Chapter 2

8 0 0
                                    

It was already 2 PM. Dismissal na dapat namin kaya lang ang last teacher namin ay ayaw pa tapusin ang klase niya.

Ang mga kaklase ko naman ay nagliligpit na ng gamit, ang iba ay nag-aayos na ng mukha. Kaya naging medyo maingay ang room namin kahit na ang teacher namin ay nagsasalita pa.

Dahil sa nangyayari ay nagalit ang teacher namin. Ayan tuloy, mas napatagal pa ang dismissal kasi pinagalitan niya pa kami ng ilang minuto.

"Sa wakas, uwian na rin. Akala ko maabutan tayo ng gabi dito e." Sabi ni Nallie, isa sa mga kaibigan ko.

"Si Katie nasa labas na ba?" Tanong ko sa kanya. Kaibigan din namin si Katie, ABM din pero nasa kabilang section siya. Tanging kami lang dalawa ni Nallie ang magkaklase.

Mabuti nga at mas maagang magpalabas ang last teacher nila Katie, yung sa amin kasi, palaging late mag-dismiss.

"Oo, kanina pa ata sila pinalabas. Sana all na lang." Binilisan ko na lang magligpit ng mga gamit para maka-uwi na kami agad.

Sina Katie at Nallie ay mga kaklase ko mula Junior High School hanggang ngayong Senior High School. Sa totoo lang, hindi naman kami sobrang close talaga noong JHS pero dahil kami-kami lang din naman ang napunta sa school na ito ngayong SHS ay naging close na rin kaming tatlo lalo na at same kami ng strand. At magkakalapit din kasi ang bahay naming tatlo, nasa isang compound lang kami.

"May pupuntahan kayo?" Salubong na tanong ni Katie sa amin pagkalabas namin sa room.

"Hmm..... wala naman. Bakit may pupuntahan ka?" Tanong ko habang may tinitignan sa phone.

"Gala tayo." Ayaya niya sa amin.

"SM? Pwede rin. May balak din sana akong bilhin. Ikaw Seri?"

Inangat ko ang tingin ko sa kanila. "Tara."

Dahil 2 PM ang dismissal namin at may isang break time lang kami, ay malamang gutom na kami.

Sa Jollibee na lang kami kumain dahil madalas naman kami doon.

Pagkatapos kumain ay nag-ikot na lang kami sa mall.

"Guys, nakita niyo yung gwapo?" Biglang salita ni Nallie habang may tinitignan sa likod ko.

Pababa na kami ngayon sa escalator. Tumalikod naman agad ako para hanapin ang sinasabi niya.

"Hala wait, ang gwapo nga." Mukhang nakita na ni Katie yung gwapo.

Nakababa na kami sa escalator pero hinahanap ko pa rin yung sinasabi nila. "Asan na? Hindi ko nakita."

"Ayun, sa taas, sa bandang kanan. Nakaupo." Turo ni Nallie.

"Asan ba?" Hindi ko talaga siya mahanap. Hindi naman malabo ang mata ko pero nahihirapan lang talaga akong makakita ng mga tao lalo pa at malayo.

"Ayun tumayo na. Teka pababa na ata." Nagpapanic na sabi ni Katie at mabilis na naglakad. Nakahinto pa rin naman ako at pilit na hinanap yung sinasabi nila. Aba, hindi pwedeng sila lang ang makakakita ng gwapo 'no.

Pumasok silang dalawa sa isang store habang ako ay nasa labas pa rin at pilit na hinanap yung sinasabi nila. Paano ko nga ba mahahanap, hindi naman nila sinabi kung ano yung suot.

Hays. Hayaan ko na nga. Iniwas ko na ang tingin ko mula sa escalator at susunod na lang ako sa kanila nina Katie at Nallie sa loob.

Paalis na sana ako nang may humawak sa balikat ko. Mabilis naman akong humarap dahil na rin sa pagkakabigla.

"Hi, Sher." Nagulat ako nang makita si Seonghwan sa harap ko. Nakataas pa ang palad niya na para bang bumabati.

Tinignan ko ang suot niya. Nakapagpalit na siya ng school uniform. Naka-itim na tshirt na lang siya ngayon at naka jeans. May suot din siyang cap.

SECONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon