Chapter 1
Sofia's POV
Nasa lugar ako kung saan napapalibutan ng iba't-ibang klaseng bulaklak sa paligid. wala ako ideya kung paano ako nakarating sa lugar na to. Basta ang alam ko lang ay isa 'tong maalaparaisong lugar at ang gaan sa pakiramdam na marinig ko yung huni ng mga ibon
Sa pananatili ko rito, ang tanging ginawa ko lang ay lumakad ng lumakad habang nakatingin parin sa mga flowers at masuyong sinasalubong ng haplos ng mga palad ko, sa huli hindi ko na talaga napigilan yung sarili kong pumitas ng isang tangkay na white rose. Masuyo ko ito idinikit sa ilong ko at nilanghap ang amoy. Napangiti na lang ako dahil sa bango
Sa kabilang parte ng mga bulaklak naagaw yung atensyon ko sa lumilipad na paru-paru habang papalit-palit siya ng dinadapuan, ilang saglit rin ay lumipat na sya ng dinadapuan sa kaharap ko naman na bulaklak
Ito yung paru-paro na kulay violet ang mga pakpak niya tapos meron konting touch of black sa gilid.
Sa sobrang tuwa ko sa paru-paru, nakita ko nalang yung sarili ko na unting-unti lumalapit kaso ng malapit na ako saka naman ulit mabilis lumipad paitaas yung paru-paro
Shocks! Sayang naman!
Pinagmasdan ko nalang ang paglipad niya sa ere na para bang sumasayaw siya sa kalangitan, sa sumunod na nangyari napansin ko parang papunta na sa direksyon ko yung paru-paru kung saan ako nakatayo ngayon
Akala ko, dadapo lang siya sa kaliwang balikat ko pero mali ako kasi lumagpas lang sya sa likuran ko. Kaagad ako lumingon at sinundan ng tingin
Kung kanina sobrang lapit na nya, ngayon naman palayo na sya lumilipad mula sa akin
Sa layo na ng lipad nya ay hindi ko na maaninag kung nasaan na sya banda yung paru-paru hanggang sa bigla nalang sya nilamon ng liwanag
Napapikit ako ng mariin dahil bigla ako nasilaw sa puti ng liwanag, sabay ko tinaas yung dalawang kamay ko at ginawang pangharang sa mukha ko
Bahagyan ako napasilip, parang meron ako naaninag na hugis tao ang nakatayo sa liwanag tapos mas lalo pa sya nakakasilaw kasi puti yung suot niya
Sandali nga lang..
Hindi kaya..
Siya na si San Pedro? Nasa langit naba ako?!. Waaahh!! Hindi pwede! Ang bata ko pa!
Hindi pa ako pwede madead! P-paano nalang ang mga tao na naiwan ko sa lupa?.. huhu
Lalo na si papa na hindi ko man lang nakita yung pag-uwi nya galing saudi?
Saka... hindi pa ako nakaranas na magkajowaaahhhh. Ano yon? Nadead ako na NBSB? No it can't be!
Baka si San Pedro na yata ito.. kasi hindi ko pa nakikita yung mukha nya na balot parin ng liwanag. Kung sya nga ito.. irequest ko talaga sa kanya na iextend nya pa ako earthhh
Sa kagustuhan ko lapitan sya ay hindi ko na ininda pa yung silaw sa aura nya. Kaso nakakadalawang hakbang palang ako ng bigla ako mapahinto
Biglang nagpakita ulit yung paru-paru..
This time, bigla sya dumapo sa balikat sa taong nakaputi ang suot..
Naalerto ako ng mapansin ko humakbang yung lalaking nakaputi papunta sa direksyon ko..
Kahit lalo ako nasisilaw sa knya ay sinabayan ko narin sya sa paghakbang palapit sa knya dahil sobra na ako na curios.
Sa paglapit ko ay parang nilalamon narin ako ng silaw ng liwanag dahil sa aura nitong tao
BINABASA MO ANG
Si Mr.Torpe At Si Ms.Pakipot
Teen FictionNormal lang sa ating ang magkaroon ng crush pero paano nalang kung may isang tao ang biglang dumating sa buhay mo? Siya yung tipong tinitilian at hinahangaan ng mga babae pero siya naman yung tipong kinaaayawan mo dahil sa kanyang magaspang na ugali...