Pangatlo
Clue?
"Goodmorning Ms. Lopez. Mukhang nag overtime ka ah." Sabi ng isang pulis na naka duty ngayon.
I'm dead. Natapos ko ang dapat matapos. Ang mga kailangan naman ipasa sa U.S ay naipasa ko na kahit na pwede naman ipasa next month.
"Hoy, huwag ka matulog dito." Tangina istorbo talaga 'tong Nicholas na 'to.
"Kaya wala kang asawa kasi ganyan ka." Dagdag pa niya.
Ulol.
Masama ang loob akong tumayo at tinignan siya ng masama "Alam mo Nicholas , ang epal epal mo sa buhay ko. Makauwi na nga."
Tumawa siya ng malakas kaya ang ibang kasamahan niya ay napatingin sa pwesto naming "Pasensya ka na ha? May asawa't anak na kasi ako, ikaw wala." Sabi niya at tumawa ulit.
Tangina, siraulo.
Nag make face ako bago ko siya binatukan. Agad akong lumabas at hinanap kung saan nakapark ang sasakyan ko.
Pagdating sa bahay ay dumeretsyo ako sa kwarto at agad na nakatulog.
FEBRUARY 22, 2020
10:57 PM
"Aileen, sigurado ka bang kaya mo na umuwi?" Tanong ng isang babae na nag ngangalang Soleen.
"Ate Soleen, hindi ko naman siguro kailangan ng PA kapag uuwi diba? Tsaka sa house ako uuwi hindi sa condo." Sabi naman ng dalaga na si Aileen.
Soleen sighed and just nod. Hinayaan na niya ang alaga dahil sigurado siyang hindi siya mapapahamak dahil maingat itong mag drive.
"Tinawagan ko ang bodyguards mo. Maya-maya ay nakasunod na sila sayo." Dagdag ni Soleen.
Ngumiti naman sakaniya si Aileen at hinalikan ang pisngi ni Soleen.
"Thanks Ate. You're the best talaga."
Ang pag-alis ni Aileen sa kaniyang trabaho para umuwi sakanila ay isang normal na gawain lang ng isang modelo para kay Soleen at sa iba pang katrabaho nito. Ngunit para kay Aileen, ang pag uwi niya ngayon ay hindi normal para sa kaniya.
11:32 PM
"Hello this Aileen Dela Cruz..."
[...]
"...please kill me now."
FEBRUARY 23, 2020
06:40 AM
~Isang babae natagpuang patay matapos umanong saksakin at lasunin sa sariling sasakyan. Ang mga ibang gamit nito ay kumpleto ngunit ang cellphone daw ay nawawala. Ang nakitang pangalan ng babae sa kanyang ID ay Aileen Dela Cruz, isang modelo sa kilalang model agency sa bansa. Ayon sa nasagap na impormasyon ay wala daw umanong kalaitan ang babae at maayos ang pakikitungo sa katrabaho kahit sa kanyang PA. Tanong ng mga kababayan, bakit pinatay si Aileen Dela Cruz?~
"Nicholas! Tawagan mo si detective, report kaming nakuha na may nakakita ng cellphone sa tabi ng dagat."
Takang napatingin si Nicholas sa kaniyang kasama "Ano ngayon?"
Nagtataka din ang tingin ng kaniyang kasama sa kaniya, na para bang sinasabi na 'nabobo ka na ba?'
"Sa case 'to ni Aileen Dela Cruz."
"Akala ko ba hindi na papakialaman sa kaniya?" Tanong ni Nicholas
Napailing ang kasama "Sinabi lang daw 'yan nung matanda kasi takot sa media. Alam mo naman na halos mayayamang tao ang namamatay ngayon."
Umayos ng upo si Nicholas at kinuha ang file ni Aileen Dela Cruz na nakatago sa kanyang drawer.
"Sino nagsabi sa'yo niyan?" Tanong niya habang tinitignan ang papel.
"Si Detective Lopez."
Si Ariza? May impormasyon na ba kaagad siya?
"Sige. Tatawagan ko muna siya. Bumalik ka na sa pwesto mo."
Sabi niya. Tumango lamang ang kasama at agad na bumalik sa kaniyang pwesto. Si Nicholas ay napasandal sa kaniyang inuupuan.
Kakadating lang ni Ariza pero may nakuha na kaagad siyang impormasyon patungkol sa kaso last year? Bakit kay Aileen Dela Cruz lang na kaso? May alam ba siya na dapat naming malaman? Malalaman na ba namin kung bakit namatay ang unica hija ng mga Dela Cruz?
Madaming tanong ang nasa isip ni Nicholas pero ayaw niyang pagdudahan si Ariza. Inalis niya sa isipan ang pagdududa kay Ariza dahil ginagawa niya lang din naman ang kaniyang trabaho. Naisip niya na kung ang sarili niya ang killer ay hindi ito lalapit o magtatrabaho man lang sa polisya.
Napabuntong-hininga siya sa naisip.
Ibinaba niya ang papel na hawak at kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa. Agad niyang hinanap ang contact ni Ariza at tinawagan.
Wala pang limang minute ay nasagot na ito ni Ariza.
[Hello?]
Halata sa boses nito ang pagod dahil siguro ay wala pa siya nakakatulog ng maayos.
"Bumalik ka dito." Agaran niyang sabi
[Huh? Bakit?]
"May nakakita sa cellphone ni Aileen Dela Cruz."
Ilang Segundo nagging tahimik sa kabilang linya pero agad ding sumagot si Ariza.
[Mag-aayos lang ako. Send the location, I'll be there at 20.]
![](https://img.wattpad.com/cover/274790877-288-k697395.jpg)
YOU ARE READING
Who's The Killer?
Mister / ThrillerAriza Lopez is a detective in U.S. Her team is currently hunting a serial killer that killing just some rich people not just in U.S but also in another countries. But what if, they knew who's the killer? What if, someone really knew who's that is? W...