SMTASMP 2: School

126 3 0
                                    

Chapter 2

Sofia's POV

Whew! Sa wakas nakarating narin ng school. Grabe, sobrang hiningal ako. Buti nalang hindi ako inaatake ng hika. 'Di bale lagi ko naman dala yung inhaler

Sa pagpasok ko ng gate. Napansin ko marami pa sa mga estudyante ang naghahanap pa ng kani-kanilang section at room pero bago ko muna hanapin yung akin. Kailangan ko muna huminga ng malalim kasi sobrang hiningal talaga ako sa pagtakbo kanina. Mukhang pagdating yata sa takbuhan hindi talaga ako pwede, dito palang eh talo na ako

*Inhale*

*Exhale*

*Inhale*

*Ex--*

"OMG! Gurl! Mabuti andito kana! Alleiluyah!! Sa wakas nahanap na rin kita! Beks!" kahit hindi na ako lumingon boses palang kilalang-kilala ko na

"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap sa school na 'to? Ha!? Kalurkey ka!" Sabi ko na nga ba, Ang loka-loka kong kaibigang bakla na si harold cruz pero kapag sa gabi A.K.A Angel Locsin oh diba astig? Idol nya kasi si angel

Sandali lang, Grabe naman makayakap itong bakla 'to sa likod ko. Akala mo naman matagal hindi nagkita

*cough*

*cough*

Ayan tuloy hindi ko na naibuga ng maayos yung hangin kaya inubo ako. Hindi nga ako sinumpong ng hika pero hindi naman ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nya sa likod ko. Parang ako pinipiga sa higpit, kahit sabihin mong bakla sya meron pa naman syang strength as a guy

"Ah.. B-beks.. Pwede bang bitaw kana sa pagkakayakap mo? Hindi na kasi ako mak-kahinga eh.." sabi ko sa hirap na boses, hindi na ako magtataka baka bukas mapabalitaan nalang ako na isang babae nalagutan ng hininga dahil sa pagkamiss ng kaibigan nya

"Kaw! Ah.." Aray ko naman! Bigla ba naman ako tinulak buti hindi ako nasobsob sa semento

"Oh? Anong drama na naman ba yan ha?" pagtataray kong tanong

"Ikaw babae ka! Alam mo bang kung saan-saan na kita hinanap dito sa loob ng high academy? Ayan! Tuloy, yung make up ko itech! Lusaw na!! Wait beks. Retouch! Retouch muna ako" Anak ng bakla talaga oo! Nagawa pa talaga nyang mag make-up at mag foundation sa harap ko?

"Aba?! Sa pagkakatanda ko wala naman ako sinabi sayo na hanapin mo ako" nakita ko nalang sa mukha nya ang masamang tingin at padabog nyang sinarado ang kanyang make-up foundation

"You're so mean! Hmp! Sayang may sasabihin pa naman akong good news sayo! But you hurt me!" Sabay walk out ang lola mo! Te? Ang selan naman ng baklang 'to. Sandali lang ano naman kaya good news ang sasabihin nito

"Uy! Beks.. Sorry na.. Nagbibiro lang naman ako eh.. Ano ba kasi yung good news na sasabihin mo sa akin? At talagang nag effort kapa na hanapin ako?" Syempre kailangan may sincere effect pa ang paglalambing ko with matching puppy eyes pa, mamaya bibigay na rin yan sa akin. Nako! yan pa never ako natiis nyan

"Oh sya sige na nga.. Hay! Alam mo talagang hindi kita matitiis" oh? Kitams? Sobrang napaka effortless

"Ganito kasi yan gurl. Habang hinahanap ko yung room at section ko sa room directory. Nakita ko na rin kaagad yung sayo" mabuti nalang at least hindi na ako mahihirapan na maghanap pa pero..

"Sandali lang. Asan ang good news don?" takang napatingin ako sa kanya

"Ito na nga bakla. Classmate ulit tayo!" natutuwang nagtatalon nyang balita. Ngek! Muntik na ako matumba sa semento (--__--'')

Si Mr.Torpe At Si Ms.PakipotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon