Chapter 3: The Girl Who Can't Be Move-On

142 12 0
                                    

Ang Chapter na ito ay Rated SPG


Istriktong pagmamahal ibibigay ko sayo. Maaaring may tampuhan, lambingan at asaran. Na hindi angkop sa mga taong manloloko.


"Bwisit na lalaking yun manloloko, sinungaling. Lintik! Walang-hiya ka talaga Jemico... GrrrRr" nanggagalaiti kong sigaw sa inis at galit


"Lola, hindi naman sa hindi ako maka-move-on at sa bitter ako pero naiinis lang talaga ako yung tipong akala mo siya na yung Right Guy for you. Yun pala isa lang yung bangungot at napakalaking ilusyon siguro nga tanga ako, ilusyonada, at ambisyosa kasi nagpakatanga na naman ako sa pag-ibig at umaasa na mauuwi ang lahat sa happy ending....(T.T) Ajujujuju


He's My First Boyfriend, My First Love, First Hug, buti na lang hindi siya ang First Kiss at First ng lahat sa buhay ko at buti nalang din at hindi ko isinuko sa kanya ang perlas ng silanganan o kaya ang buong Bataan noong First Monthsarry namin muntik ko na kasing isuko sa kanya yung bayan ng Mariveles eh' Ajujujujuju (T.T)" paglalahad ko habang patuloy pa rin ako sa pagtagis sa kadahilanang hindi pa rin ako maka move-on sa mga pangyayari kahit na apat na taon na ang nakalilipas.


Yup! Hindi kayo nagkakamali ganyan ako ka affected sa lahat ng nangyari dahil almost 4 year's na ang lumipas heto pa rin ako umaasa sa wala.


"Apo sa panahon natin ngayon marami na talaga ang manloloko sa mundo kaya ikaw mag-ingat ka huwag basta-bastang mafo-Fall agad sa kung sinu-sino hindi porke guwapo! Mahal mo na agad, kung hindi ka naman tanga! Pero sa status mong yan palagay ko mukhang na "Siopaozoned" ka kasi binola-bola ka lang, Asadong-asado ka naman." Muli nanaman akong humagulgol sa pag-iyak na may kasamang uhog sa sinabing iyon ng Lola Lily Kho (T.T) Aaaahhhjujujujuju.....


"Alam mo apo ang pinaka-kailangan mo ngayon eh' Mag move-on Apat na Taon na ang nakalilipas ganyan ka pa rin teh' Uso ang mag Move-on!!! Move-on......move-on din pag may time daig mo pa kasi ang Traffic sa EDSA ang bagal ng usad. Pero tandaan mo kahit wala kang ka-Date kanina huwag kang maiinggit sa kanila dahil "Ang Valentines Day ay ginawa para sa mga taong nagmamahalan, pero hindi rin naman magkakatuluyan." Perfect Quotes Di Ba? i-GM mo na yan!" pagpapalakas loob ng feeling bagets kong Lola Lily Kho sa akin


Sa sinabing iyon ni Lola Lily agad naman akong nagbitiw ng ilang mga kataga "Itaga niyo to sa bato "Umibig, nabigo, babangon at muli akong lalandi."


"Toink****"


"Ouch! Ang sakit naman inang kong makabatok naman kayo feeling niyo sa ulo ko Jireh Lim? Alam ko matigas ang ulo ko paminsan-misan pero hindi ito Buko? Asar much! Sakit eh! Makabatok close tayo teh!" daing ko habang patuloy pa rin sa paghipo sa aking ulo na nakatikim nang hagupit ng matandang nagmemenopause


"Apo! "Ang MAKATI lugar yan hindi pag-uugali" hindi porke sinabi kong move-on eh! Maglalandi ka na ng bonggang-bongga to the highest level Gagang toh! Ikain muna lang yan! Masarap tong luto ko bagong recipe pritong tinola!" pagyayabang pa nito


"Huh? Binago na?" gulat kong tanong


"Joke lang ito naman siyempre Fried Chicken pa rin!"


"Heh!hehehe nakakatawa quotang-quota ka na lola last joke muna yan ah! Bagong recipe talaga" sabay irap ko sa kanya habang nakangiti pa rin itong nakatitig sa akin


"Siyempre joke lang pinapatawa lang naman kita!" pagdadahilan pa ng matandang feeling bagets


"Hihihi!!!! Nakakatawa nga mga Bente rin siguro yung tawa ko? Busog pa po ako! Itutulog ko na lang toh!" pagtanggi ko


Agad na akong pumanhik ng hagdan upang pumasok sa aking silid at ipinatong ang aking mga gamit sa mesa at nahiga sa napakalambot kong kama, nagmuni-muni at isinalpak ko sa aking tenga ang headset mula sa aking tukador upang makinig ng musika bago tuluyang matulog.

Hindi Lahat ng Ampalaya BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon