Chapter 3
Sofia's POV
Parang gusto na umurong ng mga paa ko. Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko si harold na imake over ako. Sa resulta ginawang pagpapaganda nya sa akin. Medyo malaki nga ang nagbago sa ayos ko kaysa kanina pero naninibago parin talaga ako
"Let's go gurl!🎶 I'm so eggcited and I just can't hide it🎶" obvious naman eh, kailangan pa nya talaga kumanta dahil sa 'di mapigilang excite na pumasok. Ganyan lang nyan kasi may makilala na naman syang gwapong classmate sa room. Wish nya lang
"Sino kaya mga new classmate natin ngayon noh? Sana may makita tayong bagong fiz sa room na 'to” sabi nya habang pasimpleng sumisilip-silip sa loob ng room
Napailing nalang ako. Last year ganyan na ganyan din ang sinabi nya kaya sana'y na ako. Sa tingin ko onti lang ang bago and the rest mga dati na naming classmate
Nakita kong unang pumasok si harold sa loob ng room, samantalang ako nanatiling nakatayo sa labas ng pinto
“Uy! Gurl! Ano 'to wala kang balak pumasok? Kanina halos wagas mo akong hilain na pumasok tapos nganga ka nalang dyan? Wow, matindi" sabay taas sa dalawang kamay nya at ginawa nyang letter W ang daliri nya. Tiningnan ko lang sya ng masama pero inirapan lang nya ako
"Hay nako! Alam ko hanggang ngayon ilang ka parin sa ginawa kong pagpapaganda sayo" nilapitan ako ni girlalu sabay cross arm nya "look best, maganda ka talaga in just the way you are, base sa ginawa ko nilabas ko lang ang tunay na ganda mo, take note sa magkaklase nating mula first year, ngayong 3rd year mo lang ako pinagbigyan na ayusan ka, kaya I must say (sabay flip it sa bang nya) magkasing ganda na ngayon tayong dalawa" sa haba ng sinabi nya hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o hindi
“Hay! Ewan ko sayo, Ou na po madam papasok na po” bahala na nga si batman, kahit ilang na ilang talaga ako sa ayos ko ngayon
“Good! So.. let’s go dear” masayang sabi nya
Sa pagpasok namin ni harold sa loob. Kung kanina maingay ang buong classroom bigla nalang 'to napalitan ng katahimikan at lahat ng atensyon nila nasa akin--ay! Este, nasa amin ni harold
*gulp*
Ito na nga ba ang pinakaayaw ko ang maging center antention ng lahat. Hindi ko maiwasan matense, Bakit gano'n? Sa ginawa ni harold sa mukha ko, masasabi ko light make up lang naman
Enemphasize lang nya ang kilay ko gamit 'yong eyebrow. Pagdating sa eye lid ko nalagay lang sya ng liquid eye liner at sa face ko naman konting foundation lang na match sa skintone ko
Sa lips ko naman tanging lipgloss lang ang ginamit sa akin kasi sabi nya pinkish naman daw ang lips ko. Sa buhok ko pala naka pony tail ako with side bangs na curly ang dulo
Napansin ko 'yong iba rito mga naging classmate na namin dati mukhang halos lahat yata at iilan lang ang bago dito sa paningin ko
“Bagong.. classmate ba natin sya?” narinig kong may isang babae ang bumulong sa katabi nya
“Hindi ko nga alam eh.. pero parang familiar ang face nya sa akin..” sagot naman sa kasama nya
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko ngayon. Sa kabilang banda naramdaman ko ang pagsiko ni Harold sa tagiliran ko kaya bigla ako napatingin sa kanya
BINABASA MO ANG
Si Mr.Torpe At Si Ms.Pakipot
Teen FictionNormal lang sa ating ang magkaroon ng crush pero paano nalang kung may isang tao ang biglang dumating sa buhay mo? Siya yung tipong tinitilian at hinahangaan ng mga babae pero siya naman yung tipong kinaaayawan mo dahil sa kanyang magaspang na ugali...