Third person POV!
Nagising siya dahil sa ingay na kaniyang naririnig mula sa kaniyang paligid. Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang puting kisame. Iginala niya ang kaniyang paningin upang malinawan kung nasaan ba siya. Nakita niya sa kaniyang kanan ang mga aparatus na nakakabit sa kung saan. Teka? saan ba nakakabit ang mga toh?.
Iyon lamang ang tanging katanungang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Tumingin siya sa kaniyang kaliwa at nakita niyang may nag-uusap na dalawang lalaki at isang babae. Iyong isang lalaki ay nakasuot ng Doctor na attire samantalang iyong isa naman ay parang pang-opisina habang nakayakap ang kaliwang bisig nito sa bewang nung babaeng naka-cascual ang suot.
Pinipilit niyang alalahanin kung sino ba Sila ngunit kabiguan lamang ang nangyari. Hindi niya sila mamukhaan lalo na at nakatalikod pa sila sa kaniya. Hanggang sa napagtanto niyang nasa ospital pala siya. At ang mga aparatung nakita niya kanina ay nakakabit pala sa kaniya.
Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari? Bakit may mga aparatung nakakabit sa akin? Iyan ang mga katanungan ko sa kaniyang sarili na nagpasakit ng kaniyang ulo. Pinilit niyang alalahanin ang mga pangyayari kung bakit at ano nga ba ang dahilan at kung bakit ba siya napadpad sa ospital na ito at ngayon ay nakaratay sa isa sa mga silid nito. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at inalala ang mga nangyari.
"Mmmm.." Sa halip na kasagutan ang kaniyang nakuha ay sakit ng ulo ang naging bunga.
"Aray!" Daing niya dahil parang nabibiyak ang ulo niya. Masakit.. Sobrang sakit. Napapikit na lamang siya ng mariin para kahit papaano'y maibsan ang sakit. Ramdam na din niya ang luhang handa ng lumandas mula sa kaniyang mga mata. Ay Doon nagkagulo na nga ang kaniyang paligid. Kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay at pinatong sa kaniyang ulo. Kulang na lamang ay sabunutan na niya ito para lang maibsan ang sakit na kaniyang nadarama ngayon.
Ngunit nakaramdam siya ng Isang haplos. Haplos na tila ba nagsasabing magiging okay ang lahat. Isang haplos sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang hinlalaki nito."Get the Sumatriptan Injection!" Sigaw ng kung sino sa kaniyang paligid.
Ano yun?
Iyon sana ang kaniyang itatanong ngunit hindi niya magawa sapagkat lumalaban ang sakit niyang iniinda.
"Shhh! Relax honey, you'll be alright." Isang mahinahon na tinig ang kaniyang narinig
Boses ito ng babae at ito siguro yung babaeng nakatalikod kanina na may nakayakap sa kaniyang lalaki. Hindi niya makita ang kaniyang mukha dahil medyo nanlalabo din ang kaniyang paningin.Nakaramdam din siya na tila may bahagyang humahaplos sa aking ulo ngunit nanatili parin ang kaniyang mga kamay dito. Hanggang sa hindi na niya nakayanan ang sakit nito kaya naman napasigaw siya ng 'Aray!' ng wala sa oras.
"Henry, do everything to make her fine," Dinig niyang turan ng isang lalaki ngunit hindi niya ito mawari kung kanino ito nanggaling.
Hanggang sa may naramdaman siyang matulis na bagay na bumaon sa kaniyang braso. Injection ata yun? Saad nito sa kaniyang sarili. Kasabay ng paghugot ng injection sa kaniyang braso ay siya namang pagkalma sa sakit ng kaniyang ulo. Hindi na ito masakit gaya kanina na para bang sasabog na ito at mas gusto niya pang iuntog na lamang sa pader dahil sa sakit na dulot nito. Ngunit wala pang ilang minuto ay tila antok naman ang dumayo sa kaniya.
"Everything will be fine, honey," Muling saad nung babae at hinalikan siya sa pisngi at siya namang pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata at unti-unting nilamon ng dilim ang kaniyang paligid.
Sino ba sila? Iyon na lamang ang huling turan niya bago siya tuluyang nakatulog.
Leisha POV!
BINABASA MO ANG
My Possessive Cassanova BROTHER
RomanceA lady who has lost her memory. Losing her family is the most hectic that happened in her life. But there is a family that willing to accept her. She just wants to be loved. She just wants to be part of the family. A family that she never knows, the...