STBFL: Chapter 18

92.1K 2.6K 237
                                    

STBFL: Chapter 18

Vanalein Rhyme Romeo

Namaywang ako at tinignan ko siya ng masama, lasing na lasing si Andres at para bang wala na siyang itinirang pang uwi! Paano ba naman pinalaklak siya ng pinalaklak nila Mateo, hindi nila tinigilan hangga't hindi nalalasing. Tsk, at buti pa sila nakauwi na sila sa kani-kanilang bahay. Pero kami ni Andres nandito pa rin sa parking area ng videoke bar.

"Ako pa ngayon ang mag-da-drive?!" Hiyaw ko sakanya, ngumisi siya at hinila niya ako sa kamay ko saka isinandal niya ako sa gilid ng kotse niya. Hinalik halikan niya ang mukha ko kaya naman itinulak ko siya ng kaunti, namumungay na rin ang mga mata niya dahil sa kalasingan.

"Itong mahal ko, nag celebrate lang naman ako dahil sinagot mo na ako kagabi." Nabubulol na sabi niya, panay ang hampas ng mainit at amoy alak na hininga ni Andres sa mukha ko. Marahan kong tinapik tapik ang pisngi niya.

"Hindi ka manlang nagtira ng pang uwi mo!" Bulyaw ko sakanya pero nginisian niya lang ako, itinulak ko siya at kumapit siya doon sa kotse niya. Grabe, ang lantutay na ni Andres sa kalasingan!

"Amina yung susi mo!" Sigaw ko sakanya, ngumiti siya. "Nasa bulsa ko."

Padabog akong lumapit sakanya at ipinasok ko sa bulsa niya ang kamay ko pero natigilan ako dahil panay ang tawa niya!

"Andres!" Hiyaw ko sakanya, pero mas lalo lang siyang tumawa. "Love, naaalala mo? May nahawakan ka diyan nung hinahanap mo susi ko!" Halos mamilog ang mata ko at mamula ang mukha ko dahil sa sinabi niya! Bulol bulol siya sa kalasingan pero intinding intindi ko ang sinabi niya.

"You said, damn your fcking eggplant Andres!" Natatawang pang gagaya niya saakin! Hinila ko ang kamay ko mula sa bulsa niya! Gosh, hindi ko akalain na ganito siya malasing?! Ang lakas niyang mang asar! Pulang pula na ang mukha ko!

"Andres! Umayos ka nga! Amina yang susi mo!" Pagsusungit ko sakanya, ngumisi siya at dinukot ang susi sa bulsa. "Nakakatawa ka talaga my Love, kailan pa naging eggplant ang---" Tinakpan ko ang bibig niya para mapigilan ang sasabihin niya! Napaka harot ng labi ni Andres ngayong lasing siya! Kung ano anong sinasabi niya!

"Magtino ka nga Andres!" Sigaw ko sakanya saka kinuha ko sa kamay niya yung susi saka pinatunog ang kotse niya, isinakay ko na siya sa passenger seat at kinabitan ng seat belt at bago pa man din ako umalis hinila niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa labi, sandaling halik na nagpawala kaagad sa puso ko.

"I love you," Ngiting ngiting bulong niya at ipinikit na niya ang mata niya. Namula ang mukha ko, marahan kong hinampas ang labi niya at umiling iling ako. "Tsk, kung hindi lang kita mahal iiwanan kita dito." Nangingising bulong ko saka umikot na ako sa harapan para makasakay na sa driver's seat.

___

Sa bahay niya ako dumiretso dahil ayokong makita ni Dad na lasing na lasing si Andres, panigurado ako makakaramdam ng hiya itong si Andres kapag nangyari iyon. Hirap na hirap akong inalalayan siya patungo sa kwarto niya! Kaagad niyang ibinagsak ang katawan sa kama.

"Vana...tabi na tayo." Tawag niya saakin.

"Lasenggo."

"Ngayon lang 'to. Alam ko naman ang ginagawa ko Love, nalasing lang talaga ako. Pasensya ka na, hindi ko na kinayang mag drive." Paumanhin niya saakin.

Humalukipkip ako at umiling iling. Minsan lang siya malasing, pero hindi ko naman lubos naisip na ganyan siya kapag lasing.

"Sige na, lika na." Bulong niya, huminga ako ng malalim. "Ayoko, hindi pa tayo naliligo! Amoy alak!" Sigaw ko sakanya, ngumisi siya at umupo sa kama, napasinghap ako nang hilahin niya ako at pinaupo sa tabi niya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon