STBFL: Chapter 4

136K 2.7K 563
                                    

Dedicated kay @xylalalaloves hello! Thank you sa pagbabasa ng mga stories ko! :) Ingat lagi! God bless!


STBFL: Chapter 4

Vanalein's P.O.V

Nagawa ko siyang itulak kagabi, yun nga lang tulog na tulog na siya. Sinusubukan ko ngayon magluto ng itlog, medyo marunong na ako dahil nakita ko kung paano siya nagluto nung isang araw.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil binabagabag ako sa nangyari, my god! Dinaganan ako ni Andres!

"At ang kapal ng mukha niya, I wanna undress him daw?!" Sigaw ko sa sarili ko at napalundag ako nang biglang may humawak sa baywang ko at bumulong sa tainga ko.

"Bakit hindi ba?" Tumatawang sabi niya! Kaagad akong humarap sakanya at napalunok ako ng sunod sunod dahil my gosh! Nakahubad nanaman siya at nakapajama, ngumisi siya at tinungga niya ang tubig na hawak niya na punong puno ng yelo. Napapalagok din ako sa bawat paglagok niya, gosh yung adams apple niya wagas mang akit ng babae, napababa ang tingin ko sa chest niya na panay ang galaw dahil sa pag inom niya, bumaba sa abs hanggang dun sa walangyang tent niya!

Panay pagmumura ang sumisigaw sa isip ko! Para siyang model ng mineral water pero ang suot ay umaatikabong pajama na may tent sa gitna! Oh my gosh!

Natauhan ako nang marahan niyang tampal tampalin ang pisngi ko. Napatingin ako sa pagmumukha niyang nakangisi.

"Dreaming of me?" Natatawang sabi niya, hinampas ko siya ng siyanse na hawak ko kaya napaaray siya mabuti na lang at malamig na yung siyanse dahil sa pagkakatunganga ko kanina sakanya.

"Kapal mo!" Sigaw ko atsaka tinalikuran ko siya at kinuha ko na ang itlog na pinirito ko, napapalakpak pa ako dahil hindi sunog pero basag yung pula ng itlog hindi kagaya nung itlog na niluto ni Andres.

Tinignan niya ang niluto ko, "Hmm, not bad. Nagugutom na ako, may sinaing na ba?" Para siyang hari kung magtanong, "Oo meron!" Siga ko sakanya, nagsandok na ako ng kanin at tumungo sa lamesa.

"Haaay, itlog nanaman ang agahan." Sabi ko atsaka sumubo. Bumaling saakin si Andres na ngayon ay nilunok muna ang kinakain bago magsalita.

"Magpasalamat ka nalang dahil may kinakain ka, may iba nga diyan walang kinakain." Suway niya saakin atsaka sumubo na ulit, kainis 'tong si Andres. Sakanya ba ako ipapakasal ni Dad? Gosh ha? Ang kuripot niya, hindi manlang siya umorder ng breakfast namin sa kilalang restaurant.

Tahimik nalang kaming kumain pero bigla siyang nagsalita. "Pinapapunta tayo ng Daddy mo at Daddy ko sa restaurant niyo." Sabi niya nang hindi tumitingin saakin.

"Ayoko." Matipid na sagot ko, ayokong makita si Daddy. Grabe itinatakwil na nga niya ako eh!

Padabog niyang binitawan yung kutsara atsaka uminom siya ng kape niya bago siya bumaling saakin. "Pupunta tayo sa ayaw at sa gusto mo. Maligo ka na." Pagsusungit niya atsaka tumayo na siya at pumanhik na, nagsisipa ako pero natigilan ako nang dumungaw siya sa pasimano ng hagdan.

"Maligo ka na, h'wag mo nang hintayin na magsabay pa tayo sa cr, you wanna undress me right?" Mapang asar na sabi niya na nagpapula sa mukha!

"Gago!!" Mura ko sakanya pero humalakhak lang siya at narinig ko na ang pagtalpak niya ng pinto.

Ngumuso nguso ako habang hinuhugasan ko ang pinagkainan namin, bwisit talaga si Andres! Kundi ba naman siya gago.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon