Chapter 16: Friendship is Over

60 2 0
                                    

"Hoy! Didi gumising ka na nga jan tanghali na oh! Bumaba ka na nga dito saka ano bang problema mo ha? Ba't iyak ka ng iyak kagabe, nagkanda basag-basag pa yung mga plato, baso dito sa kusina anong ginawa mo at inubos mo pa yung lambanog na pang pangat ko mamayang tanghalian bigay pa naman yun ng manliligaw ko nagdadrugs ka ba?" galit na galit na pagtatanong ng matandang dragona na may manliligaw pa kuno kahit pamenopause na

"Halah! Drugs agad hindi ba pwedeng Broken Hearted muna ulit????" pagdedepensa ko sa aking sarili

"Nakoooow!!!! Lintik ka talagang bata ka yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Tama yung hinala ko yang Lab, Lab na yan paaaLabin yang puso mo hanggang sa mamatay ka na sa hirap at sakit na iyong nadarama hanggang sa mapagdesisyunan mong kitilin na lang ang iyong buhay o kaya magbigti ka at isabit mo ang sarili mo jan sa kisame!!!" pananakot sa akin ng Lola kong nagmemenopause pero meron pa raw buwanang dalaw

"Ano kaya yun?" then I rolled my eyes at her.

"Hoy! Huwag mo nga akong mairap-irapan jan matapos kitang buhatin kagabe papunta dun sa higaan mo! Tsk! Tsk! Sabi ng butiki sa dingding Wala ka pala eh!" Pagmamayabang ng matandang nagmemenopause

"Hindi nga nabuhat niyo ko? Ang lakas niyo naman? Unbilibabol!!!! Hindi ako makapaniwala" manghang-mangha kong sagot ngunit hindi pa rin ako nito makumbinsi sa sinasabi ginawa nito

"Aba! Siyempre that's the essence of winning in Mahjong hahaha" pagmamayabang pa nito habang humahalakhak nang pagkalakas-lakas

"La? Tanong ko lang gaano ba katangkad si pagsisisi at laging nasa huli?"

"Ba? Malay ko huwag mo nga akong madamay-damay jan! tanong mo sa JOWAPAO baka masagot nila? Mas mabuti ikain muna lang yan at pagkatapos mo mamalengke ka? Eto!" Sabay abot sa akin ng pera at listahan ng mga bibilhin tsk! Badtrip kung kailan pa ayokong lumabas ng bahay eh! Saka naman grrRr!!!!

---------------------

Pagdating ko ng palengke binili ko muna lahat ng mga madaling bilhin pati na rin yung mga magagaan lang buhatin at pagkatapos dumiretso agad ako sa BABUYAN.

"Pabili nga po ng Baboy niyo isang kilo!" pagtataray ko "Mas maganda pero kung meron kayong Baboy na tinda na marunong mang Baboy kagaya mo na nagtitinda" sabay flip ko nang maganda kong black and shining shimmering hair sa harapan nito.

"Uy! Didi ikaw pala yan?" pagbati sa akin ng Solotera ng Taon sino pa eddie si Andrea

"Hindi ako ito picture ko pa lang ito! Huh? Kung maka-Uy! naman ito Close tayo? Wala akong kaibigang Mang-aagaw at Solotera!" agad ko naman ipinangalandakan ang nalaman ko kagabi tungkol sa kanila ni Larry

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihing inagawan kita. Correction! Wala akong inaagaw sayo Didi dahil kahit kailan hindi naging sayo si Larry" pagmamalaki ng solotera ng taon. "Akin lang ang jowa ko!!!!!!" dagdag pa nito.

"Really????" kunwari nagulat ako sa mga sinabi niya

"Yup! Alam mo kasi Didi paminsan-minsan bawasan mo ang KAARTEHAN mo kung hindi naman sagad ang iyong KAGANDAHAN." banat ng higad sa akin at sa inis ko sa sinabi niyang iyon bigla kong hinablot ang isang paa ng baboy na itinitinda nito at isinampal ko sa pagmumukha ng solotera nang taon.

"Yan ang nababagay sayo Ambisyosa, Ito ang tatandaan mo hindi man sagad ang aking kagandahan kahit papano may ganda parin akong tinataglay hindi katulad mo na madaling sabihin na MAGANDA ka, pero mahirap naman hanapin kung saang BANDA." Pagmamalaki ko sa kanya habang patuloy sa paglaki at panlilisik ang aking mga mata

Hindi naman nagpatalo ang Dakilang Solotera dahil hinablot nito ang aking buhok at sinabunutan ako hanggang sa mapaluhod ako sa sahig, aba siyempre hindi nagpatalo ang Didi niyo War Freak yata toh! Kaya nakipagsabunutan rin ako at habang nagsasabunutan kaming dalawa na parang nagsasabong na manok dinig na dinig ko ang lakas ng hiyawan sa loob ng palengke Tangina ng mga taong toh! Mukhang nag-eenjoy pa talaga sila sa Mini Series naming dalawa ng Higad na'to dahil wala man lang umawat at nagawa pa kaming pagpustahan Lokong mga toh! Hanggang sa dumating ang mga tanod ng barangay at inawat kaming dalawa pero ang Dakilang Solotera na Reyna ng mga Higad ayaw pang paawat.

Hindi Lahat ng Ampalaya BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon