STBFL: Chapter 15

87.8K 2.4K 158
                                    

STBFL: Chapter 15

Vanalein Rhyme Romeo

"Exactly! Hindi ko kailangan lahat ng 'to! Dahil alam mong sayang sa budget yan! Come on Mr.Delameo, how long have you been working here?!" Kanina pa mainit ang ulo nitong si Andres dahil sa mga bagong products na nilabas ng isang department niya at wala siyang alam na may nangyayaring ganun. Ako naman ito, nakatayo lang sa isang sulok at napapapikit ako sa tuwing sumisigaw si Andres sa mga staff.

"S-seven years Sir." Mahinang sagot ni Mateo sakanya, "Seven years! For pete's sake! Seven years ka na dito pero hindi mo manlang na-i-report saakin lahat ng ito." Lumalabas na yung litid ni Andres sa leeg dahil sa kakasigaw, nakakatakot na siya. Para na siyang si Daddy kapag nagagalit sa mga staff niya.

"I'm sorry Sir." Paumanhin ni Mateo, "Tatawagan ko nalang po si Mr.Cortezano tungkol dito." Dagdag ni Mateo na nagpakunot sa noo ni Andres.

"Why are you going to call him? Problema ng kumpanya natin 'to!" Sigaw niya.

"Sir! P-pwede bang h'wag sumigaw?!" Hindi ko na natiis, grabe na kasi yung kabang nararamdaman ko sa sigawan nila dito. Natahimik ang lahat at nagtinginan saakin, maging ang matalim na titig ni Andres ay lumipat saakin.

Mariin niyang ipinikit ang mata niya at marahas niyang hinila ang neck tie niya! "Sht! Ayusin niyong lahat yan! Walang uuwi hangga't hindi nagagawan ng paraan yan!" Halos mapapitlag ako sa pagmumura ni Andres.

"Yes Sir!" Sagot ng lahat sakanya, bago pa siya tuluyang pumasok sa opisina niya at napapitlag kaming lahat sa pagtalpak niya ng pintuan.

"Gosh, mabuti nalang sinuway mo siya Rhyme, hindi titigil sa kakamura yan kung wala ka dito." Sabi ni Cylin mula sa likod ko, secretary din siya sa kabilang department nila Andres. Ngumuso lang ako at hinila ko na si Mateo papunta sa office namin.

Panay ang abot ko sakanya ng tissue dahil umiiyak siya ngayon, "Girl, hindi ko naman talaga alam kung bakit lumabas yung products na yun eh. Basta ang know ko lang yan pa yung last project ni Marie bago siya umalis dito sa office at sa tingin ko pinush ni Sir.Drake na mailabas yon dahil idea yun ng asawa niya." Umiiyak na kwento niya.

"Girl, yung eyeliner mo kumakalat." Nahihiyang suway ko sakanya, hinampas niya ang braso ko. "Girl naman eh! Crayola na nga ang lola mo dito pinansin mo pa yung eyeliner ko!" Sigaw niya saakin at kinuha niya yung compact niya para ayusin yung make up niya.

Huminga ako ng malalim, "Eh kung ganun naman pala edi sana pinaliwanag mo sakanya." Sabi ko kay Mateo.

"Girl, nakita mo naman diba? Sinubukan kong sabihin na tatawagan ko si Sir.Drake pero lalo lang uminit ang ulo ng fiance mo." Aniya, napanguso ako dahil tama naman siya.

"Ikaw nalang kumausap sakanya!" Suhestiyon niya na nagpabilog sa dalawang mata ko! Umiling iling ako!

Kinuha niya ang mga folder tungkol doon sa mga products na sinasabi ni Andres at pinaliwanag niya saakin yung nangyari. Kabusiness partner pala nila ang Cortezano Group of Company, nung panahong muntik na silang malugi ang CGC ang tumulong sakanila. Kaya ngayon yung ibang naiwan na project nung asawa ni Sir.Cortezano na push pa rin.

"A.YO.KO!" Hiyaw ko, "Parang awa mo na girl! Ikaw na lang ang oag asa ng bayan! Sayo lang makikinig yon!" Hiyaw niya, umiling ako at bumalik ako sa table ko. Ayoko nga, baka mamaya ako pa ang sigaw sigawan ni Andres, murahin niya pa ako. Nakakatakot palang magalit yung lalaking yon.

Samantalang kagabi ang amo amo niyang matulog, akala mo anghel na nakayakap saakin. Nanlaki ang mata ko dahil sa isipin kong iyon! Hindi ko pupwedeng alalahanin yung gabing yon! Hanggang sa magising ako kaninang umaga nakayakap siya saakin! What the fck is happening to me?! Bakit ako nagpapayakap kay Andres?!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon