maliit Parin!

Hindi Lahat ng Ampalaya BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon