𝐓𝐘𝐏𝐄𝐒 𝐎𝐅 𝐒𝐇𝐎𝐂𝐊⚠️

33 0 0
                                    

#medsurg_nursingnns


🧠neurogenic
♥️cardiogenic
🤢anaphylactic
🦠septic
💧hypovolemic

𝐕𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐬
Ano po ba ang makikita sa VS ng patient na nasa early shock??? (very common po ito na itinatanong)

"Hypo, tachy, tachy" (hypotension, tachypnea, tachycardia) ito po ang tinuro nila Sir/Maam sa school upang tandaan ang signs ng shock..

𝐏𝐞𝐫𝐟𝐮𝐬𝐢𝐨𝐧
In general, ang lahat po ng shock ay nagko-cause ng low tissue perfusion.. perfusion ang tawag sa pagpasok ng blood (oxygenated) sa organ/tissues.. mahalaga ang perfusion dahil dito po nakadipende ang nutrition ng organs; low ang perfusion, ibig sabihin mababa rin po ang supply ng oxygen sa mga tissues/organs.
Kaya delikado na magkaroon ng problema sa perfusion (which is ang nangyayare sa shock) dahil pwede itong mauwi sa organ failure.

Maraming reason kung bakit bumababa ang tissue perfusion, kaya marami rin pong reason/cause kung bakit magkakaroon tayo ng ibat-ibang types ng shock.. like if nagkaroon ng hemorrhage (hypovolemic), dahil sa infxn (septic), dahil sa allergy (anaphylactic), etc.

At syempre, may ibat-ibang management o treatment rin po tayo dito.

💧𝐇𝐲𝐩𝐨𝐯𝐨𝐥𝐞𝐦𝐢𝐜 𝐒𝐡𝐨𝐜𝐤
Ito po ang very common o ang mas kilala nating shock; tinatawag rin po ito bilang "hemorrhagic shock".

Kapag masyadong marami ang blood loss sa katawan dahil sa trauma/accident, magkakaroon po tayo ng hemorrhage (heavy bleeding), at kapag hindi ito mabibigyan ng treatment—ay magkakaroon po tayo ng shock (hypovolemic ang tawag).

May 4-6 liters of blood sa katawan ng isang tao..  Bawal po ito magkulang ng sobra dahil blood ang nagdadala ng O² na kailangan ng mga tissues/organs para mag-function. Kaya kapag walang blood (dahil sa hemorrhage), walang madi-deliver na O² sa mga organs, at mauuwi ito sa shock o organ failure kapag hindi naagapan.

🦠𝐒𝐞𝐩𝐭𝐢𝐜 𝐒𝐡𝐨𝐜𝐤
sepsis ang tawag kapag may na-develop na infection sa loob ng katawan at maari po tayo magkaroon ng shock dahil dito..

Ang common microorganism na nagko-cause ng sepsis ay "bacteria"..

Ang mga bacteria po na 'to ay tina-target ang mga small vessels (ugat). Remember, pathway o daanan ng blood ang vessels.. kaya naman, if nagkaroon ng damage sa mga vessels, ay maaaring magka-problema po tayo sa distribution ng blood saating system.. na pwede mag-lead into shock..

🤢𝐀𝐧𝐚𝐩𝐡𝐲𝐥𝐚𝐜𝐭𝐢𝐜 𝐒𝐡𝐨𝐜𝐤
nakakamatay ba ang allergy?? —Opo (pero hindi lahat).. Anaphylaxis po ang tawag sa allergy na nakakamatay at sobrang severe po ng allergy na ito..

Histamine ang substance na nari-release kapag nagkaka-allergy tayo.. at histamine ay nagko-cause ng maraming effects sa body.. tulad ng;

1. Vasodilation: sabi ko nga dati, kapag nagkaka-vasodilation tayo lumalaki yung mga spaces saating blood vessels, at kapag lumalaki ang mga spaces, humihina ang ating blood pressure (hypotension).. at kapag humina ang blood pressure, humihina rin po ang distribution ng blood (since mahina ang pressure, hindi sapat yung push/pump na ibinibibay ng heart saating mga tissues/organs)..

2. Increase permeability: remember, hindi lang po blood ang fluid content ng ating katawan, meron pa pong ibang fluids tulad ng plasma fluids..

Normal lang po na magkaroon tayo ng mga fluid saating blood/tissues, pero dapat hindi ito sumobra o naiipon (which is ang nangyayare sa anaphylaxis).

Ang permeability (paglusot) ng mga fluid sa mga vessels/tissues, (na pwedeng mag-acummulate [maipon] ) ay pwedeng mag-lead into edema.. at ito ang isang pinaka-dahilan kung ba't delikado ang anaphylaxis..

Ang edema sa anaphylaxis ay pwede ma-develop sa may airway at kapag nagka- edema sa airway, ay magko-cause ito ng obstruction, dahilan para mahihirapan/hindi makahinga at mauuwi sa kamatayan if hindi mabibigyan ng treatment.

♥️𝐂𝐚𝐫𝐝𝐢𝐨𝐠𝐞𝐧𝐢𝐜 𝐒𝐡𝐨𝐜𝐤
Tandaan mo na walang blood loss na nangyayare sa cardiogenic shock, ang problema po talaga dito ay ang hindi pag-function ng heart..

Heart ang tumutulong para ma-distribute ang blood sa tissues/organs.. pero, pano kaya kapag hindi na ito magfa-function?? may distribution pa ba ng blood?— Wala! at kapag walang ma-distribute na blood sa mga organ/tissue/cell ay mauuwi ito sa shock and death (if hindi na-treat).

🧠𝐍𝐞𝐮𝐫𝐨𝐠𝐞𝐧𝐢𝐜 𝐒𝐡𝐨𝐜𝐤
Isa po ang brain (neuro) sa responsible sa pag-regulate ng ating blood circulation.

Nagsi-send po ng impulses ang brain para ma-dilate o ma-constrict ang mga vessels (ugat)..  at kapag nagkaroon ng  damage sa brain, hindi ito makakapag-send ng impulse para gawin 'yon.

Ang posibleng mangyare pag ganun ay mauwi sa hypotension. Remember kanina, if nagkaroon nagkakaroon ng hypotension humihina ang distribution ng blood, ito po ang dahilan kung bakit magkakaroon ng low tissue perfusion na pwede mauwi sa shock.

Tandaan mo, posibleng neurogenicn ito kapag brain o spinal cord ang affected, at cardiogenic, naman kapag heart ang affected..

💡tip: ang mga possible questions lang dito ay una: pwedeng itanong kung anong type ng shock ang nasa situation..
pangalawa: ang signs ng shock like ang early at ang late signs neto. at pangatlo: ang pinaka-importante, at yun ay ang nursing management sa ibat-ibang shock..may ibat-ibang management po tayong binibigay dipende sa type ng shock.

IMPORTANT POINTS!!!⛔

🧩Signs
▪︎early signs:hypotension, tachypnea, tachycardia, cold clammy skin, dizziness.
▪︎late signs: bradycardia, oliguria, cold clammy skin..

🛌Trendelenburg position sa hypovolemic shock.. pero kapag walang trendelenburg— hanapin mo ang "supine position, w/ 45° leg elevation"

⚡Epinephrine???— ito ang kailangan ng may anaphylactic shock.

🧨Corticosteroids???-- anaphylactic shock (since mayroong inflammation/edema sa may airway)

🛡Antihistamines???—Yes, syempre magbibigay po tayo neto sa anaphylactic shock (dahil sa allergy).

🔩Stents???—sa cardiogenic po ito kinakailangan (ang purpose po ng stent is to dilate ang kumipot (narrowed) na coronary artery.. nang sa ganon ay ma-deliver ulit ang O² (blood) sa tissues/heart..

🦠Antibiotics???—syempre kay septic shock po ito (since merong infxn)

🎈PRBC (packed RBC)???—need po ito ng pasyenteng may hypovolemic shock (dahil may blood loss, kailangan ng replacement sa mga nawalang blood products)

Nursing Reviews Where stories live. Discover now