"Hey, babe." Tawag ni Lariza nang matapos kaming mag-order ng bubble tea.
"Can you check this out? Mas mabuti nang ma-check mo na agad dahil taga Innova rin naman ang kukunin kong engineers. Nasabihan ko na rin si Lance to collab with you."
Kung makapagsalita ito parang youtube content lang ang ginagawa namin ah?
May ipinakita itong designs mula sa tablet niya ng magiging bahay niya sa Montecarlos na si Lance ang nagdesign. Si Lance yung architect na kaibigan nila Ruby.
Kaya pala hiningi ni Lance ang address ni Lariza noon ay dahil sinabihan ito ni Lariza na naghahanap siya ng magdedesign sa kanyang magiging bahay.
Magaganda naman ang mga design ni Lance, super modern-type which is pinaka-bet ni Lariza. Gusto niya ang glass at wood combination. Sinali na rin ni Lance ang interior nito kaya may full vision na ako sa kung ano ang kalalabasan.
Sumang-ayon naman ako sa gusto ni Lariza saka binigyan siya ng contact ng team ko. Iba ang ipapa-handle ko na engineers dito pero ako pa rin naman ang magse-seal ng plan.
At siyempre, dahil 'best friend' ko raw si Lariza, she demanded a fifty percent discount. Abusada ang gaga.
"Ibibigay ko nalang kay Lance ang contact number mo para kayo na ang bahala sa bahay ko, hmmkay?"
Walang gana akong tumango dahil kanina pa siya dada nang dada kung gaano raw kataas ang expectations niya sa Innova kaya dapat daw gandahan namin. Eh kung sapakin ko ang babaeng 'to? Siya na nga ang may ganang magdemand ng discount tapos ganyan pa siya.
"Babe, samahan mo ako sa 4th district mamaya. Sa resto-bar lang promise! Gusto ko lang magrelax."
Iba ang relax ng babaeng 'to. Kung gusto niyang magsaya, sa bar siya pumupunta. Kung relaxing naman ay sa isang resto-bar ito pumupunta kung saan may acoustic jam.
Dumaan muna kami sa isang boutique para magtingin-tingin ng mga dress. Alas sais pa naman ng hapon at mamayang quarter to eight na raw kami pumunta doon sa 4th District.
"Oh, hi Addi!" Masiglang bati ni Lariza sa likuran ko kaya napatingin ako sa kung saan siya nakatingin.
At doon ko nakitang magkasama pala sila ni Ruby na namimili rin ng mga dress, na malamang ay para kay Ruby.
Bigla akong nawalan ng gana na magpatuloy sa pamimili. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng pagbilhan, bakit dito pa nila gustong bumili?
"Hi!" Masiglang bati nito pabalik kay Lariza. Nagkawayan naman sina Ruby at Lariza habang ako ay simpleng ngiti nalang ang iginawad sa kanila. Bakit ba? Wala na ako sa mood eh.
Wala naman silang kasalanan. Sadyang ako lang itong nag-iinarte.
"Babe, labas na tayo." Pangungulit ko kay Lariza kahit kasalukuyan pa itong naghahanap ng dress.
"Wag kang magulo dyan, Soleil, kundi kakalbuhin kita!" Naiirita nang sagot ni Lariza. Mukha na akong batang gusto nang umuwi dahil matagal mamili ang kanyang nanay.
Sa lahat ba naman ng pwedeng makatagpo, ba't sila pang dalawa? Pwede namang si Ruby lang mag-isa, or si Addi a lang.
Kapag talaga ako nagka-jowa, hanggang sa comfort room isasama ko!
Mga limang dress ang nabili ni Riza habang isa lang sa akin. Kung ano nalang ang makita ko, iyon nalang ang hinablot at binayaran ko. Di pa rin tapos sina Ruby sa pamimili ng dress dahil lagi itong kumukunsulta kay Addi kung maganda ba sa kanya yung dress.
Agad naman akong napabuntong-hininga at lumabas na ng boutique. Narinig ko pa si Lariza na nagpaalam sa kanilang dalawa.
"Ang bitter ha!" Komento niya pero di ko na pinansin.
BINABASA MO ANG
Love, Wrong Sent
Roman d'amourIt all started when I mistakenly sent the Love. - Addi It all started when I accidentally received his Love. - Deanne Naniniwala ka bang makakahanap ka ng jowa nang dahil lang sa isang wrong sent message? *** Because of a missent message, Leil Dean...