STBFL: Chapter 11

114K 2.9K 300
                                    

STBFL: Chapter 11

Vanalein Rhyme Romeo

It's already twelve in the midnight, ikot pa rin ako ng ikot dito sa sala habang hawak ang cellphone ko.

"Come on, nahihilo na ako." Bulyaw saakin ni Kuya Kiel, nakaupo siya ngayon sa mahabang sofa habang naka dekwatro at malayang nakalatag ang isang braso sa sandalan nito.

"Kuya, bakit ako kinakabahan? Hindi naman ito ang unang beses na makikipag date ako hindi ba?" Usisa ko sakanya, tumawag kasi kanina si Andres saakin at 12:30 niya daw ako susunduin, nakakaloka lang dahil bakit hating gabi kami mag de-date? Hindi kaya rapen ako nitong si Andres? Erase, erase, hindi naman siguro ganung klaseng tao si Andres.

Ngumisi si Kuya Kiel, "Dalaga ka na talaga, twenty five years old pero kung umasta parang teen ager." Panunuya niya saakin.

"Kuya Kiel!" Naiinis na bulyaw ko sakanya atsaka umupo ako sa tabi niya.

Humalakhak si Kuya Kiel at umayos ng upo para matitigan akong mabuti.

"Nakakatuwang pagmasdan na ako ang magbibigay kay Tom ng permiso sa unang date niyo." Sabi ni Kuya, tulog na kasi si Daddy dahil masama ang pakiramdam nito, kaya naman kay Kuya Kiel niya ako ibinilin, si Kuya Diel naman umuwi na sa bahay nila ng asawa niya.

Inayos ni Kuya ang mahabang buhok ko, nakasuot ako ngayon ng kulay beige na dress na hanggang tuhod ko.

"Kuya..wala ka pa bang balak pakasalan yung girlfriend mo? Mag asawa ka na." Suway ko sakanya, may girlfriend kasi itong si Kuya Kiel, kahit pa minsan nakikita kong may iba iba siyang kasamang babae, isa lang ang babaeng dinadala niya dito sa bahay namin, at yun ang girlfriend niya magmula nung high school pa siya.

Ngumisi si Kuya at umiling, nabigla ako nang yakapin niya ako at hinalikan ang buhok ko. "Ikaw muna, bago ako." Bulong niya. "Huh?!" Itinulak ko siya at tinitigan sa mata.

Ngumiti si Kuya at hinawakan ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Alam mo kasi bunso, hindi ako pwedeng mag asawa hangga't wala ka pang asawa. Gusto ko mauna ka." Aniya na nagpakunot sa noo ko.

"May asawa na ang Kuya Diel, syempre hindi ka na masyadong magagabayan dahil may anak na rin siya. Ang Daddy naman tumatanda na, eh hindi kaya biro mag alaga ng katulad mo." Pang aasar niya saakin, hinampas ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Pero seryoso bunso, nangako ako kay Mom and Dad, na hindi ako mag aasawa hangga't hindi ko nakikitang nasa mabuting kamay ka na. Bunso ka namin, at ayoko namang mapunta ka nalang sa kung sino sino." Paliwanag niya saakin, halos kurutin ang puso ko dahil sa sinabi ni Kuya, hindi ko na rin napigilan ang luha ko, puro kalokohan nga ang alam nitong si Kuya Kiel pero kahit ganon alam ko namang mahal niya ako.

Inayos niya ang buhok ko at iniipit iyon sa likod ng tainga ko, "Kaya nga pumayag na rin ako nung sabihin ni Dad na may fiance ka na at kay Tom. Mukha namang matino yung tao at isa pa marami nang napatunayan sa buhay." Kwento ni Kuya saakin.

Pinunasan niya ang luha ko at pinisil niya ang ilong ko.

"Mag aasawa lang ako kapag ikinasal ka na, kapag alam kong may mag aalaga na sayo." Nakangiting sabi niya, "Kuya naman eh!" Hiyaw ko at hinampas ko siya, tumawa naman si Kuya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

"H'wag ka nang umiyak, papangit ka." Panunuya niya saakin, sasagot pa sana ako pero narinig ko na ang door bell.

"Ako na." Sabi ni Kuya at tumungo siya sa pinto para buksan iyon, inayos ko naman ang sarili ko.

"Kanina ka pa hinihintay." Narinig kong sabi ni Kuya, papalapit na sila dito sa sala at bumalik nanaman ang kaba sa puso ko.

Kaagad kong nakita si Andres, naka long sleeves na kulay itim na polo siya at pants, maayos ang buhok niya at nakangiti siya saakin ngayon, hindi ko rin maipaliwanag ang kinang ng mata niya ngayong titig na titig siya saakin.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon