STBFL: Chapter 22

83.6K 2K 102
                                    

STBFL: Chapter 22

Vanalein Rhyme Romeo

Itinali ko ang mahabang buhok ko at sandaling tumingin sa salamin, ilang araw na rin akong hindi nagme-make up dahil hindi naman kailangan iyon sa class ko.

Excited na ako na makapag-bake ng matinong cake para kay Andres. Gusto kong pagbalik niya ay may maipagmalaki na ako sakanya na ginawa ko. Excited na rin ako dahil dalawang araw nalang ay tapos na ang 2 weeks business trip nila ni Dad. Miss na miss ko na siya, maging ang panunuya sa akin ni Dad kay Andres sa tuwing may mapapansin siyang pagbabago ko.

Nakakatuwa dahil alam kong kahit papaano ay nababawasan ko na ang sakit ng ulo ni Dad sa akin dahil sa kapilyahan ko.

May special class ako ngayon kay Stephen, dahil tuwing Friday daw talaga bakante ang buong araw niya at wala siyang klase sa iba. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na iyon pala ang pinagkaka-abalahan ni Stephen sa buhay niya simula nang gumaraduate kami ng college.

Bumaba na ako sa sala dala dala yung pack back ko, medyo malaki iyong bag dahil may mga recipe books akong dala na isinulat ni Mama.

Laking gulat ko nang makita ko si Kuya Diel doon sa sala. Nakatalikod siya kaya naman tinawag ko siya.

"Kuya Diel!" Hiyaw ko at kaagad siyang humarap sa akin, naka-gray na shirt siya sa loob ng coat niya gamit ang seryosong ekspresyon. Sa aming tatlo nila Kuya Kiel, si Kuya Diel ang pinaka istrikto dahil siya ang panganay. Kadalasan ay palagi siyang kasama ni Dad sa mga business trip, pero dahil may partnership kami sa Go De Perfume ay hindi na niya kinailangang sumama kela Andres papuntang Singapore.

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi. "I heard that you're taking your major in Culinary arts." Salubong ni Kuya sa akin, tumango ako at ngumiti.

"Good. Kahit papaano pala ay may nakuha ka kay Mama." Biro niya sa akin, matipid na ngiti lang iyon ni Kuya pero kahit na hindi tungkol sa trabaho ang sinasabi niya ay napaka-ma-awtoridad pa rin ng kanyang pananalita.

Ngumiti ako, "Anong ginagawa mo dito Kuya? Wala ka bang work ngayon?" Tanong ko, humugot siya ng napakalalim na paghinga.

"Meron. Pero kailangan naming mag usap ng Kuya Kiel mo ngayon, kailangan naming pumunta sa Singapore bukas." Aniya na nagpaangat sa labi ko.

"What? Nandoon si Dad! At saka after two days ay babalik na rin sila." Sagot ko sakanya na nagpaiwas ng tingin niya sa akin, "I know. Sige na pumasok ka na." Pag iwas niya sa usapan, magsasalita na sana ako pero narinig ko na ang nagmamadaling si Kuya Kiel pababa.

Mas nauna pa silang umalis sa akin. Ramdam kong may hindi ipinapaalam sa akin sila Kuya, nagui-guilty tuloy ako dahil wala manlang akong maitulong sa kung ano mang problema ang mayroon sa kumpanya.

"Ms.Rhyme, may naghihintay po sa inyo sa labas." Biglang singit ng kasambahay namin kaya naman nagmadali akong lumabas ng bahay upang tignan kung sino iyon at halos mapaawang ang bibig ko nang makita kong sasakyan ni Stephen ang nandoon.

Kinatok ko ang salamin ng kotse at mabilis niyang ibinaba iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sakanya. Ngumisi siya at imbis na sagutin ako ay inabot niya ang pinto ng kotse para buksan ito.

"Get in!" Ngisi niya, ngumuso ako at sumakay na ako sa passenger seat. Pinaandar na niya iyon.

"Sinusundo kita. Doon nalang tayo sa shop ko mag special class, kailangan ko palang pumunta doon para sa mga deliveries." Aniya, namilog ang mata ko.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon