*****"Ha!"
Hindi ko mapigilang magbuga nang malakas na paghinga matapos kong asintahin ang huling manika na gumagalaw gamit lamang ang lupang hinugis ko bilang isang patalim habang gumagawa rin ng isang malaking pangsangga sa tulong ng mga bato at lupa.
Sa loob ng anim na taon kong pag eensayo, kahit ang galawin ang mga puno at bundok ay magagawa ko na sa labis na pag unlad ng aking abilidad. Kaya ko na ring gumawa ng mga lindol ngunit ito'y may limitasyon. I can only make quakes within the range of my eyesight.
I can say that I improved a lot.
"Tubig," sambit ng aking ama habang inaabutan ako ng isang bao ng tubig. Agad ko rin naman itong tinanggap.
"Thank you," I mumbled before sitting down beside him.
"Kumpara noon, malaki na ang nagbago sa abilidad mo... Labis ka nang lumakas, Venus."
Napatingin ako sa kaniyang gawi nang sabihin niya iyon. Mayroong ngiting nakapaskil sa kaniyang labi na tila ba siya ay humahanga sa akin.
"Yeah..." pabulong kong ani.
Bumuntong hininga lamang naman siya bago dahan dahang tumayo mula sa inuupuan naming duyan sa ilalim ng puno. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa talikuran niya na ako, marahil ay pupunta na sa iba pa naming mga kasama.
Narito kasi kami ngayon sa isang malawak na parang, malapit lamang ito sa tinitirhan namin ngayon, sapagkat kinakailangan kong mag ensayo. Para sa aking plano dahil malapit ko na itong maisakatuparan. At alam kong iyon din ang nais ng karamihan sa amin.
Maraming nawala sa aming mga mamamayan, maraming nasawi, maraming magdalamhati, at maraming nakaramdam ng poot, ngunit sa kabila nito kami ay bumangon muli. Nagtayo kami ng mga kabahayan na maaaring tirhan ng bawat pamilya. Maaari na itong tawaging maliit na nayon.
"Sana lamang ay hindi mo ito gamitin sa kasakiman." Pahabol niyang sambit bago tuluyang makalayo.
My forehead creased because of what he said before heaving a deep sigh. Anong ibig sabihin niyang kasakiman? Of course I won't use it to the people who don't deserve it. I will never hurt innocent people.
Ilang minuto pa akong nanatili sa malawak na parang na ito bago nagpasyang bumalik na sa aming mumunting nayon. Malapit na ring lumubog ang araw kaya nakasisiguro akong nagluluto na sila para sa aming hapunan.
Ang pagkain na nabili namin ng aking kapatid gamit ang mga ninakaw naming salapi ang kanilang niluto, batid ko. Ganoon naman ang aming kagawian, kami ang ang maghahanap ng makakakain habang sila ang magluluto ng mga ito.
"Oh, ayan na pala si Venus!" Malakas na wika ni Elanor habang naghihiwa ng mga rekado nang mapansing papalapit na ako. Napalingon din sila Haleth at Fanthom sa aking gawi habang naghuhugas ng mga gulay na ipangsasahog sa iluluto ng kanilang mga ina.
"Galing ka na naman sa ensayo?" Mahinhing tanong ni Haleth habang naghuhugas gamit ang mga tubig na inigib ng mga lalaki kahapon. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang si Elanor at Fanthom naman ay nakatayo lamang.
"Ano pa bang bago? Halos gawin niya na ngang asawa ang kaniyang espada, e..." Natatawang sagot naman ni Fanthom, itinuturo ang espadang nasa balakang ko, dahilan para tumawa ng malakas si Elanor habang si Haleth naman ay ngumiti lamang.
Tiningnan ko ang aking espada na ibinigay pa sa akin ng aking ama at hinawakan ito.
Ayon sa kaniya, ang gumawa raw ng espadang ito ay si Apo Elladan upang magamit ng aking ina noong kabataan nila at naglalakbay pa. Originally, this was my mother's sword, although eventually she just kept it hidden since she discovered that she's more comfortable using bow and arrows.
BINABASA MO ANG
Alpas
DobrodružnéFrom the vast land of Pretania---where pain, grief, and anger reside---five people ended up finding each other for one reason. ********** In a country where humanity is forced to follow this so called Ministers, Venus vowed to wreak vengeance after...