*****
Lakad-takbo nalang ang ginagawa ko at hindi ko narin mawari kung saan na ako patungo. Hindi ko na din masyadong maaninag ang daan na tinatahak ko sapagkat medyo madilim narin. Mahigpit parin ang pagkakahawak ko sa briefcase dahil ayokong mawala ito. Tila hindi ko na din maramdaman ang sakit sa aking braso dahil sa saksak nung naka-itim na lalaki na kasalukuyang humahabol sa akin. Marami sila at halos ang iba sa kanila ay may hawak na baril at patalim.
Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang kanang kamay ko dahil sa luha at alam kong nahaluan narin ito ng tubig-ulan. Ako ay nadapa dahil sa pagmamadali ngunit wala na akong sinayang na oras at dali-dali ang aking pagbangon tsaka tumakbo ulit na tila ba hindi ako napapagod. Ngayon para sa akin mas uunahin ko muna ang briefcase na ito sapagkat mahalaga ito kila kuya. Sa mga EMPERIAL.
Isang putok ng baril ang nagpatili sa akin. "Stop! You fvcking woman!"
Sigaw ng isa sa mga humahabol sa akin. Pero hindi ako nagpatinag at tinuloy ko parin ang aking pagtakbo kahit na paika-ika na ako. Medyo malayo-layo na sila sa akin at yun ang pinagpapasalamat ko.
"Anong lugar na ba toh?" Patanong ko sa aking sarili.
Tumigil ako sandali sapagkat naramdaman ko ang tila pag-ikot ng aking mundo. Pinakiramdaman ko ang buong sistema ko sapagkat hindi ko mawari dahil parang may umaagos sa aking tagiliran.
"Wala namang masakit. Dahil lang siguro ito sa ulan" Pagrarason ko.
Nagpatuloy na naman ako sa aking pagtakbo hanggang sa. "T-teka! Kilala ko itong compound na to ahh!"
Tila nabuhayan ang aking loob. Yung takot na naramdaman ko ay napalitan ng saya at pakiramdam ko ligtas na ako. Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na agad sa gate ng compound. Buti nalang bukas ito, lumingon ako sa aking likod at hindi ko na maaninag ang mga armadong lalaki na humahabol sa akin kanina.
Tila nakahinga ako ng maluwag ngunit sa aking pagbuntong-hininga siya namang pagkirot ng aking katawan.
"Konting tiis nalang Akie, malapit na tayo sa bahay." Pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Sigurado ako alalang-alala na sila Kuya sa akin. Lahat sila na naroon sa bahay. Gumuhit sa aking labi ang ngiti sapagkat nakikita ko na sa aking imahinasyon at nararamdaman kong matutuwa din sila na bumalik na ako. Ilang kilometro lang naman ang layo ng aming bahay at kaya pa ng katawan ko. Yakap-yakap ko parin ang itim na briefcase ngunit hindi ko parin alam kung ano ang mga laman nito. Basta ang alam ko kailangan ko itong protektahan dahil ito'y mahalaga.
Nakikita ko na ang malaking bahay na tila palasyo ng hari at reyna. May maliwanag na ilaw at medyo may kataasan at mamahaling mga metal ang gate nito. Kusa itong nagbukas nung idinikit ko ang aking palad sa Palm Scanner at "Access Granted" yan ang salitang sinasabi nung machine kapag ang P1, DS1, DT1, DA1, at DM1 na nagpapakita ay nagmatch sa mga naregistered na tao dito sa loob ng bahay ay kusang bubukas ang gate.
Dire-diretso ang aking paglakad hanggang sa marating ko ang malaking pintuan at nakita kong may kaunting sumisilip na liwanag na nagmumula sa loob. Mas lalong lumawak ang aking ngiti dahil nakita ko na ang mga kapatid at mga pinsan ko na nasa sala habang seryosong nag-uusap.
"Do you think we can trust her?" Sino? Tanong ni Kuya Clyde habang sumisindi ng kaniyang sigarilyo na nasa mala-rosas niyang labi.
"Kuya, Baka na-traffic lang yun." Protesta naman ni Kuya Gavin atsaka ininom ang wine na nasa bote.
"Sabi sa inyo eh! We should have followed her" Saad naman ni Caleb isa sa mga pinsan namin. Kita ko ang pagtango nung dalawa pa naming pinsan na sina Hydren at Jesliev.
"Do you think kayang itakbo ni Akie yung briefcase?" A-ako? "And first of all she didn't know what was in the briefcase, right?" Usal ni Zian tsaka umakbay kay Kuya Chase.
"For me, hindi malabong kaya niyang itakbo yun. Lalo na't alam niyang briefcase iyon and in my first impression kapag Briefcase ang usapan pera ang laman nun kaya no wonder of it." Saad ni Vandreyk tsaka nagkibit-balikat at ininom yung wine na binuksan ni Vhon, napangiwi pa ito pero tanging kindat lang ang ginawa ni Vandreyk.
Yung ngiti ko kanina unti-unting nawala. Tila nalulusaw ang aking damdamin sa mga sinasabi nila. Isa-isa ang pagpatak ng aking mga luha mula sa aking mga mata na parang wala na itong katapusan sa pagpatak. Nanlalambot rin ang aking mga tuhod at tila bibigay na ito mula sa pagkakatayo. Wala ba talaga silang tiwala sa akin. Nahihirapan nadin akong lumunok dahil tila may nakabara sa aking lalamunan.
"That's enough!..." Saad ng pinakamatanda sa lahat ng mga anak ng Emperial. "Vandreyk is right! We didn't know Akie well and she's just been a few months here. She's just also adopted by our Parents and first of all, of course not last I DON'T LIKE HER TO BE MY SISTER" Saad niya at talagang diniinan yung huli niyang salita na mas lalong nagpadurog sa akin. Parang gumuho ang mundo ko sa mga salitang kaniyang binitawan.
Tila ayaw pumasok sa aking isipan lahat ng kaniyang mga sinabi. Ayaw kong maniwala, ayoko ng makinig, hindi iyon totoo. Kusang bumuhos lahat ang mga luhang kaninang paisa-isa lang ang patak. Naninikip narin ang dibdib ko at sumasabay pa ang kirot mula sa aking sugat at sa buo kong katawan.
"What if magnanakaw pala siya? What if she's just being nice and then when she gets our trust of her...." Gusto kong takpan ang aking tenga pero tila ayaw ng mga kamay ko na gumalaw. Hindi parin tumitigil ang aking mga mata sa pagluha. Hindi ko na kaya. Gusto ko siyang pigilan sa mga salitang kaniyang binibitawan dahil baka mas lalo lang masaktan ang aking damdamin. Pero tila ayaw gumalaw ng katawan na para bang napako na ako sa kinatatayuan ko. "And remember what Stephen King said, The trust of the innocent is the liar's most useful tool." dagdag niya at dahil doon yung lungkot at durog kong puso tila nabuo at naging bato.
BINABASA MO ANG
My Possessive Cassanova BROTHER
RomanceA lady who has lost her memory. Losing her family is the most hectic that happened in her life. But there is a family that willing to accept her. She just wants to be loved. She just wants to be part of the family. A family that she never knows, the...