Chapter 20: First Kiss

29 0 0
                                    

"Hoy! Kim kunan mo naman ako ng litrato background ko yung Eiffel Tower pang profile pic lang dali....." atat na atat kong utos sa kanya "Nga pala itatag kita sa Facebook at Instagram i-like mo ha? kung hindi babangasan kita." Pananakot ko

"Ayan may dalawa ng likes! Ako tapos ikaw." Pagyayabang ko ng maipost ko ang aming litrato sa facebook at instagram.

"Oh! Dito naman bilis! Kunan muna now!" muli kong utos sa kanya habang patuloy sa pagpoproject ng iba't-ibang pose na mala Maria Sofia Love "Pak Ganun! Modelling 360 degrees para sa ekonomiya Pak!" may mala Lady Gaga style pero mas bet ko yung Miley Cyrus kong pose wala akong pake kahit ang daming taong nakakakita kahit nakataas yung isa kong paa at naka rock n' roll yung kamay sabay labas ng dila #TwerkItLikeMiley. Pagkatapos kong pomosing ng pomosing napagod din ang lola niyo at inagaw ko agad kay Mark yung telepono ko.

"Patingin nga ako baka kung anu-ano na ang kinakalikot mo jan! kanina ko pa kasi napapansin tawa ka nang tawa."

"Wala" matipid nitong sagot habang patuloy pa rin ito sa kaniyang pagtawa

"Alam mo ang daya mo din eh' puro na lang mukha ko yung nandito... Halika nga dito tayo namang dalawa ang magselfie para may remembrance tayo sa isa't-isa" pagyayaya ko sa kanya. "Lapit ka pa nang konti huwag kang mahiya. Come closer pa! ang pangit kasi ng kuha kapag may space eh' parang sa relationship. Pabebe wave tayo dali... "Ayan ang ganda icocover photo ko toh!" Pagkatapos namin makuha ang tamang anggulo naupo na muna kami ng panandalian sa damuhan at nagpatuloy sa aming pagkukuwentuhan.

"Kim Pogi?" pagtawag ko sa kanya

"Oh!" sagot nito sabay hagod sa kaniyang ilong

"Oo, na ikaw na ang guwapo kahit hindi mo tanungin pero magkuwento ka naman about yourself, about your lovelife, o kung ano pang mga pinagkakaabalahan mo sa buhay ang dami ko na kasing naikuwento tungkol sa akin samantalang sayo pangalan mo pa lang yata ang alam ko!" pang-uusisa ko sa kanya.

"About my self????" bilang panimula nito "hmmmm...... Ako si manong magniniyog!" then he chuckled

"Sige nga kung isa ka talagang magniniyog? "Niyog-niyogin mo nga ako" nagkatinginan muna kaming dalawa, saka sabay na nagtawanan ng pagkalakas-lakas "Tama na nga nagmumukha lang tayong baliw pero hindi nga yung totoo seryosong tanong seryosong sagot ang gusto ko"

"Alam mo kamukha mo yung ex-girlfriend ko?" pagkukuwento nito

Ako namang si loka-loka nilabas ko agad ang aking salamin sabay hagod ko sa aking buhok! sabay blink-blink na rin ng aking mga mata.

"Talaga? For sure pareho kaming maganda pero mas maganda pa rin ako di ba?"

"Hindi!!!!!! Pareho kayong madaldal" pasigaw nitong sagot

"Ouch! It hurts you know! Ang puso ko" pag-iinarte ko

"Didi..... hindi ko hawak ang puso mo....." sagot naman nito

"Commercial???" napangiwi na lang ako sa isinagot niyang iyon then I raised an eyebrow ng bahagyang guluhin nito ang kasusuklay ko pa lang na buhok ko.

-------

Habang patuloy kami sa aming paglalakad paulit-ulit rin akong kinukulit ni Mark at tinatanong ng mga kung anu-ano!

"Didi, naniniwala ka ba sa Love at First Sight?" seryoso nitong pagtatanong sa akin

Pero bago ako tuluyang sumagot tinitigan ko muna siya ng panandalian nakatingin ito sa malayo gusto ko kasing makita ang reaksiyon nito sa isasagot ko.

"Hindi" mataray kong sagot

"Eh! Sa Second Sight???" muli nitong tanong at mukhang mababaliw yata ako sa mga tanong ng lalaking ito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Lahat ng Ampalaya BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon