𝗥𝗘𝗦𝗘𝗔𝗥𝗖𝗛 𝗩𝗔𝗥𝗜𝗔𝗕𝗟𝗘𝗦
If may knowledge kana about research,
I'm sure pamilyar o narinig mo na ang dependent at independent variables. Lalo na kapag quanti ang research mo.Ang variables ay ang values o data na nag-iiba. Halimbawa: height, weight, size, age, BP, etc. basta anything na nag-iiba ay pwede tawaging variable.
Para mas maintindihan: ang variable po ay nanggaling sa word na "vary" which means "nag-iiba", halimbawa sa weight.. nag-iiba (vary) ang weight (timbang) ng bawat tao, kaya matatawag natin itong variable—if pareho ang lahat ng timbang ng mga tao, ang timbang ay hindi po matatawag na variable (malabo po ito mangyare).
Same din po ito sa height, nag-iiba ang height ng bawat tao, kaya matatawag rin na variable ang height.
"eehh ano po ba yung independent variable (IV) at dependent variable (DV)???
Sabi ko nga, sa quanti usually naririnig ang IV at DV.. Sa quanti po kase tayo nagkakaroon ng experimental research.. at sa experimental research natin inaalam ang cause-and-effect.
Independent variable: CAUSE
Dependent variable: EFFECTTinatawag po na independent ang IV kase sya po ay independent sa mga ibang variables. Habang ang DV naman ay dumidipende sa ginagawang changes (o manipulation) sa IV..
Tandaan mo na sa experimental research, independent variable lang po ang mina-manipulate (iniiba) at hindi ang DV.
EXAMPLE STUDIES
(1) Do tomatoes grow fastest under fluorescent, incandescent, or natural light?
IV: type of light (na gagamitin).
DV: rate of growth (ng tomato).(2) What is the effect of diet and regular soda on blood sugar levels?
IV: type of soda (diet or regular).
DV: blood sugar levels.(3) How does phone use before bedtime affect sleep?
IV: amount of phone use
DV: quality of sleepAlways mong tandaan na ang IV lang po talaga ang binabago (manipulate).. at kapag iniba mo ang IV, pwede mag-iba rin ang DV. Kung mapapansin mo sa binigay na examples, ang DV po ang resulta o outcome o EFFECT ng independent variables.