Chapter 3

2 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang restaurant na malapit sa school. Ayaw ko nga sana sa isang Restaurant and I said a fastfood chain will do pero nagpumilit siya.

It was a Korean Restaurant kaya naisip ko na baka namiss niya ang mga pagkain sa kanila kaya di na lang ako umangal pa. Plus I also wanna try some Korean foods.

"This one is bulgogi." Turo niya sa isang dish. "Try it."

I really wanna try it pagkadating pa lang nito sa table namin. I wonder how does it taste.

Marami pang mga pagkain ang hinatid sa table namin. I didn't expect him to order this much but I do appreciate it.

Marami akong nakain dahil marami rin ang mga pagkain. Ayoko rin kasi na nagsasayang ng pagkain.

Sobrang nawili ako sa pagkain at hindi ko namalayan na huminto pala siya at nakatitig lang sa akin.

Nang mapansin ko ito ay napatingin din ako sa kanya. Ngumiti siya at inilapit ang kamay sa mukha ko.

Shit. May dumi ako sa mukha.

Dali-dali ko namang kinuha ang tissue at inunahan siya sa pagpunas ng dumi sa mukha ko.

Naiwan naman sa ere ang kamay niya, like he didn't expect me to do what I did.

Oh no, I just realized what I did. Shit, nasira ko ang moment. Naunahan na naman ako ng kaba at ng pagka-clumsy ko. Shit talaga.

I shyly looked at him. Hindi ko alam ang sasabihin. Ano kakain ba ulit ako at sadyain ko bang lagyan ng dumi ang mukha ko? I don't know how to break the silence.

Bakit kasi ang tanga ko.

Yumuko na lang ako, di pa rin makapagsalita.

Nahihiya ako. Paano kung ayaw niya nang makipagkaibigan sakin? Pero di naman siya mababaw.

Anong sasabihin ko?!

Haayy, parang kailangan ko ng tubig. Pero nanginginig ako, paano kung matabig ko lang yun?

Bahala nang makita niya na nanginginig ako, basta kailangan ko ng tubig.

Aabutin ko na sana ang baso ng tubig when he stopped me midway by holding my hand. I froze. Hindi ko magalaw ang kamay ko. I felt that electrifying feeling from his touch. Sa tingin ko nanlalamig na ang kamay ko dahil sa kaba.

My heart is beating so fast and loud, sa tingin ko nga ay maririnig niya na ito.

I just froze there, staring at him. And he is also staring at me, with those eyes. His eyes are conveying something, something deep but I can't read it.

We just stared at each other for a while, until he broke the silence.

"I like you."

Napakurap-kurap ako sa narinig. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Did I hear that right?

Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya at ganoon din siya.

Another minute of silence.

"Uh..." di ko alam ang sasabihin ko. I didn't even know how I should react.

"shh..." he softly shuts me up. "Let me finish first."

He never lets go of my hand, and I'm fine with it.

Akala ko ako ang unang magco-confess sa kanya e. Kaya labis ang gulat ko ngayong sinabi niya ito. It was so surprising and unexpected.

"I know it was a bit fast, so you might think that I am playing with you but...." he sighed. He is staring directly at my eyes. Naghihintay lang ako sa idudugtong niya. "It's real, my feelings. I really like you. Matagal na."

SECONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon