Chapter 15: Broken Hearted Girl

48 2 0
                                    

"Ganito kasi yun may Crush ako since third year high school pa lang ako at sobrang patay na patay ako sa kanya ni hindi ko nga alam kong baliw na ba talaga ako pero aaminin ko dumating yung point na masiyado na akong naging obsessed sa kanya may mga times na ini-istalk ko siya at sunod ako ng sunod kahit saan siya magpunta kahit pa nga kasama niya yung girlfriend niya okay lang kahit nagseselos at naiinis ako makita ko lang siya sapat na, panay pa nga ang papansin ko, minsan pa nga nagiging tambayan ko na ang facebook account niya, as in ginawa ko ang lahat-lahat para mapansin niya lang ako, Nanjan yung nagpaganda ako ng bongga, nag-ayos ng sarili at pinilit maging matalino para makita niya na deserving akong maging kaniyang girlfriend someday hanggang ngayon nga Crush ko pa rin siya almost 4 or 5 years na rin siguro na nagpakatanga at nagpakagaga ako sa kanya ni hindi ko na nga mabilang kong ilang lalaki na rin yung mga nabasted ko ganun ako kaganda chos!" pagbibiro ko. "Isa nga siguro ako sa sobrang saya nang malaman kong break na sila ng dati niyang Girlfriend medyo matagal-tagal na rin yun baka nga may bago na siya ulit sa gandang lalaki nun!"

Hindi ko din alam kong ano ang pumasok sa isip ko at naikuwento ko ang lahat ng ito kay Larry.

"Ang dami kasing nagkakagusto sayo kaya hindi mo man lang ako pinapansin. Napakamanhid mo kaya hindi mo maramdaman na mahal kita Larry pero parang wala lang sayo ang lahat" pagtatapat ko nang aking pagsinta kay Larry

"Huh?" Gulat niyang sagot sa sinabi ko sabay tumawa siya ng pagkalakas-lakas. "Don't tell me Didi na ako ang tinutukoy mo sa kuwento mo?" pagtatanong niya pa sa akin habang hawak-hawak nito ang tiyan niya na tila sumasakit dahil sa kakatawa

Bigla akong napaisip saglit, ipagtatapat ko na ba ang lahat kay Larry na siya nga ang lalaking tinutukoy ko at matagal ko ng minamahal ng patago.

"Eh? Paano kong sabihin ko sayo na Oo, Larry ikaw nga ang lalaking tinutukoy ko. Larry mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, bukas, at magpakailanman" pasigaw kong sagot at habang sinasabi ko ang aking tunay na nararamdaman sa kanya hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang aking mga ga butil na luha mula sa aking mga mata.

"Ano Larry? Ngayong alam mo na ang lahat? May magbabago ba? Mamahalin mo ba ako? Lalayuan? o Iiwasan? ano? sumagot ka?" sunod-sunod na pagtatanong ko sa kanya

"Pe.......pe.....ro Didi......." nauutal nitong sagot. "Hindi puwedeng maging tayo!" sagot nito

"Pero bakit????" pasigaw kong tanong habang umiiyak, "Sabihin mo kung ano ang dahilan, para naman maupdate ako!" Bigla kong kinuha at inabot ang kamay niya at hinawakan ito habang patuloy pa rin ako sa aking pagluha "Larry??? pwede bang Ako na lang? Ako na lang mahalin mo...." pagmamakaawa ko

"Alam ko yang linyang yan hindi naman eksakto pero alam ko yan" pagsasalita niya habang nakatitig sa akin "Bea Alonzo ~ One More Chance ano? tama?" panghuhula nito sa linyang aking binitawan

"Tangina mo naman eh!" malutong na pagmumura ko sa kanya. "Hoy! Serious toh?" pagpapaalala ko

"Didi!!!! Oo, mahal kita pero bilang kaibigan lang!!!!!!" nawindang ako sa isinagot nito sa akin ng marinig ko ang sinabi niyang iyon paulit-ulit itong rumehistro sa aking isip "Hindi kita mahal! Hindi kita pwedeng mahalin! Kaibigan lang ang turing ko sayo at bukod dun may girlfriend na ako si Andrea."

"Paulit nga????? hindi ko narinig. Sino yung girlfriend mo?" pagtatanong ko habang patuloy pa rin sa pagpatak ang aking mga luha na dumadaloy sa aking pisngi

"Si Andrea......" pasigaw niyang sagot

Sa pagkakataong iyon hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sa pisngi si Larry ang taong pinakamamahal ko. "Shit! Ang baboy niyo? Si Andrea talaga!!!! Larryyyy........... Bestfriend ko yung shinota mo!!!!"

"Kim Chui ang peg Sana Maulit Muli???" muli nitong pagbibiro

"Oo, ang galing mo sinubaybayan mo din pala yun!" Pero habang sinasabi ko ang mga yun patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ouch! It sucks! Uuuuh ang puso ko unti-unti ng nadudurog!


"So ano to? Idadaan mo na lang ako sa mga pahula-hula mo? Sa mga linyang binibitawan ko pagtatanong ko sa kanya, may girlfriend ka na pala! Bestfriend ko pa! tapos niyaya mo pa akong lumabas kung ano-ano pang mga sweet messages ang tinetext mo sa akin ano to lokohan?" mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Hoy! Kinakausap kita Oh? Bakit hindi ka makasagot" pagtataas ko ng boses. "Tangina mo huwag ka nang magpapakita sa akin" pagbabanta ko at agad na akong tumakbo papalayo sa kanya pagkababa namin ng ferris wheel.

Hindi ko alam kong saan ako ngayon pupunta, gulong-gulo ang isip ko, parang gusto ko nang wakasan ang buhay ko pero hindi pwede dahil gusto ko pang mabuhay. Gusto kong uminom pero parang ayoko. Dahil hindi naman ako sanay na uminom ng alak lalo pa't walang maghahatid sa akin pauwi dahil nag-iisa lamang ako sa mga sandaling ito.

Aaaaahhhh!!!!!!! Ang Tanga ko ang tanga-tanga ko may iba na siya, may iba na!!! "Toni Gonzaga - Starting Over Again" paulit-ulit ko itong sinisigaw habang umiiyak at nakasalampak sa bangketa , wala akong pakialam kahit anong sabihin ng mga taong nakakarinig at nakakakita sa akin kahit pa todo iwas sila sa akin sa pag-aakalang isa akong baliw o may sayad sa ulo.

"Uuwi nalang ako!" yan lang ang tanging salita na aking nasambit pagkatapos kong humagulgol sa pag-iyak na parang bata.

-------------

Alas Diyes na ng gabi ng makarating ako sa aming bahay halos wala na ngang mga tao sa kalye na pagala-gala at nakapatay na rin ang lahat ng mga ilaw sa loob ng aming bahay. Dumiretso ako agad sa aking silid ng makapagpahinga at makalimutan ang masasaklap na nangyari sa araw na ito. "Gusto kong makalimot" yan ang paulit-ulit na sinasambit ng aking isipan. Sa lagay kong ito wala na akong ganang kumain pero nagugutom ako kaya pagkatapos kong magbihis at linisin ang make-up, masscara, eyeliner, lipstick at kung ano-ano pang mga kolorete na nagkalat sa aking mukha dahil narin sa ginawa kong pag-iyak kanina bumaba ako sa kusina para humanap ng makakain pero isang bote ng lambanog ang aking natagpuan na nakapatong sa lemesita pwede na rin ito, dahil gusto ko talagang magpakalunod at magpakalasing para makalimutan ko ang lahat-lahat ng masasakit na nangyari sa araw na ito.

Habang nilalanggok ko ang isang bote ng lambanog naisip ko na sana hindi ko na lang ipinagtapat kay Larry kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya, inisip ko muna sana kung ano ang magiging resulta o ang kapalit nito kapag nalaman na niya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Ang tanga ko talaga, sayang yung friendship na na build up namin kahit sa sandaling panahon lang nakakapanghinayang pa rin iyon.

Galit ako kay Larry dahil pinaasa niya lang ako, Galit ako kay Andrea dahil niloko at binilog niya ang ulo ko, At lalong Galit ako sa sarili ko dahil umaasa ako, nagpaloko, at naniwala sa mga sabi-sabi. #IyakPamore (T.T) Ajujujuju..........

Broken Hearted Ulit

Love,

Didi Kho Maliit (T.T)

Hindi Lahat ng Ampalaya BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon