SMTASMP 8: Behind his eyes

106 2 0
                                    

Chapter 8

Sofia's POV

Nakahinga na ako ng maluwag ng tumunog yung bell. Sa wakas ito na yung pinakahihintay ko kasi mamaya makakain narin ako ng marami. Kahit doon manlang manumbalik na ulit ang pag iisip ng utak ko bago sumabak sa susunod na subject namin. Kanina pa kasi sumasakit ang ulo ko sa pag iintindi ng mga gagawin namin assignments sa geometry tapos mamaya kailangan ko pa magbasa para sa recitation namin bukas. Kaya ito tinambak na kaagad kami ng sankadutak na assignments

"Fia, Tara sa cafeteria?" Napatingin ako kay dylan ng bigla sya nagsalita

"H-ha?" Ulit ko

"Let's take a lunch together" nakangiti nyang aya sa akin. Tama ba yung tawag sakin? Fia? Parang bet ko yung Fia.. Hihihihi

Anubeyan ang hirap naman pigilin na hindi ngumiti. Nakatingin pa naman sya sa akin. Ang saya lang sa feeling kapag crush mo na ang umaya sayo na sabay kayo maglunch.

"Sige" mabilis kong sagot na hindi inaalis yung ngiti ko sa kanya

"Great, tapusin ko lang ayusin yung gamit ko at sabay na tayo kumain tatlo sa cafeteria"

H-ha? Anong sabi nya tatlo? Sino naman yung isa? Bigla ako napatingin sa right side ko. Oo nga muntik ko makalimutan nakaupo pala sa tabi ko si beks. Hindi na talaga siya nakabalik sa upuan nya pero infairness himala at tahimik sya ngayon. Oo nga noh? Ngayon ko lang napansin na tahimik itong baklang 'to na usual naman maya-maya ang pangungulit nya

Hindi kaya.. Tulad ko dinugo rin ang utak nya sa huling subject namin kanina o kaya naman naubusan lang ng energy dahil sa gutom? Nakakapanibago naman itong baklang 'to. Di bale na nga. Kailangan ko na rin pala ayusin ang mga gamit ko mukhang malapit na si dylan matapos yung kanya

"Hihihihihi" napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ng marinig ko si beks na humahagikgik na para bang pinipigilang matawa

Kaya tiningnan ko sya ulit. Hala sya? Ano tinatawa nito? Sino naman kaya tinitingnan nito sa likod. Kaya naman sinundan ko ng tingin

Sabi ko na nga ba! Sya na naman. Wala iba kundi yung late comer emo. Kaya pala tahimik ang baklang to kanina kasi doon at don lang ang buong atensyon nya sa lalaking yon at sigurado rin ako na siya ang dahilan kung bakit hindi na sya nakabalik ng upuan niyq

Grabe, ang galing! Kulang nalang may lumitaw na heart shape sa mata nya at lumaway dyan. Mukhang malakas yata ang tama nya sa emo na yon

Sa ngayon mukhang malapit narin tapusin ni emo ayusin ang mga gamit nya. Pagkasukbit ng gitara nya sa balikat ay agad na sya diretso lumabas sa dulo ng pituan

Bakit parang badtrip yata ng itsura nung emo na yon. Parang mayrong inis sa mukha nya na akala mo hindi kayang itimpla. Sabagay kahit kanina ganon rin naman sya nung pumasok sya

Medyo kaloka nga lang sa mga classmate ko na babae eh pati sila tulalang nakatingin sa emo na yon na akala mo naman may anghel dumaan sa harap nila. Ano kaya ang meron sa lalaking yon at kilig na kilig sila? Eh ang suplado naman nya

Ilang saglit binalik ko ulit yung tingin ko kay harold. Hanggang ngayon nakatanaw parin siya kung saan nakapwesto si emo kanina. Bigla siya napahagikgik. Sa itsura niya parang may iniisip siyang nakakatawa

Ano kaya kung i-good time ko muna siya. Ehehehehe, wag kayo maingay sa gagawin ko sa kanya

Okay..

1

2

3

"AAAYY!! Sampung kalabaw inihaw!!"

Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa naging reaksyon niya. Mabilis siya napalingon sa akin at tiningnan ako ng masama

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Mr.Torpe At Si Ms.PakipotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon