No Label
Kakatapos ko lang mag-luto ng pumunta si Zaug kasama si France sa bahay kung saan nakaburol si Tatay hindi ko alam kung anong trip niya para dalhin ang babae niya rito kaya nag paalam akong aakyat na sa taas. Ayoko ng problema ayoko pang-apat na araw na ni Tatay at sa linggo ay ililibing na siya hindi pa ako handa.
Ayoko pa gusto ko pang sabihin na saglit lang na sana pwede kahit unting araw pa. Pero sadyang madamot ang mundo saakin. Natulog ako sa kwarto para iwasan si Zaug. Wala itong paramdam noong mga nakaraang buwan tapos pupunta kasama ang babae niya? Anong kalokohan iyon?!
Imbis na mahimbing ay larawan ni Zaugustus at France ang nakikita ko. Nagising akong tulala at hindi malaman kung tutuloy pa ba o pahinga muna kahit saglit lang?
Bumaba ako galing si Zaugustus sa kusina kaya ng magkasalubong kami ay nagkunwari lamang akong wala siya. Bitbit niya ang meryenda nila ni France kaya hindi na ako nag abala na sumulyap sa pwesto nila.
Nasa tapat lamang ako ng kabaong ni Tatay habang iniisip kung ano na ang mangyayari saakin. Nasa gilid si Zaug at France nag bubulungan at nagbubungisngisan. Wala naman talaga akong dapat na ireklamo dahil hindi ko nga alam kung ano ako ni Zaug.
Pero kasi hindi ba totoo 'yung pag-aalala niya noon, 'yung pagsasabi niyang handa siyang iahon ako sa lungkot.. Alam kong mali iasa sa iba 'yung ganitong bagay pero wala ba talagang handang manatili sa tabi ko?
Umiiyak ako habang nakatingin sa litrato ni Tatay. He is the one who taught me respect and my wisdom he is the one who make me feel enough but this person also make me feel unwanted and he also physically hit me for every wrong I did. He seldom kicked me when he's tired cleaning and I'm just playing alone in our sala, he sometimes hit me when I did something wrong or break something, but nevertheless of the pain and bad memories He is the best man for me.
"Ang galing naman ni Yvaine oh Perfect attendance!" Masayang sambit niya tinitignan ang certificate na parang ginto ito. Masaya akong ngumiti sa lahat ng hawak kong certificate ngayon siya lamang ang pumuna ng Perfect attendance ko...
"Tay Top 1 din ako!! Tignan mo oh!!" Masaya kong ibinigay ang medal at Certificate masaya siyang tumawa.
"Ang galing ng apo ko oh" masayang bigkas niya habang pinapakita kay Nanay ang medal ko.
"Oh pera kawawa ka naman at wala kang handa sa Birthday mo." Sambit niya isang Araw mag hahating gabi na sabi ni Mama kahapon ay mag papadala siya ng pera panghanda ko pero hindi natuloy. Inabot ni Tatay ang isang libo, Imbis na sumaya lalo akong nalungkot si Tatay handang ibigay lahat makita lamang akong ngumiti si Papa at Mama kaya?
"Yvaine penge naman ako ng niluluto mo." Sambit ni Tatay mahilig si Tatay humingi ng pagkain kahit na pera niya ang pinambibili namin ng mga ito. Nagluluto ako ng empanada pero hotdog at cheese ang palaman palpak iyon sa pagkakaalala ko pero sarap na sarap si Tatay. Kinain niya kahit na medyo hilaw ang loob nito paborito niya rin ang hotcake na niluluto ko.
"Yvaine kumain kana." May sakit ako ng araw na iyon at si Tatay ang nagsusubo saakin ng pagkain.
"Yvaine mag iingat ka." Ito ang laging sambit ni Tatay kapag papasok o aalis ako ng bahay.
"Yvaine May Ice cream pa ba sa ref? Penge naman ako." Mahilig si Tatay sa matatamis kaya minsan nagluluto ako ng request niya.
"Yvaine!! Bili ka ng pagkain na gusto mo." Lagi akong binibigyan ni Tatay ng gatas sa umaga at meryenda sa tanghali.
Sa lahat ng tao sa mundo si Tatay lamang ang gumagawa nito kaya paano nalang ngayong wala na siya? Sino na ang magsasabi saakin na magaling ako? Na may nagawa akong maganda? Sino nang sasaya sa mga nakakamit ko? Sino nalang?
BINABASA MO ANG
This world (Completed)
Novela JuvenilThis world is my biggest nightmare, I stand alone in this society and I thought no one can save me anymore. But he came, he became the best thing I never haved and he is my worst memory that I want to repeat. "Sinabi mo saakin na iaahon mo ako!! si...