Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin ang puti. Napaka-puti na... na kisame? Napabalikwas ako ng bangon kaya naman ramdam na ramdam ko ang malambot na tulugan.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto na kinalalagyan ko. At doon ko lang napansin ang lugar na kung saan ako nakahiga ay halos puti ang lahat. Puting kisame, puting dingding, puting kurtina, puting unan, kumot at higaan. Lahat ay puro pati maging ang tray sa aking gilid na puno ng mga pagkain kung kaya't biglang nagparamdam sa akin ang gutom. Sana naman hindi puti ang pagkain. Na-amoy ko agad ang kakaiba at bago sa aking pang-amoy ngunit itsura palang ay masarap na. Iyan ang bumungad sa akin ng buksan ko ang nakatakip ditong puting stainless na pabilog.
Napalunok ako tsaka parang biglang nanunuyo ang aking lalamunan sa mga putaheng nakatambad sa akin ngayon. Kakaiba siya sa mga hinahanda kapag ni Mama sa amin kapag kainan na.
Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang lalaking maputi na medyo singkit ang mata. Ang nga matang kasing kulay ng isa sa mga dyamante na kung tawagin ay emerald sa ingles. Mga pilikmata na kung titignan ay daig pa ang akin dahil sa halos pakurba nitong pilikmata na mas lalong nagpabuhay sa tila anghel nitong hitsura. Ang ilong niyang halos pwede na atang pagsabitan ng kaldero dahil sa tangos nitong taglay. At ang mga labi niyang mala-rosas na tila pana ni kupido ang hugis idagdag pa ang nipis nito na mas lalong dumagdag sa pagiging mala-artistahin niyang dating. Hindi kaya artista siya?
"Done staring?" Malalim niyang boses ang nagpabalik sa akin mula sa aking reyalidad.
"H-ha? P-po?" Bakit ba ako nauutal?
"Po? Halos magkasing-edad lang naman tayo." Utangal nito sa akin habang unti-unting lumalapit at doon ko mas lalong nakita ang katawan niyang hubog na hubog sa lugar kung saan nagpapalaki ng katawan ang mga tao.
Ang kaniyang balikat na malapad, katawan na hugis letrang V na may kasama pang mga parang pandesal sa kaniyang tiyan at kitang-kita dahil medyo manipis ang kaniyang suot na itim na damit. Ang tangkad niya at parang hangang balikat niya lang ako siguro.
"Ahh s-sino ka?"
Tumitig muna ito sa akin tsaka ako pinasadahan ng tingin. Kita ko ang ngisi sa kaniyang mala-rosas at manipis na labi. "I'm... I am Kyle Emperial." Pagpapakilala niya habang palapit ng palapit sa akin at ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa tumama na ang aking likod sa may ulunan ng kama. Napalunok ako ng wala sa oras hanggang sa konting pulgada na lamang ay dikit na ang aming mukha. Napapikit ako ng wala sa oras ngunit amoy na amoy ko ang pabango niyang medyo may katapangan ngunit hindi nakakaasiwa ang amoy.
"Welcome back!". Halos nanindig lahat ng balahibo ko lalo na ang parte ng aking batok dahil sa malambing at tila nanunuyo niyang boses ng bumulong ito sa akin.
Ramdam ko ang paglayo niya sa akin. Umaangat ang aking tingin sa kaniya tsaka saktong nagtama ang aming mata. Siya si Kyle?
"He is the view"
"Hey!"
"He is the view"
"What the?"
"He is the view"
"Hey? STOP STARING ME." Halos mapalundag ako sa gulat ng bigla niyang inilapait ang kaniyang mukha sa akin at kaunting galaw lang namin ay dadampi na ang mala-rosas niyang labi.
"A-aahh... B-bakit po?" Pigil hininga ako sa aking tanong.
"I. SAID. STOP. STARING. AT. ME." Dahan-dahan niyang wika tsaka lumayo ng kaunti. Napapikit ako ng mapansin kong umangat ang kanang kamay niya ngunit naramdaman ko na ang salamin ko'y gumalaw ng bahagya.
"Hindi maayos ang pagkakalagay." Tugon nito sa akin tsaka tuluyang lumayo. Tanging ngiwi na lamang ang aking nagawa ng tumalikod siya sa akin. Ngunit napatigil siya tsaka muling lumingon sa aking direksyon.
"That food is all yours. You can call the crew if you need something." Usal niya.
Pero paano ko naman kaya sila tatawagin?
"Just simply push the button at your side." Tugon nito na tila ba narinig ang aking katanungan mula sa aking isipan.
"Check it if the button is still working." Nilingon ko ito at meron ngang pulang pindutan malapit sa kung saan nakalapag ang pagkain. At sa aking kaliwang gilid naman ay meron ding isang mesa kung saan ay nakalapag naman doon ang ilaw na kung tawagin sa ingles ay lampshade. Ngunit ito ay kakaiba at halatang mamahalin. Isang maling galaw mo lang dito ay tiyak na milyon na ang iyong babayaran kung sakaling ito ay nasira. Hindi ito ordinaryong gamit lang ng isang mayamang pamilya. Parang isa ito sa mga inaalagaan at sikat at kung titingnan ng mabuti ay parang ginawa ito sa ginto.
"Nakakaintindi ka pa ba ng wikang ingles?" Tugon nito sa akin na nagpapukaw sa atensyon ko sa ilaw sa aking tabi.
Tumingin ako sa kaniya at marahan na tumango tsaka ma-ingat na pinindot ang pulang pindutan sa aking tabi. Napa-igtad ako ng wala sa oras ng bigla itong tumunog at dahil sa isa itong saradong lugar ay halos ito ang umalingawngaw sa buong silid. Napatakip ako ng tenga dahil pareho ang tunog sa sasakyan ng ambulansya kapag mayroong aksidente.
"Parang tunog ambulansya."
Biglang naging tahimik ang paligid na tila ba mayroong dumaang anghel sa aming dalawa ngunit wala pang isang oras ay tawa niya ang pumalit sa alingawngaw kanina na tunog na tila ambulansya.
"Oh fuck!... HAHAHAHA.... Damn, you are funny." Saad nito habang walang tigil ang pagtawa at kulang nalang ay mapa-upo siya sa marmol na sahig na ngayon ko lang napansin. Tila nangi-ngisay ang kaniyang hitsura dahil sa katatawa. Ni hindi na rin ito makapagsalita dahil sa tawa na lamang siya ng tawa.
Anong nakakatawa?
Nangunot na lamang ang aking noo tsaka tumingin na lamang sa kumot na nakabalot sa akin. Hangang sa biglang nagbukas ang pintuan at doon ako napatingin."What the hell is happening here? Is everything okay? What the hell are you laughing at, Vandreyk?" Sunod-sunod na tanong ni Papa ng balingan nila ang lalaking kanina pa tawa ng tawa.
"HAHAHAHA... S-she... HAHAHAHA.... S-she is so funny." Saad nito na halos hindi na masabi ang gusto niyang sabihin.
Mas lalong nangunot ang aking noo ng tawagin siya sa pangalang Vandreyk. Ang akala ko ay Kyle ang kaniyang ngalan ngunit bakit siya tinawag sa ibang pangalan.
Pero baka naman Kyle Vandreyk o di kaya naman ay Vandreyk Kyle ang buong niyang pangalan.
Tama. Tama, iyon nga ang kaniyang pangalan. Pero kung sila ay susuriing mabuti ay medyo malayo ang hitsura ni Papa kesa sa pinakamatanda sa lahat ng mga anak ng Emperial. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa aking mga iniisip. Marahan akong umiling upnag iwaksi ito ngunit bahagya akong napa-angat ng tingin sa lalaking makata kung wagas kanina na ngayon ay seryoso na...
"Akie, this is Vandreyk. Vandreyk Montenegro, your cousin and..." Nangunot ang aking noo sa lalaking nagsabing siya si Kyle. "My one and only son." Dagdag pa ni Tita Enya.
Siya si Vandreyk? Ibig sabihin hindi Kyle Vandreyk o Vandreyk Kyle ang pangalan niya. Ibig nitong sabihin hindi ko pa nakikita si Kyle.
Hindi ko pa nakikita ang sinasabi ni Tita Enya na.. 'He is the view.'
BINABASA MO ANG
My Possessive Cassanova BROTHER
RomanceA lady who has lost her memory. Losing her family is the most hectic that happened in her life. But there is a family that willing to accept her. She just wants to be loved. She just wants to be part of the family. A family that she never knows, the...