SMTASMP 6: Holding Hands

120 3 0
                                    

Chapter 6

Sofia's POV

"Wait papa Dy, I-check ko muna kung may teacher na ba tayo sa loob" paalam ni beks

Binitawan na nya si dylan na kanina pa niya hawak-hawak sa braso. Sa totoo lang kanina pa ako nalalandi sa baklang 'to (--__--++) makakapit kasi wagas!

"Pst.. kaw muna bahala kay papa Dylan ah?!" bilin nya sa akin

Ini-smirked ko lang siya. Aba!? Anong akala niya sa akin? Yaya?! Akala mo naman mawawala sa paningin nya, iposas ko pa sya sa kanya eh

Ngumiti si beks sa amin bago sya umalis at naiwan na nga kami ni dylan dito sa hallway. Sana lang talaga wala pa yung teacher namin sa loob kasi sobrang late na talaga kaming tatlo

Hindi ko maiwasang mapakamot ng ulo. Ganito kasi ako kapag kinakabahan na. Medyo hindi narin ako mapakali ng hindi pa dumarating si beks. Ito talaga ang pinakaayaw ko kapag first day of class ay ang mapagalitan dahil sa late. Hindi pa naman namin alam kung mabait or masungit ba yung second subject teacher

Buti pa si dylan na nasa tabi ko tahimik lang. Teka? Oo nga noh? Ngayon ko lang napansin parang tahimik siya sa tabi ko. Ano kaya meron. Kaya naisipan ko lumingon ng paunti-unti pero hindi ko inaasahan na nakatingin pala siya sa... akin


Kanina paba sya nakatingin?


"B-bakit?" nauutal kong tanong, ngumiti muna siya bago sumagot

"Ah.. nothing" Asus! Nothing? Eh, bakit ganyan sya makatingin?

*sigh*

Wag ko na masyado pansinin kung wala naman talaga. Asan na ba kasi si beks. Antagal naman niya

"You know what, lalo kang gumaganda kahit kinakabahan ka" huh? Ano dhaw? Bigla ulit ako napatingin sa kanya

"H-huh? Ano yun ulit? May sinabi kaba?" Tanong ko habang nakanuot ang nuo ko sa kanya

Hindi ko na narinig yung sinabi nya kasi naging busy na ako sa kakahanap ng tingin kay girlalu kung asan naba ang baklang yun, eh.. kayo ba? Narinig nyo ba yung sinabi nya?

Imbes na sagutin nya ang tanong ko nagulat ako ng bigla sya napayuko ng ulo kapantay sa mukha ko. Sabay ngiti sa akin. Sige na! Sige na! Ikaw na ang may killer smile. Shocks!! Ang gwapo talaga nya, feeling ko isa akong yelo matutunaw na dahil sa kanyang pamatay na ngiti!

Kahit hindi na ako mapakali, pinilit ko parin  maging kalmado. Kailangan hindi nya mahalata na naapektohan ako sa kanya

-
Maya-maya napansin ko na unting-unti sya humakbang palapit sa akin tapos yung ngiti nya biglang napalitan ng seryoso na mukha

Sa bawat paglapit nya sa akin, eh, sya rin naman ang pag-atras ko sa kanya. Teka? Ano bang nangyayari sa kanya bakit naman sya pabigla-bigla lumalapit ngayon? Bigla nalang nya tinaas ang isa nyang kamay at unting-unti nya nilalapit sa  mukha ko

"Uy! Teka? Anong gagawin mo?" nagtataka kong tanong sa kanya pero tulad kanina hindi parin sya sumagot at yung mukha nya seryoso pa rin

Mukha yatang papalapit na sya sa akin ngayon, napasandal ako sa likod ng pader ng wala na ako pag-aatrasan

Juice ko po! Bakit ayaw nya pang tumigil sa kakalapit nya, sa sobrang kaba naririnig ko na ang puso ko na bumibilis sa pagtibok tapos ang isang kamay nya palapit na sa mukha ko

Si Mr.Torpe At Si Ms.PakipotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon