Chapter 9: Trust Me!

11 4 0
                                    


Napatigil ako sa aking ginagawa ng biglang may kumatok sa aking pintuan. Agad akong nagtungo doon at binuksan ang pinto. 

"T-tita Enia?" Sumalubong sa akin ang ngiti niyang tila nahihirapan. "Ay, tulungan ko na po kayo." Wika ko tsaka siya tinulungang buhatin ang karton na dala-dala niya. 

"Oh god! Gosh, ang bigat pala ng box na iyon." Reklamo niya. Napakamot na lamang ako ng batok habang nagsasalin ng tubig upang ipa-inom sa kaniya dahil kita ko ang pago niya sa pagbubuhat ng karton na iyon. 

"Uminom po muna kayo." Saad ko at iniabot sa kaniya ang isang basong tubig upang maibsan ang pagod niya. 

Agad naman niya itong ininom at nagpasalamat sa akin. Ibinaba niya ang baso tsaka tumingin sa akin. "Huwag na huwag mong sasabihin sa kanila na ibibigay ko sayo toh ahh." Saad niya. Napatawa na lamang ako dahil parang bata si Tita Enia habang tila bumubulong sa akin. 

"Come on Akie, don't laugh at me. I'm deadly serious here." Dagdag niya pa habang nakabusangot ang kaniyang mukha. Kaya naman tumigil na ako kakatawa at tumikhim na lamang upang makapagsalita. 

"Pero Tita hindi pa naman po kami uuwi ehh."  

"What?!" Gulat na tumingin ito sa akin."W-why? I... I thought you will go home tomorrow morning? Meron bang sinabing reason kung bakit hindi muna kayo uuwi ngayon?" Dire-diretsong tanong niya sa akin. Napatanga na lamang ako sa kaniya dahil maging ako naman ay hindi din ang alam at walang kaalam-alam kung bakit hindi pa kami uuwi. 

"H-hindi ko po alam." Tanging tugon ko sa kaniya. Napasinghap na lamang siya dahil alam niyang wala naman siyang makukuhang sagot pa sa akin bukod sa tinugon ko. 

"Oh godness! So, it means ibababa ko na naman ang kahon na ito?" Mas lalo siyang bumusangot sa akin. Pero kahit na busangot ang kaniyang mukha ay makikita parin ang taglay niyang kagandahan na kahit sinong mga lalaki ay talaga namang mahuhulog sa kaniya.

Ang maputi at makinis na balat na parang gatas. Ang kaniyang umaalon-alon na buhok na kulay lila, ang kilay na hindi gaano kakapal ngunit sakto na upang magtaray sa kung sino man ang kumalaban sa kaniya, mga pilikmatang mahahaba na mas lalong nakakadagdag sa kaniyang ganda, mga matang kulay abo, mga pisnging tila kakulay ng rosas na palaging yumayabong at nakakabighani sa tingkad at mga labing manipis at mapula na sing kulay ng dugo niyang maharlika. 

"Is something wrong with my face, my dear?" Takang tanong niya sa akin. Napatigil ako sa pagtitig sa kaniyang mukha at mabilis na umiling bilang aking tugon sa kaniyang katanungan. Nahiya ako kaya naman ay yumuko ako ng bahagya bago ibinuka ang aking mga bibig tsaka inayos ang aking salamin. 

"A-ang... a-ang ganda m-mo po kasi eh." Saad ko tsaka napakamot ng batok ng wala sa oras dahil sa hiya sa kaniya. 

Tila may dumaang anghel naman sa aming pagitan dahil sa biglaan na katahimikan ngunit makalipas ang ilang segundo ay binasag din niya ang katahimikan sa amin dahil sa malakas niyang pagtawa. 

"Oh god, Akie. You are so funny, my dear niece." Wika nito habang malakas parin ang pagtawa sa akin at kulang nalang ay hampasin niya ako kakatawa. 

Haluh! anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Tita? " 

"HAHAHAHAHAHA... Omy... HAHAHAHA.. I-i.. I am sorry... I-it's... It's just that I can't stop my self." Pagpapaumanhin nito sa akin. Naguluhan ako sa kaniyang malakas na pagtawa matapos ko siyang purihin tapos ngayon ay nagpapaumanhin naman siya. 

Tita, may tililing ka po ba? HEHEHE... 

"You know what, you are so funny at hindi maikakaila na isa ka talagang Emperial." Saad na naman niya sa akin habang panay parin ang kaniyang tawa. 

"But, don't worry. Our Family will always at your side. We will protect and care for you. Lalo na ako at kaisa-isa mong pinakamagandang Tita na gaya nga ng sinabi mo." Wika nito tsak tumayo at hinaplos-haplos ang aking buhok at inayos ang aking salamin sa mata. 

"I will be at your side. And no one will hurt you." Aniya tsaka ngumiti sa akin. Napangiti rin ako sa kaniyang sinabi at tila gumaan ang aking pakiramdam. "Trust Me!" Dagdag pa niya. 

"Trust Me!" 
"Trust Me!"

"Trust Me!"

"Trust Me!"

"Akie?" Nabalik ako sa ulirat ng biglang may tumawag sa aking pangalan. 

Lumingon ako sa kung saan iyon nagmula. "Is everything okay?" Sumalubong agad sa akin tila kulay asul na kalangitan mula sa mata ni Mama na may bahid ng pag-aalala. 

Ngumiti ako sa kaniya at marahan na umiling  upang iparating sa kanila na wala naman talagang problema sa akin. Sadyang hindi ko lang makalimutan ang sinabi ni Tita sa akin at tila naririnig ko parin ang tinig niya. 

"You sure?" Tanong uli ni Mama sa akin. 

"Ahh.. O-opo" Ngiting saad ko sa kaniya. Kita ko naman ang pagkapanatag niya ng nginitian ko siya. 

"Darling, everything is settled." Biglang sambit ni Papa na kadadating lang mula sa hindi ko alam kaya naman napatingin kaming dalawa ni Mama sa kaniya. 

"Okay." Tugon nito tsaka ibinaling ang tingin sa akin. 

"France is waiting you, Honey." Ngiting saad sa akin ni Mama tsak ako inalalayan na umakyat sa hagdanan upang sumakay sa eroplano na may nakatatak na SKYLINE CARGO...

"Yes, SKYLINE CARGO ay pagmamay-ari ng iyong pinsan na si Vandreyk Montero." Pagpapaliwanag nito sa akin. 

Napatango-tango na lamang ako sa kaniya ngunit doon parin sa puting eroplano ako nakatingin. Habang pa-akyat ako sa may hagdanan ay ramdam ko ang kakaibang saya. Saya na tila ngayon ko lang ito naranasan. Pero, ngayon ko lang ba talaga naranasan ito? 

Napabuntong-hininga na lamag akpo habang kasunod parin si Mama hanggang sa makarating na kami sa loob ngunit unang pagtapak ng aking mga paa ay tila umikot na ang buo kong sistema sa hindi ko malamang dahilan hanggang sa... 

"A-akie?" 

Tuluyan na ang kadiliman ang sumakop sa akin. 





My Possessive Cassanova BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon