Chapter 14: Feeler?

106 4 0
                                    

Maxine's POV

Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko kung pano niya nalaman na na-holdap ako.

"Finish your food fast, I still have things to do in school." sabi ni monster este Jeremy.

"Okay...." sabi ko habang sumusubo ng sinangag.

"Umm, pwede magtanong?" Sabi ko

"What is it?" sabi niya ng biglang kumunot noo niya na parang nainis.

"Paano mo nalaman na na-holdap ako?"

"Somebody texted me." sabi niya na parang cool na cool.

"Sino?" tanong ko

"I don't know, at first I didn't believed it was true then I turned on the T.V. and on the breaking news turns out to be a girl jumping off a jeepney." sabi niyang naka-smirk

"Ah-hehe, thank you sa concern ha!" sabi ko (insert malanding voice ^_^)

"Tsss, I'm not concern to you. I'm concern about your job. What if you die there? who's gonna do the house chores?" boom panes! nadurog ako dun ah! Huhuhu

"And one more thing, Wag kang feeler."

"Grabe ka naman sir! minsan ka nalang mag-tagalog ang panget pa ng sinabi mo!" oo sinabi ko talaga sa kanya yun! ang sakit kaya!

"Not my fault." grrrrrrr! nakakainis na ah!

*************

Nauna na pumasok si Monster kaya dito muna ako sa canteen para mag-antay sa next class ko.

"Maxine." may bumulong sa likod ko.

"Oh Jassy! buti nalang nandito ka chika tayo!" sabi ko ng hinila ko yung upuan.

"Bakit ganyan mukha mo? mukha kang nalugi." sabi ko ng tinanggal ko yung salamin niya.

"Lumalaki na din yang eyebugs mo oh! papangit ka niyan! aral ka kasi ng aral." sabi ko

"May problema ako......" sabi niya

"Ano yun?" tanong ko na curious na curious.

"Umamin sa akin si Cameron." sabi niya habang tumingin sa paligid.

"Wow! congrats! may love life ka na teh!"

"Hindi ganun Maxy! ayaw ko masira ang pag-aaral ko nang dahil sa kanya."

"Sus! Edi pagsabayin mo keri mo naman eh!"

"Hindi pwede, ayaw kong magmahal natatakot ako. " sabi niya

"OA mo teh ah! umamin lang naman sayo eh feeling mo nililigawan ka na niya! Haha!" sabi ko eh totoo naman ah masyado niya iniisip yung mga love story sa T.V.

"Oonga noh? Pero paano kung mangyari yun?"

"Edi it's up to you kung sasagutin mo o hindi sa dulo naman nasayo pa din yung desisyon." sabi ko

"Pano pag no choice?" tanong niya.

"No choice is still a choice it means you chose to not choose at all." sabi ko.

"Galing mo naman Maxy! san mo natutunan yun ah?" sabi niya habang pinisil niya yung pisngi ko.

"Wala yun noh! gawa gawa ko lang yun."

"Naaaaaks! pa-quote quote ka pang nalalaman ah!"

*Ring*

"Bell na! sige Jassy pasok na ako ah!" sabi ko

"Uy! sabay na tayo!" sabi niya nang hinahabol ako.

***********

Jasmine's POV

"Good afternoon prof!" sabi ni tubig na lagi namang late

"And what is your excuse this time Mr. Rivers?" tanong ni prof.

"Umm im sorry?" sabi niya na nagpapacute.

"Kalandian." bulong ko habang nagsusulat.

"Fine, take a seat." sabi ni prof. nang bumuntong hininga.

"Psssst! Jasmine!" tawag niya

"Ano?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Hi!"

"Tsss." sabi ko at pinagpatuloy ang pag-copy ng notes.

"Jasmine." may bumulong sa gilid ko.

Nagulat ako kasi bigla nalang siya ang naging katabi ko.

"Bat ka andyan?" tanong ko

"Nakipagpalit ako para makausap kita." sabi niya

Tssss! nakakarami na 'tong tubig na 'to ah!

"Ma'am lumilipat po oh!" sabi ko sa prof. namin

"Mr. Rivers!" biglang tumaas yung boses ni prof.

"Prof, 'di ko po makita eh!" sabi niya ng tumaas yung boses niya haha! nagulat din siguro!

"Are you shouting at me?!!!" sabi ni prof.

Buuuuuuuurn!!!!

"No, what I meant to say was I can't see what's written on the board that's why I transferred here." yabang nitong tubig ah!

"Fine, that will be your permanent seat if that's the case." sabi ni prof.

"No!" napsigaw ako sa sinabi niya.

"Any problem Ms. Santiago?" kinilayan din niya ako.

"No ma'am I'm sorry." sabi ko

"Okay." sabi ni prof.

"So seatmate, galit ka pa din ba?" agad agad niyang tanong habang tumalikod si prof.

"Hindi ako galit." sabi ko tapos nagsmile

"Cool! pwede ka ba sa saturday?" tanong niya.

*dugdug* *dugdug*

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ewan ko ba kung bakit sa mga ganitong sitwaston lagi nag-kokontra ang puso at isip.

"May gagawin pa akong schoolwork eh sorry." sabi ko nang hindi pa din siya tinitignan.

"It's okay, I could wait." sabi niya at nagsimula na din kumopya ng notes.

Bumibilis na naman yung heartbeat ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko eh! Bwisit na tubig na yan!

Note:
Hi guys! sorry talaga na matagal ako mag-update ah sobrang busy kasi ako sa school eh xD

The Casanova's Stalker {On-Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon