Chapter 14: Ferris Wheel

53 2 0
                                    

Yung eksenang paggising mo, excited kang i-check yung cellphone mo kung nagtext siya sayo at goodnews may nagtext baka siya na ito, OM-Kilig.

From: 0905******2
Good day sa inyo jan ito na pala yung bago kong roaming number na simblock kasi yung dati kong sim by nextweek magpapadala na ako wag kayo mag-alala okay lang ako dito ingat kayo jan last text ko na pala to load mo nga ako ng 300 yung regular tatawag ako jan miss ko na kayo textback asap.

"ULOL! NakaDrugs Kaba Teh! Lakas kasi ng TAMA mo. Patry naman ng hinihithit mo. Nakakaloka!" reply ko sa numerong hindi nakarehistro sa aking telepono

o_o putcha talaga oo imbes na sumaya ang umaga ko umiral nanaman ang pagka-assumingera ko ayan tuloy may nanglilimos pa ng load ang masama dun may padala pa raw, hindi na ito muling nagreply sa mensahe na ipinadala ko kaya blinock ko na lamang ang numero nito upang hindi na muling magtext pa!

Nga pala puyat ako kagabi at medyo bangag pa dahil katext ko si Larry worth it ang puyat dahil ang dami naming napagusapan sa text tumawag pa nga siya sa akin isang minuto nga lang kaasar di ba? Oo, nga pala sa sabado na ang Christmas Vacation namin kaya wala ng pasok, eto pa! Guess what? Niyaya ako ni Larry na lumabas mamaya ang saya di ba? Mamamasyal daw kami sa kung saan-saan #Eggzoited ♥^_^♥ can't wait.

Bigla akong natigil at agad bumangon mula sa aking pagkakahiga at agad inayos ang aking pinag-higaan ng marinig kong sumisigaw si Lola Lily.

"Didi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" "Lintik ka talagang bata ka oo.... tirik na tirik na ang araw nakahilata ka pa rin jan sa higaan mo, bumaba ka na nga dito, at nang mapingot kita sa tenga bumaba ka na dito at kakain na kung hindi makakatikim ka sa akin Babangasan pa kita. Bibilang ako Isa.........." pagsigaw ng aking Lola Lily na may kasamang pagbabanta

Nang marinig kong bumibilang na si Lola Lily kumaripas ako agad sa pagtakbo at pagbaba sa hagdan ayoko kasing matikman ang bagsik ng matandang nagmemenopause. Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang nakatikim na ako agad ng bagsik ng matandang nagmemenopause.

"Aray ko naman Lola!" pagrereklamo ko "Nasasaktan kaya ako, pretty abuse yan! kung makahampas kayo sa ulo ko anong feeling niyo sa ulo ko pokpok palayok....... kalerkey!" pagtataray ko then I rolled my eyes at here ng paulit-ulit para damang-dama nito

"Eh! Pa'no ba naman kasi naubos na ang tao at lahat-lahat sa simbahan ni hindi ko man lang nakita ang anino mo sa simbahan namuti tuloy ang mata ko sa kahihintay sayo, bakit hindi kaba nagsimbang gabi ha? kung kaylan huli na saka ka naman wala?" panenermon nito sa akin agad rin nitong inabot ang kamay nito upang makapag mano ako sa kanya

"Eh! Napuyat po kasi ako kagabi Lola kaya ayon i decided na huwag nalang umattend baka kasi makatulog lang ako dun! At saka hindi ko na namalayan yung pagtunog ng alarm clock ko dahil na rin siguro sa pagkakahimbing ko ng tulog" Pagdadahilan ko habang ngumunguya ng pandesal na sinawsaw sa gatas

"Halah! Sige kumain ka na nga jan at pagkatapos mong kumain ligpitin mo lahat ng pinagkainan at pagkatapos mo maglaba ka rin ng mga damit dahil wala na tayong isusuot puro kasi lakwatcha ang inaatupag mo! Intiendes!!!" pananakot pa ng matandang nagmemenopause sa akin.

"Opo!" mahinahon kong sagot "Tandaan mo La huwag puro diretso ang lalakaran dapat Lily Kho ka rin dapat ng hindi makatulog ng wala sa oras" pangangaral ko sa matandang nagmemenopause

"Ulol, bilisan mo jan ha? May pa banat-banat ka pang nalalaman jan eh! Kung banatin ko kaya yang buto mo ha? Magluto ka na rin pala ng pananghalian bago ka maglakwatcha at magmamajong lang ako kasama sina Mareng Nona at Rulla huwag kang pupunta dun baka malasin ako bigla." Aba nagbanta pa ang matanda suwerte kaya ako kung alam niyo lang!

"Opo!" magalang kong sagot

"Eto nanaman tayo #CinderellaMode uli" pagkanta ko

Feeling ko tuloy ako si Cinderella at aping-api ako dito (T.T) pero joke lang! Sa ganda kong to aba hindi yan puwede kay Enrile kailangan ko nang bilisan para matapos ako agad at nang makapag Beauty Rest pa ako bago ang aming Date ni Larry mamayang hapon na kaya yung date namin este lakad pala namin pero parang ganun narin yun di ba?

Hindi Lahat ng Ampalaya BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon