Chapter 11: Bon retour en france!

12 3 0
                                    



Napailing ako ng wala sa oras ng bahagya itong tumingin sa akin tsaka ngumiti ng nakakaloka na tila ay nang-aasar ang kaniyang pinupukol sa akin. Bahagyang napa-angat ang  sulok ng aking labi sa kaniya at sinimangutan. 

"What's with the alarm sound lately?" Baling sa kaniya ni Papa. 

"Nothing Tito. Pinacheck ko lang sa kaniya yung button kung gumagana pa. Isn't it, couz?" Diretso niyang saad tsaka tumingin uli sa akin. Tingin na tila nagsasabing dapat akong sumang-ayon sa kaniyang dahilan. Binalingan naman ako nila Papa at nag-aantay kung sasang-ayon ba ako sa kaniya o hindi. 

Pano kung ayaw ko.

"Ahh.. O-opo, pinasisiguro lang po niya kung gumagana ba iyon o hindi." Pagsasang-ayon ko. Tumingin ako sa kaniya at bahid ang ngisi sa kaniyang mapulang labi. 

Sa gitna ng aming usapan ay biglang bumukas ang pintuan na siyang umagaw sa atensyon naming lahat at doon napako ang aming tingin. 

"Just a few more minutes and we will be landing at Cargo Airlines." Isang baritonong boses ang humalili sa loob ng silid. Tanging ang itim ngunit tila nakakasilaw dahil sa ningning nito at halos pwede na rin itong gawing salamin. 

Mas malinaw pa ata iyon kesa sa salaming suot ko. 

"What's with the Emergency Alarm?" Tanong nito sa mga kaharap niya. Hanggang sa tumagos ang kaniyang tingin sa akin. Doon ko nakita ang taong kadarating lang at agad na sumalubong sa akin ang matang kulay berde. Ang buhok niyang medyo may sumisilip na kulay abo dito at  ito ay maayos tingnan dahil tila ginamitan ng kung ano upang hindi magulo ang buhok na hindi gaano katagilid ang dating. Mas lalo siyang nagmukhang modelo ng isang magazine dahil sa kaniyang matangos na ilong, perpektong panga katulad ng isa kanina na nagsinungaling na siya daw si Kyle. Ang manipis at mas makulay ang pagkarosas ng kaniyang labi  kumpara sa unang dumating kanina. Hanggang sa doon ko lang napagtantong pareho pala sila ng ka-anyuan ni Vandreyk. Mas kaunting mature nga lang ang kadarating lang at ang taglay nitong  kagwapuhan ay talaga namang kahit na sinong babae ay mahuhumaling sa kaniya. Magkasing-tangkad at magkasing -ubog din sila ng katawan. Ayos lang ng buhok ang kanilang pinagkaiba kaya naman 

"Nothing." Tipid na tugon ni Vandreyk sa kaniya. Hindi ko makita ang reaksyon niya sapagkat nakatalikod na ito sa akin. Ngunit halata sa kaniyang boses ang pagkairita. 

"Idiot. You make us suck in the cockpit." Wika nito tsaka ako binalingan ng tingin. Rinig ko naman ang atungal ni Vandreyk tsaka humarap uli sa akin. 

"Did he do something to you?" Tanong nito sa akin. Marahan akong umiling upang maging tugon sa kaniyang tanong. 

"He is Vhon Montenegro. Twin of Vandreyk at itong plane na sinasakyan natin ay pag-aari niya—" 

"I have too." Biglang sambit naman ni Vandreyk ngunit inirapan lamang si ni Tita Enia. Napasimangot naman ito.

"Welcome back.... my dear cousin." Nakangisi niyang saad. Inayos ko ang salamin ko tsaka ngumiti sa kaniya. Agad na sinalubong ang mata niyang pareho kay Vandreyk ngunit tila ang tingin na iyon ay may pinahihiwatig kaya naman ako'y nag-iwas ng tingin dahil ito ay kakaiba. 

Hanggang sa biglang tumunog ang isang puting bagay na parang remote ng TV ang hitsura na nanggaling sa blusa ni Papa kaya naman nagpaalam ito sa amin. Sumama naman sina Mama at Tita Enia dahil meron pa daw silang gagawin na naudlot dahil kanina. Napalunok ako at sasabihin sanang wag nila akong iwan dito ngunit huli na dahil naisara na nila ang puting pintuan. Nagdarasal ako na aalis na rin ang dalawa ngunit hindi ata narinig ang dasal ko dahil imbes na humakbang patungo sa pintuan ay humakbang ito patungo sa bintana. Pinasilip ang kaunting sikat ng araw na naka-agaw ng atensyon ko. Kulay asul ang labas ng bintana kaya naman napatitig ako doon. 

Saan na nga kami?

"L-langit ba iyan?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatuon parin ang aking tingin sa labas ng bintana kung saan ay hawak-hawak ni Vhon ang kurtina habang pinapakita sa akin ang labas. 

"Bakit hindi mo tingnan?" 

Dali-dali akong tumayo at nilagpasan si Vandreyk sa kung saan siya nakatayo. Agad na tinungo ang direksyon kung saan nakatayo si Vhon. Napasinghap ako ng maamoy ang matapang na pabango niya. Mas matapang ito kaysa kay Vandreyk. Ngunit mas lalo akong namangha ng makarating ako doon. Sumalubong sa akin ang kulay asul na kalangitan. Ulap na tila bulak at kung tingnan ay parang masarap humiga doon. Gusto ko silang hawakan ngunit may nakaharang na salamin. Tiningnan ko ang baba nito at agad na sumalubong sa akin ang malawak na karagatan. 

Wow! Ang gandaaaaa...

Napangiti ako ng wala sa oras tsaka inayos ang salamin ko upang mas malinaw ko itong matignan. Hindi parin mawala-wala ang tingin ko sa malawak na karagatan sa aming ibaba. Tumingkayad ako ng kaunti dahil sa mas gusto ko pa itong matingnan ng biglang nawalan ako ng balanse kaya naman ng maramdaman ko ang pagtumba ko ay mariin akong napapikit dahil tatama ata ang mukha ko sahig na marmol. 

"Are you alright?" Tanong ng kung sino. 

Nanatili akong nakapikit ng maramdaman ko ang paggalaw ng aking salamin. Nalanghap ko ang kaniyang pabango. Ang halimuyak ay naghahatid ng isang masiglang tama ng sariwa, tila malutong na berdeng mansanas, pinaikot na may makulay na mga herbal na aroma at ang mausok, at makalupang amoy ng isang ligaw na kagubatan. Ganoon kung ilarawan ang amoy niya. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang mukhang anghel na sumalo sa akin. 

"V-vhon?" 

"Are you okay?" Marahan akong tumango at maingat naman niya akong pinatayo mula sa pagkakasalo niya sa akin. 

"Psh! You damn pervert." Napatingin kaming dalawa kay Vandreyk na paupo palang sa kama na pinanggalingan ko kanina. Kita naman ang pag-ikot ng mata ni Vhon sa kaniya. "Kumain kana." Dagdag nito tsaka tiningnan ang nakatry na pagkain sa gilid ng kama. Sakto namang tumunog ang aking tiyan hudyat na gutom na talaga ako. 

"I was the one who cook that." Pagmamayabang ni Vandreyk tsaka pinapaypayan ang sarili na tila ba siya na ang pinakamagaling na tagaluto sa buong mundo. 

"But it doesn't sound good lately. So, Mom fixed it for you to not embarrassed." 

"What the fuck?" 

"Watch your words." 

"Do you think isn't that embarrassment for me?" 

"Uhmm.. kumain na din ba kayo?" Napatingin sa akin ang dalawa na pareho ng nagkalapit na sa isa't-isa. Unti-unting naglaho ang kunot sa kanilang mga noo ng mapagtantong nakangiti ako sa kanila. Agad silang napa-iwas ng tingin. 

"I'm full." 

"I'm Hungry." 

Ako naman ang nangunot noo sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam kung sino ang nagsabing busog at gutom. Maging sila ay napatingin din sa isa't-isa. 

"Ladies and gentlemen,  Cargo Airlines welcomes you to Strasbourg city. The local time is 11:05 P.M . For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate." 

Merong biglang tumunog sa kung saan. Pare-pareho kaming napatingin sa may maliit na speaker dito sa silid hanggang sa... 

"Bon retour en france!" (Welcome back in france!) Pareho nilang sambit tsaka ngumiti sa akin. 


My Possessive Cassanova BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon