CHAPTER 3:

10 1 0
                                    

On my own

It did kill me to see him gone not by sight but by heart.

Pagkabihis ko ng uniform ay pinagmasdan ko ang sarili bago tumango. Hindi ko makita ang emosyon that's good. Nang makasakat sa Tricycle ay lagi akong sa loob gumilid ako ng may sasakay din pero agad natulos ng maamoy ang pamilyar na amoy na iyon si Zaug. Hindi ko na tinignan dahil natatakot ako, nagscroll ako sa phone ko na parang may patutunguhan kahit na ang totoo ay wala akong maayos na nagawa.

Mahigpit ang kapit ko sa bag ko na nasa kanlungan ko. Humilig pa ako sa likod dahil medyo masikip hindi naman siguro lilingon 'tong si Zaug. Kaya ibinaba ko ang cap na suot ko at napamura ng maaalala na cap niya 'to!!

Nang huminto sa tapat ng gate ay bumaba siya at wala akong choice kung hindi bumaba rin pagkababa ay inayos ko ang Cap ko pababa akmang bubuksan ko ang wallet ko ng humarurot paalis ang tricycle-- napatingin ako kay Zaug bored itong tumingin saakin at ngumis.

"Bayad na." Bulong niya ng makalagpas siya saakin. Ilang ulit pa akong kumurap bago nagmamadaling pumasok.

Sa court ako dumaan para makapunta sa Dao nasa Pagcor ang room ko second floor first room kaya nadadaanan ni Zaug. Nasa second floor siya at katabi rin ng hagdan.

Naupo ako sa tabi ng pinto roon ang upuan ko. First sub namin Homeroom bago Fil at Mathematics.

Matapos ng tatlong subject ay recess na.

"Ate Gurl!! Tara kain na!!" Sigaw ni Raela galing sila sa taas fourth floor room nila kaya ngumiti ako at tumayo na dala ko phone ko at wallet.

Masikip ang hagdan dito sa pagcor kaya one way lang ang aakyat at bababa pababa na sana kami nila James ng bigla nalang may humarang saamin tatlong lalaki-- kumunot ang noo ko ng mag abot sila ng piraso ng papel at agad ding tumakbo.

It's not what it's look like..

  -    _  _  .

Itinago ko ang sulat at nagpatuloy sa lakad. Canteen 1 kami kakain nila James.

"Ano sa'yo 'te Gurl?" Si Raela habang inaayos ang Cap ko. Ngumisi ako at inabot sakaniya ang pera.

"Kami na bibili roon kana sa Gazebo gurl." Si James na nakangiti.

"Fries tsaka tubig lang." Simpleng sagot ko.

"Diet ka? Ang payat mo na Yvaine kain kain din!!" Sigaw ni Raela pero tumawa lang ako at tinulak sila. Pumasok ako sa Gazebo at doon umupo pinagmamasdan ko ang mga tao. May nagsasayaw sa court at tanaw ko rin ang mga magkasintahan na nagtatawanan sa gilid at harap ng canteen.

Matapos bumili ay agad na umupo si James at Raela sa Harap ko. Nagsimula kaming kumain tawa ng tawa ang dalawa samantalang nakikinig lamang ako. Kumukuha rin sa pinya na binili ni Raela at shake ni James. Libre 'to kapag nagdadaldal sila hindi kasi nila napapansin.

Matapos ng klase ay umuwi ako, tinapos ko lahat ng essay at research na kailangan gawin bago humiga sa kama yakap ang unan ko.

Ito 'yung safe place ko pero it doesn't feel home anymore. Tuwing naiisip ko na sana kasama ko nalang si Mama at Papa. Pero ayokong maging selfish. Napaiyak ako ng maalala.

Four years old ako ng umalis si Mama at anim na taon ang lumipas ng hindi siya umuuwi. Sa pagitan ng taon na iyon mukha niya nalang ang naaalala ko.

This world (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon