STBFL: Chapter 12

97.3K 2.6K 162
                                    

STBFL: Chapter 12

Vanalein Rhyme Romeo

Totoo pala. Totoo palang magmumukhang kwago ka kapag nagka first kiss ka na.

Hindi ako nakatulog! Alas dose na ng tanghali at kaninang alas siyete ako inihatid ni Andres dito sa bahay namin, hanggang ngayon mulat na mulat pa rin ang mata ko!

Kulang nalang matunaw na ang kisame ng kwarto ko dahil sa pakikipag titigan ko dito.

"Arggh!" Hiyaw ko sa kainisan, "Parang awa mo na patulugin mo naman ako." Mangiyak ngiyak na sabi ko, kung ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng first kiss ayoko na! Nababaliw na ako, naiiyak na ako.

Hanggang ngayon paulit ulit sa isipan ko kung paano niya ako hinalikan. Yung sinag ng araw sa tuktok ng ferris wheel, yung labi niya na napakainit sa labi ko. Nilamutak ko ang mukha ko sa kainisan sa sarili ko.

"Bakit?!! Bakit si Andres?!!" Sigaw kong muli, panay ang tili ko dito sa kwarto ko magmula nang dumating ako.

Napapitlag ako nang may kumatok.

"Ms.Rhyme, kakain na raw ho kayo ng Daddy mo." Hiyaw ng isang kasambahay namin mula sa labas ng kwarto ko.

"Oo! Susunod ako!" Sigaw ko, marahas akong umupo sa kama ko at ginulo gulo ko ang buhok ko. Naka pajama pa akong terno, bumaba na ako ng kwarto papunta sa dining at kaagad kumulo ang tiyan ko nang maamoy ko ang masarap na ulam.

"Daddy, naglu--" Natigilan ako at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Andres sa dining table namin na pormal na nakaupo sa harap ni Dad.

Ngumisi si Andres at si Dad, maging si Kuya Kiel ay hindi manlang napigilan ang pagbuga ng kapeng iniinom.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko kay Andres, pero nanatili siyang nakangiti na parang baliw.

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin marunong magsuklay bunso?" Pang aasar saakin ni Kuya Kiel, nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa buhok kong gulo gulo!

"May panis na laway ka pa yata." Dagdag ni Kuya, napatakip ako sa bibig ko.

Halos mamula ako sa kahihiyan dahil sa pinagsasasabi ni Kuya, alam kong mukha akong bruha dahil sa buhok ko! Pero yung sabihin niyang may panis na laway ako mula sa pagkakatulog ay walang katotohanan, ni hindi nga ako nakatulog kahit isang segundo tapos sasabihin niya may panis na laway ako? How come? Baby come?!

Kaagad akong tumalikod para tumakbo pabalik sa kwarto ko, "Yaya!! Bakit hindi mo sinabing may bwisita!" Naiinis na hiyaw ko atsaka nagmartsa ako pabalik sa kwarto, narinig ko naman ang halakhak nila Dad, maging ang pagtawa niya ay dinig na dinig ng dalawang tainga ko.

"Oh my gosh Vana, nandito siya. What to do?" Kinakausap ko ngayon ang sarili ko sa harap ng salamin, katatapos ko lang maligo at alam kong sobrang bango ko na at ang ganda ganda ko na.

"Paano mo siya haharapin? Paano mo siya kakausapin? My gosh.." Hindi ko mapakalma yung kaliwang parte ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

"Hingang malalim girl! Inhale! Exhale!" Hiyaw ko, kinuyom ko ang kamao ko at sumigaw ng, "Go for the go sago!" At maingat na akong lumabas ng kwarto ko.

"Aba, nagpaganda pa talaga ha!" Pang aasar ni Kuya, nginusuan ko naman siya, marahang tumayo si Andres at hinila niya ang katabing upuan niya, tatabi ako sakanya? Oh no, paano ako makakakain ng maayos kung katabi ko siya?

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Bulong niya saakin at halos mapakagat ako sa ibabang labi ko nang hawakan niya ang baywang ko para alalayan akong makaupo.

"Mukhang hindi nga eh, tignan mo yung mata, parang  sampung kilo ng eye bags ang dinadala." Panunuya ni Kuya Kiel habang kumakain, "Tumigil ka nga!" Sigaw ko.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon