CHAPTER 1:

12 2 1
                                    

Love

Suot ko ang uniform ko unang araw ng high school kabado ako dahil medyo malaking paaralan ang napili ni Nanay para saakin. Sfhs may service akong tricycle bitbit ni Nanay ang bag ko habang papalabas kami puro eskinita kaya ihahatid niya ako. Alas singko y media ng umaga at medyo madilim dahil dikit dikit at masikip ang bawat eskinita saamin.

Medyo mabigat ang bag ko kaya sinabi ni Tatay na kailangan ihatid ako ni Nanay. Minsan si kuya Cayden ang naghahatid saakin noong Grade six sana hanggang ngayon.

Nang makasakay medyo punuan sa service kaya mainit nagpaalam lamang ako kay Nanay na panay ang bilin na 'wag sasakay ng jeep.

Halos kinse minutos ang ginugol papunta sa Sfhs shortcut ang ruta namin dahil tricycle naman nakakasingit sa mga maliliit na daan. May dadaanan kaming bakal na tulay kaya nanibago ako malapit lamang kasi ang school ko noong elementary.

Pagkarating ko sa gate ay nanginginig ako dahil noon kasama si Nanay tuwing first day ng klase ngayon ako lang mag-isa.

Dahil hindi talaga ako magaling sa direksyon at mga lugar kahit na nakapunta na ako rito noong enrollment namin ay nalilito pa rin ako. Para akong naliligaw na bata lahat ay may kasama at kausap samantala ako natatakot na.

Noong makaakyat ako sa pamilyar na building ay inikot ko rin ang buong gusali sa pinakatuktok at pati ang kadugtong na gusali lahat sila nakatingin saakin malamang ay dahil mukha na akong iiyak.

Nang mapadaan sa isang kwarto at nakita ko ang mukha ng mga kaklase ko na nakilala ko dalawang linggo bago ang klase ay doon ako pumasok.

Naghihintay na kami ng first teacher namin ng dumating ang isang lalaki may katangkaran at may itsura ito lahat halos ng babae ay nag bulungan ako ay tahimik lamang nakamasid sakaniya sa bintana ako pumwesto dahil ito nalang ang bakante na wala akong gaano katabi. Nagulat ako ng maupo sa harapan ko ang lalaki may moreno itong balat at clean cut ang gupit.

Napatikhim ako ng bahagya siya lumingon at tumingin sa pwesto ko. Nakatali ang buhok ko at naka uniform na may Green patch.

Nag-umpisa ang klase at medyo terror ang English teacher namin nakakatakot siya nanginginig ako habang tinitignan niya ako kanina habang nag papakilala kami.

Math na next sub namin at siya ang adviser namin maputi at naka salamin si Ma'am Nico.

"Okay Class intoduce yourself mag start sa mga nasa gilid. Name, Age, Hobby and what do you expect in my class" Kami ang itinuro niya ang lalaking nasa harap ang unang mag papakilala.

"Zaugustus Ezekiel Gabrielle, 13 years old. I like reading and I'm expecting to learn." He's Thirteen?! Why he sounds older?  This is the first time that I fell in love in someone's name...

"Ciane Yvaine Caro, 12 years old. I like writing and I'm expecting to excel." Kabadong sambit ko.

Natapos ang buong araw na puro pagpapakilala pero kataka-taka na iisang pangalan lamang ang naaalala ko...

Napangiwi ako ng maalala ang unang beses ko na marinig ang pangalan niya. Simula noon paulit-ulit ko iyong binabanggit na parang nakasalalay roon ang buhay ko. Maayos ang naging takbo ng Grade seven ko. Nakilala ko si James at Raela ang Gay friend ko. Nag-uusap din kami ni Zaug simula noong pinagtabi kami ng teacher namin sa Ap. Madalas siyang naka harap saakin kahit na nag kaklase nakita ng Teacher namin sa Ap na active siya tuwing ako ang Katabi kaya simula 1st hanggang 3rd grading ay ako lamang ang katabi niya. Madalas kaming magtawanan kapag nagsasagot kami pataasan ng chips na makukuha kada recite namin. Madalas siya ang nangunguna dahil pati sagot ko siya ang nagrerecite.

This world (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon