Chapter 4: A moment that awaited

19 5 1
                                    

A FEW WEEKS LATER....

"Akie?" Tawag nila sa akin. Napalingon naman ako sa direksiyon kung saan nagmula ang tinig na iyon. 

Isang malapad na ngiti ang bumungad sa akin sa kaniyang mukha habang hawak-hawak ang isang simpleng white dress habang pinapakita sa akin. Napangiti ako dahil kahit simple lamang ang damit ay talagang maganda. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya at ganun din naman ang aking ginawa. Binitiwan ko ang hawak-hawak ko kanina na simpleng Floral Dress at nagtungo sa kaniyang kinaroroonan. 

"Oh god! It's suit on you, Dear." Sambit niya habang inilalapat sa aking katawan ang damit na hawak niya. "Pumunta ka sa dressing room at tiningnan mo kung okay sayo." Utos niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. 

Kasalukuyan kong hinahawakan ang puting bestida habang tinutungo ang dressing room na itinuro niya sa akin upang dito isukat ang napili niyang damit. Hindi narin ako nag-aksaya ng oras at dali-daling isinuot ito. Napamangha ako sa repleksyon ng salamin dahil bumagay sa akin ang suot ko. Umikot-ikot pa ako para mas madama ko naman yung damit. Inayos ko ang salamin ko pati narin iyong bangs ko dahil medyo humaharang sa mga mata ko. Napagdesisyunan kong lumabas na para maipakita sa kaniya ang napili niyang damit para sa akin. 

Hindi maipinta ang kaniyang mukha ng makita ako na lumabas galing sa dressing room. "Wow! You are so beautiful" Puri niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Thank you po!"

"Come, come. Ipakita natin yan sa Daddy mo. I'm pretty sure na magugustuhan niya din iyang suot mo." Wika nito at marahan niya akong hinila para pumunta sa may waiting area.

"Honey? Look at our simple but excellent and gorgeous daughter." Inagaw niya ang kaniyang atensyon at sa akin siya tumingin.

"Wow! Isa ka talagang Emperial," Sambit niya at lumapit sa akin.

"Of course, kanino pa ba nagmana yan? Eh sa akin lang naman." Saad niya at nagtawanan naman sila at syempre nakitawa nalang din ako.

Inutusan pa nila akong mamili pa daw ng mga damit ngunit tumanggi ako dahil napakamahal ng mga damit. Ito ngang damit na suot ko ay nagkakahalaga na ng ₱999.00. Napakasimple pero kulang nalang Ng piso at magiging isang libo na ang halaga nito. Pero sabagay kilalang botique itong pinuntahan namin ngayon at halata namang mga bigatin din itong mga namimili dito. 

"Hindi kana ba talaga bibili ng mga damit mo?" Tanong uli nila sa akin ngunit umiling na lamang ako at ngumiti sa kanila.

"Ija, masanay ka na na ganiyan ang mga damit na isusuot mo. Especially if you are in our home." Aniya.

"Pero... Pwede naman po tayong bumili sa may medyo mumurahin lang po." Saad ko sa kanila pero natawa na lamang sila sa akin.

"You don't need to buy on a cheap place, darling. Because remember, you're an Emperial tsaka ito ang nakasanayan mo noon pa." Wika nito sa akin habang marahan niyang hinahaplos-haplos ang aking buhok at muli Silang nagkatinginang dalawa na para bang mga mata lang nila ang nag-uusap.

Ngumiti uli ako sa kanila at nag-aya ng umuwi dahil ramdam ko na ang pagod at medyo sumasakit na naman ang aking ulo. Kahit na meron akong dalang emergency na gamot ay hindi parin ako pwedeng makampante dahil minsan ang pagsakit ng aking ulo ay humihigit pa sa inaasahan kong pag-atake niya ng sakit. 

Habang kami ay nasa byahe ay tahimik lang kami sa kotse. Tanging musika lamang ang naririnig habang binabaybay namin ang daan pabalik sa bahay namin. Gusto ko man magtanong dahil marami parin akong katanungan sa kanila ngunit wala akong lakas ng loob at mas pinapangunahan ako ng takot. Takot na baka wala din akong makuhang sagot mula sa kanila. 

Sa aking pagmumuni-muni ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aming bahay. Simple lamang ito at kung ikukumpara sa ibang bahay dito sa village ay mas malawak nga lang. Ngunit ang mga kalapit ng aming bahay ay hindi rin papahuli pagdating sa taas at disenyo. Sabi nila ay village of rich people daw ito. Dito nakatira ang mga mayayamang business man at woman dito sa Mandaue City. Hindi ko din inaakala na ako ay kabilang sa mundo nila. 

Pagdating sa tila gateway palang ay talagang pang mayaman na. Tila isa itong malaking rehas na may eleganteng disenyo. Nagta-taasang mga pader ang pumapalibot sa buong village na tila ba mga palasyo ang prinoprotektahan nito. Pero sabagay, base sa estado ng mga buhay ng mga tao dito ay hindi maikakaila na pwede silang maikumpara sa mga hari at reyna dahil sa kayamanan at karangyaang natatamasa. 

"Ija? Are you okay? May masakit ba sayo? Tell us kung may masakit sa iyo at dadalhin ka namin sa Tito Henry mo." Sunod-sunod na tanong nila sa akin. 

Tila doon lang ata ako nabalik sa reyalidad. Masyado ba akong naging lutang kanina?"Okay lang po ako. Wala pong masakit sa akin." Tugon ko sa kanila. 

"You sure ija? Kung gusto mo tawagan natin ang Tito Henry mo at siya na lamang ang pumunta dito at baka nahihiya ka lamang" Diretso nilang saad sa akin at halata sa kanilang mga mukha ang kaba at tila takot na nararamdaman. 

"M-ma, P-pa? O-okay lang po ako. Pagod lang po ako sa byahe natin kanina." Tugon ko at nginitian sila ngunit sila naman ngayon ang tumunganga sa akin. Tila hindi maipinta ang kanilang reaksiyon sa mga mukha. Unti-unti ang pagkunot ng aking noo sa kanila. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang yakap nila sa akin. 

"We thought that we will wait this moment for so long." Wika nila na mas lalong nagpagulo sa aking isipan ngayon. Hindi ko makuha ang pinupunto at gusto nilang iparating sa akin... o baka sadyang hindi ko lang talaga sila maunawaan dahil sa inasta nila ngayon. 

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Lakas loob kong tanong sa kanila. Ngumiti sila sa akin at hinaplos ng marahan ang aking buhok at iniayos ang salamin ko. 

"You totally accept who you are.... na ikaw ang aming anak." Masaya niyang sambit sa akin. 

"Tara na po sa loob, Mama at Papa," Nakangiting sambit ko sa kanila at inilalayan akong bumaba sa mamahaling sasakyan at kasabay nun ang mga bodyguard nilang nakaitim na suot at tila sila ay dadalo sa prestihyosong pagdiriwang. "Wag po kayong mag-alala dahil okay lang po ako." Dagdag ko. 

Inalalayan nila ako hanggang sa makapasok sa bahay. Pinilit pa ako ni M-Mama na alalayan ako hanggang  sa makapasok ako sa aking silid ngunit nagpumilit din akong kaya ko naman dahil wala naman akong nararamdaman bukod sa pagod lang ako. Pagkadating ko sa aking silid ay sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa bukas ko na bintana. Tanaw na tanaw ko ang mga punong kahoy sa aming bakuran. 

Hindi na ako nag-atubili pa dahil na rin siguro sa pagod ay dumapa na ako sa kama. Huminga ako ng malalim. "Salamat po at binigay niyo po sila sa akin." Turan ko hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng aking mata kasabay ng malamig na hangin na tila yumayakap sa akin at ang aking paligid na unti-unting ng humihina.  



My Possessive Cassanova BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon