Alas-dose na ng gabi ngunit mulat na mulat pa rin ang aking mata. Kahit na pakiramdam ko ay antok na antok na ngunit tila yung isip ko ay hindi pa rin sumasang-ayon sa kagustuhan ng aking katawan.Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin tsaka napag-pasyahang iwan na lamang ang folder sa may sulatan. At pabagsak na humiga sa aking kama at pilit na pinikit ang aking mata. Ngunit wala pang ilang segundo ay dinilat ko din ang aking mata.
"Anong gagawin ko?" Wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa puting kisame na may disenyong maliliit na bituin na siyang nagbibigay liwanag din sa aking silid na kahit nakapatay ang LEDER Foldable Induction LED High Bay Light o modernong ilaw dito sa aking silid ay maliwanag pa din.
Bumangon ako at halos sabunutan ko na ang aking buhok para lamang matanggal ang aking iniisip at gumugulo sa buhay ko ngayon.
"Kapag ba pipirma ako doon ay maibabalik ba talaga ako sa normal na buhay ko?" Hindi ko mapigilang mabahala dahil alam kong malaking responsibilidad ang pagiging isang Emperial kahit na sabihin pa natin na kabilang naman talaga noon ako sa kanila. Iyon ang sabi nila.
Ngunit sa kabilang banda ay hindi naman ikakaila na may maganda silang naidulot sa akin at saka bakit ako mangangamba kung dati ko naman na pala itong buhay. Bukod sa niligtas ako sa bingit ni kamatayan ay binigyan pa ako ng parte sa kanilang pamilya ng walang pag-aalinlangan. Hindi lang basta-basta ang parteng binigay sa akin kundi ang maging anak nila. Kaisa-isang anak na babae ng pangalawang Emperial na si Khiro Emperial na asawa ni Liesha Vien Madriaga Emperial.
Ngunit pagpirma pa lang ng papel ay hirap na akong gawin paano pa kaya kung nandoon na ako sa mismong sitwasyon kung saan ay opisyal na akong parte ng pamilyang Emperial. Hindi maaring basta-basta ko na lamang isawalang bahala ang mga ganitong bagay. Lalo na at ang hinaharap ko ang nakasalalay dito. Kaya naman kaunting galaw at pagkakamali ko lang ay wala na. Hindi ko na alam kung ganoon ang mangyayari sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang aking ginawa at napag-pasyahang umupo sa gilid ng kama at tumunganga muna bago ulit tingnan ang papel na naka-usli sa folder. Tinitigan ko muna ito tsaka umiling. Hindi na ako nag-atubili pa at kinuha uli iyon sa lamesang sulatan. Unti-unti ko itong binuklat at isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga papel na nasa loob ng folder.
Tama nga sila mga iba't-ibang uri ng mga dokomento patungkol sa aking sarili ang laman nito. Gaya na lamang ng Birth Certificate, Social Security Cards, Identifying Documents at marami pang iba. Ngunit hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin sapagkat ang mas tinutukan ko ay iyong dokumento na maraming sinasabi. Dokumentong hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Dokumento ng kasunduan na siya nga bang tulay para sa maganda kong hinaharap? o dokumento ng kasunduan na sisira din sa akin kapag nagkamali ako ng desisyon.
"Ang hirap naman." Wala na akong ibang masabi kundi iyon na lamang. Mga katagang hindi ko mapigilan at kusa na lamang na lumalabas sa aking bibig.
Naka-ilang buntong hininga na ako ngunit wala pa rin akong nagiging pasya sa ngayon. Ngunit naalala ko ang sinabi sa akin ni Tita Enia...
*Flashback
"Enia, how's the company?" Mahinahong tanong ni Papa habang maingat din ang pagnguya ng pagkain sa kaniyang bibig.
Uminom muna ng tubig si Tita Enia at nagpunas ng labi gamit ang serbilyeta o iyong tinatawag na table napkin sa ingles. "It's good. The company is well manage especially led by Caleb." Turan nito at tumango naman si Papa.
"How about ours?"
"Is that still being asked?" Pabalik na tanong nito sa kaniya. "We all know he won't let the company fail, right? So don't ask me kuya kung okay ba iyong kumpanya niyo." Dagdag nito na tila proud na proud siya sa kaniyang mga sinabi."They are now grown up hon," Biglang nagsalita si Mama habang nagpupunas ng kaniyang labi. "And one more thing, Enia is right, he won't let the company fall because he values what we worked for. He already knows what he should do if he ever ends up in such a situation." Dagdag nito tsaka inayos ang kaniyang kubyertos sa kaniyang plato.
Bagaman hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila at hindi ko kilala kung sino-sino yung mga taong binabanggit nila ay nanatili na lamang ako sa pakikinig habang maingat sa pagkain upang hindi ako makaabala dahil alam kong seryoso itong usapan para sa kanila.
"Kyle is an EMPERIAL, not just ONLY an Emperial." Saad ni Tita Enia na nagpa-angat sa akin ng tingin at sa hindi malamang dahilan ay sa akin nakapako ang mata niyang nagiging kulay ginto lalo na kapag tinatamaan ng sikat ng araw ang mga ito.
"He is the view." Dagdag niya pa ngunit sa ibang direksiyon na siya tumingin pero alam ko na ang salitang kaniyang binitawan ay para sa akin. Ngunit hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating at kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya.
O baka naman ilusyon ko lamang iyon?
Napa-iling na lamang ako sa aking mga pinag-iisip. Wala naman akong kasiguraduhan kung sa akin ba binabato ni Tita Enia ang kaniyang mga sinasabi.
"Akie? Are you okay?" Tila nabalik Ako sa reyalidad ng bigla nila akong tawagin. Napatingin ako sa aking harapan dahil si Mama pala ang tumawag sa akin.
"P-po? O-okay lang po ako." Tugon ko. Ngunit hindi parin mawawala ang pag-aalala sa kaniyang mga berdeng mata.
"Anyways, have you decided yet?" Pang-aagaw ng atensyon ni Tita Enia sa akin.
"Enia? Don't force her." Maawtoridad na saad ni Papa. Nanahimik naman si Tita Enia dahil sa maawtoridad na pagsalita ni Papa.
"I'm sorry Akie, it's just... I'm excited to be one of us.... again."
"Okay lang po Tita. Pero pasensya na po dahil hindi ko pa iyon nababasa." Wika ko at yumuko na lamang.
"It's okay dear... We will give a time to make your decision." Sagot naman ni Mama sa akin tsaka tumayo at pumunta sa akin. Tumabi siya sa akin sapagkat bakante naman ang upuan sa aking tabi.
"We will not force you." Dagdag pa nito tsaka niya ako yinakap. Napa-igtad ako dahil sa biglaan niyang aksyon ngunit kalaunan ay gumanti din ako sa kaniya ng yakap. Hindi nagtagal ay bumitaw din siya mula sa pagkakayakap sa akin at tingnan ako tsaka ngumiti.
"Akie, dealing this kind of decision is hard especially for you. But, I assure you that Emperial Clan will keep you... As we kept you before. No one will harm you... Again. No one will hurt you. Emperial Clan will always be with you."
End of Flashback
Napagod na din ata ang utak ko kaiisip kung ano nga ba ang magiging disisyon ko sa araw na ito. Pero gaya nga ng sabi nila kanina ay hindi naman ako pwersahang pinapapirma dito sa kasunduan ngunit sa hindi malamang dahilan ay parang hindi ata matatahimik ang kaluluwa ko hangga't hindi ko ito napipirmahan.
Bumuga uli ako ng hangin at kinusot-kusot ang aking mata bago kinuha ang ballpen sa aking tabi. "Sana, sana maging maayos ang lahat. Sana kapag opisyal na ako ay tahimik ang magiging kalalabasan nito sa buhay ko." Tugon ko hanggang sa unti-unti na akong nilalamon ng dilim kasabay ng dahan-dahang pagbagsak ng aking ulo sa lamesa.
Opisyal na ba talaga akong Emperial... ulit?
BINABASA MO ANG
My Possessive Cassanova BROTHER
RomanceA lady who has lost her memory. Losing her family is the most hectic that happened in her life. But there is a family that willing to accept her. She just wants to be loved. She just wants to be part of the family. A family that she never knows, the...