Nagising ako sa mahinang katok na nagmumula sa may pintuan. Kumurap-kurap ako bago umupo at nag-inat. Tatlong mahinang katok ulit ang aking narinig at nasundan ito ng malambing na boses. "Akie? Are you awake?" Tinig ng isang babae ang aking narinig. M-mama?
Bago ako tumayo sa mula sa pagkakabangon ay nag-inat muna ako at inaayos ang aking sarili bago pumunta sa direksyon kung nasaan ang aking pintuan. Maingat ko itong binuksan ang bumungad sa akin ang maganda at may nakakahawang ngiti sa kaniyang manipis at mapulang labi.
"B-bakit po?" Tanong ko sa kaniya.
"Oh dear, you are still beautiful even when you just woke up." Saad niya sa akin na may mangha sa kaniyang maganda at perpektong mukha.
"Anyways, let's eat for dinner honey," Saad niya at ngumiti sa akin. "Your Dad- Papa is waiting us there." Dagdag niya pa.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Opo, mag-aayos lang po ako."
"Sige, we will wait you there honey," Saad niya at kumindat sa akin bago siya tumalikod saka naglakad paalis.
Maingat kong sinara ang aking pintuan at bumuntong-hininga. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Bakit nga ba nila ako kinuha at basta-basta na lamang na binigyan ng parte sa pamilyang ito? Ilan lamang iyan sa mga katanungan sa aking sarili na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan.
Napagdesisyunan kong maligo muna bago ako humarap sa kanila para naman maging presentable ang aking hitsura 'pag nandoon na ako. Habang pinapakiramdaman ang maligamgam na tubig na tila yumayapos sa aking balat ay hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Sitwasyon na wala akong kasiguraduhan kung aarangkada pa ba ako sa buhay na ito o hahayaan ko na lamang na ang tadhana ko ang magpapasya para sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim bago pinatay ang shower. Kumuha ako ng simpleng damit lamang sa tukador at sinuot ito. Sinuklay ang beach wave na buhok ko at sumisilip ang mga kaunting highlights dito. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng kung ano-ano sa aking mukha at inayos ko na lamang ang aking medyo may kalakihang salamin.
Habang pababa ako ng hagdan ay dinig na dinig ko ang tawanan na nagmumula sa baba. Maingat ang aking paglakad upang hindi ko sila maistorbo sa kanilang pagsasaya. Bagaman hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay sumalubong na agad sa aking ang biglaan nilang katahimikan tsaka lumingon sila sa akin.
Nagkatagpo ang mata namin ng isang babaeng hindi pamilyar sa akin. Mas lalo kong sinuri ang mala-artista niyang mukha at tila lahat yata ng parte at kahit sulok ng kaniyang mukha ay sinuri ko na at doon ko lang napagtanto na meron siyang kamukha na kilala ko at ngayon ay kaharap ko na.
"Magandang hapon po Papa, Mama..." Bati ko at yumuko ako tanda ng pagrespeto sa kanila. Iniangat ko ang aking tingin sa babaeng presenting naka-upo sa pang-isahang sopa habang nakadekwatro. Ngisi ang una kong napansin sa mapula niyang mala cupid-bow na labi.
Napalunok ako dahil sa kaniyang pagsuri sa akin. Ni hindi ko kayang titigan ng matagal dahil parang manga-ngain ng tao ang dating nito sa akin. Baka naman aswang sila?
Pasimple kong iniling ang aking ulo upang maalis ang mga kathang isip na wala namang kabuluhan.
"M-magandang hapon po ma—"
"Tita... Tita Calevarenia but I prefer you to call me as your Tita Enia," Saad niya tsaka tumayo at tumabi kay Papa at umakbay sa kaniya.
"I am your Daddy's youngest sister." Magiliw niyang sabi tsaka kumindat sa akin. Hindi nalalayo ang kanilang hitsura dahil sa mata palang nila na tila ginto at monolid na hugis ng mata. Matangos na ilong sa madaling salita ay perpektong pigura.
Hindi ko mapigilang mahawa sa kaniyang mga ngiti. Ngiti na tila wala siyang problemang pinagdadaanan. Ngiti na tila hindi niya alintana na Emperial ang dala niyang pangalan.
"Anyways, I'm so excited that you are back.. You are back into our clan, my dear nephew." Wika nito at yumakap sa akin. Tila napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa biglaan niyang aksyon.
Bumitaw siya sa akin tsaka humarap uli kila Papa. "Kuya, when are you coming back?" Tanong nito sa kanila.
"Maybe...." Ang tingin ni papa ay dumapo sa akin at ngumiti. "When she is ready." Dagdag niya pa tsaka pinatong ang kaniyang kamay sa balikat ni mama.
"Isn't it, honey?" Baling niya kay mama.
Tumango naman siya tsaka bumaling din sa akin. "Of course... We will give her time to cope up with all this commotion." Saad niya ngunit sa akin parin ang tingin. Ngumiti na lamang ako at yumuko dahil sa hindi malamang dahilan ay tila nahiya ako dahil sa kanilang sinabi.
"By the way, where is the papers khiro?" Pagbabaling niya ng tingin kay Papa.
"Ah, andito..." Mayroon siyang kinuha sa kaniyang briefcase na nakafolder. Medyo may kakapalan ngunit sapat naman na siguro ang limang oras para basahin ang ganung kakapal na papel sa may folder. Ano kaya iyon?
"Akie, this papers is for you." Saad ni Mama sa akin habang iniaabot sa akin ang folder. "Lahat ng iyan ay tungkol sa pagkatao mo. Lahat ng mga papel na iyan ay naglalaman ng mga details at information tungkol sa iyo. Pero sa pinaka-unang pahina ay iyon lamang ang pinaka-importante sa lahat. Iyon ang basahin mo at pagkatapos nun ay na sa iyo na kung pipirma ka o... o hindi." Mahabang lintaya niya. Bahagyang humina ang mga huli niyang sinambit. Ang pagtataka ko ay bakit ako pipirma doon.
"B-bakit po ako pipirma dito?" Tanong ko sa kanila.
"Ahh... Uhmm it's all about the info's... about your... uhmmm identity. Baka sakaling nakita mo iyang mga iyan ay maalala mo na lahat." Ngumiti ito sa akin ngunit ramdam at dama ko ang hindi ko maipaliwanag na emosyon na nakikita ko sa kaniyang mga mata.
"A-and there is one more thing..." halatang medyo naguguluhan siya kung sasabihin ba o hindi. "The first and second page.. uhmm don't mind it. I-it's just.. uhmm you need to sign it."
"But dear, my beautiful niece, we are not forcing you to sign it. Take your time time as what my brother said. Take your time to think about it." Dagdag ng nagpakilalang tita ko... daw
"Keep it... Hindi ka namin guguluhin sa pagdedesisyun mo." Sambit ni Papa.
Huminga ako ng malalim at ibinaling sa folder ang aking tingin. Mataman ko itong tinitigan na akala mo naman ay tatagos ang aking tingin sa folder at agad na masusuri kung ano ba ang laman ng folder na ito.
"Dear..." Para akong naestatwa ng biglang hawakan ni mama ang aking kamay. "ahmm... as we said we are not forcing you but—"
"Liesha?!"
"What?... I'm just saying that—"
"Don't force her darling," Saad ni Papa kay Mama kaya naman imbes na magsalita pa ay tumingin na lamang sa aking gawi at ngumiti sa akin. Ngiting may bahid ng lungkot sa kaniyang mga mata. "O-okay" Wika nito.
"I'm hungry.... Can we eat now?" Pagrereklamo ni Tita Enia.
Kahit din ako ay gutom na din. Hindi ko na din maitago dahil kusa itong nagparamdam sa akin. Tumunog ang aking tiyan kaya naman silang tatlo ay tumingin sa akin. Halos tumaas lahat ng dugo ko dahil sa kahihiyan. Yumuko na lamang ako at humngi ng pasensya. "Pasensya na po."
Natawa naman silang lahat kaya naman nagpagdesisyunan na lamang nila na magpunta kami sa silid kainan upang makakain na din ng pang-hapunan. Pero bago pa man ako makatungtong doon sa pintuan ay agad akong nagpaalam.
"Ahh... M-ma, Pa, Tita..." Lahat naman sila ay tumingin sa akin dahil nasa bandang hulihan ako. "Iaakyat ko lang po ito tsaka din po ako baba." Saad ko habang hawak-hawak parin ang folder kung saan kanina pa ako nangangating basahin kung ano nga ba iyon.
Ngumiti naman sila sa akin at sinenyasang pumunta na.
BINABASA MO ANG
My Possessive Cassanova BROTHER
RomanceA lady who has lost her memory. Losing her family is the most hectic that happened in her life. But there is a family that willing to accept her. She just wants to be loved. She just wants to be part of the family. A family that she never knows, the...