STBFL: Chapter 29

92.8K 2.1K 217
                                    

STBFL: Chapter 29

Vanalein Rhyme R. Santos

Mabigat ang mata at dibdib ko nang pumasok ako sa opisina. Ni hindi ko na alam kung anong oras pa akong nakatulog mula sa pag iyak.

Hanggang ngayon pinipiga pa rin ang puso ko sa mga inamin niya sa akin, pilitin ko man ang sarili ko na h'wag siyang paniwalaan pero sa kanya na mismo nang galing iyon.

Ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa pag aaral ng mga paper works na ibinigay sa akin ni Jenny. Pero kahit anong gawin kong pagka abala ay panay lang ang takbo niya sa isip ko, sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit sa dibdib para sa ibang tao, para sa taong natutunan mo nang mahalin ng buong buo.

"Break time." Bungad ni Jenny sa pintuan nang buksan niya iyon, "Go ahead, hindi ako kakain. Busog pa ako." Sagot ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa laptop na kaharap ko.

Narinig kong nagpatuloy siyang pumasok sa loob ng opisina ni Dad at tumayo doon sa tapat ng table.

"Gaga." Bulong niya na naging dahilan upang bumaling ako sa kanya. Nakahalukipkip siya at masama ang titig sa akin. "Do you even know kung anong oras na?" Tanong niya sa akin, tinignan ko ang wrist watch ko at napaangat ang labi ko nang makita kong alas nuebe na ng gabi.

"Tatlong beses kitang niyayang mag-break time pero ang sagot mo sa akin palagi ay wala kang gana. May plano ka bang sumunod sa mga magulang mo ng ganitong kaaga?" Pagbibiro niya sa akin na tinawanan ko naman.

"I'm sorry, hindi ko napansin ang oras." Sambit ko atsaka sinave ko ang kanina ko pang tinatype at inayos ko ang mga papeles sa table ko saka nag inat inat ako.

"Uwi na tayo." Pag iiba ko ng usapan saka tumayo na ako, pero napahawak ako sa table nang muntik na akong matumba dahil naramdaman kong kumirot ang puson ko at medyo nahilo ako.

"Tigas kasi ng ulo! Alam mo kung ano lang ginawa mo buong araw? Nag cr, uminom ng tubig, nagtype, nagbasa, nag cr, paikot ikot lang, ni hindi mo manlang pinayagang dampian ng pagkain yang sikmura mo." Sermon niya sa akin, pinilit kong ngumiti sa kanya at inalalayan ko ang sarili ko na maglakad.

"Okay lang ako, Jenny." Sambit ko, narinig ko ang paghinga niya ng malalim, niyakap ko siya. Dahil kahit papaano ay nararamdaman kong importante pa rin ako sa kanya kahit ang tagal na naming hindi nagkasama.

"Ang putla putla mo, kailan ka ba huling kumain? Namamaga ang mata mo, may problema ka ba?" Bulong niya, sa natatandaan ko ay kahapon pa ako hindi kumakain. Pero bakit hindi ako nakakaramdam ng gutom? Namamanhid na ba ang katawan ko?

Gusto kong matawa dahil kung mamanhid man ang buong katawan ko bakit hindi pa idamay yung puso ko sa pamamanhid.

Humiwalay ako sa pagyakap ko sa kanya, "Wala. Sige na, Jenny, mauna ka ng umuwi, dapat ay alas singko palang ay umuwi ka na." Sabi ko.

Umiling siya, "Sinabi sa akin ng mga Kuya mo na sabayan kitang umuwi, nagpunta kasi sila sa Pampanga para conference meeting." Balita niya, tinanguan ko naman siya.

"Kahit na, kaya ko naman nang umuwi. Sige na, mag ccr lang ako sandali pagkatapos uuwi na rin ako. Mag ingat ka." Paalam ko sa kanya, kita ko sa mukha niya na napipilitan lang siyang sundin ako, kilala ko si Jenny ayaw niyang iwanan ako o si Mama kapag nararamdaman niyang may mali.

Nang matapos akong mag-cr ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi nakayanan ng make up takpan ang namamagang mata ko at ang maputlang mukha ko ngayon, kaya naman naghilamos na rin ako upang mahimasmasan.

Mag isa akong sumakay ng elevator pababa at pagkabukas noon ay bumungad sa harap ko si Stephen.

Titig na titig siya sa akin at bago pa man din ako magsalita ay lumabas mula sa gilid niya si Lexi, ang best friend ko. Hindi ko alam pero wala na akong naramdamang poot para sa kanya, halos magkasabay na tumulo ang luha naming dalawa kaya naman mabilis akong yumakap sa kanya!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon