SMTASMP 7: Emo

118 4 1
                                    

Chapter 7

Sofia's POV

"Shall we start?"

"Yes Ma'am" sabay sagot naming lahat

"Alright class, let's get start introduce yourself. Please go to the front and face us"

Turo ni ma'am sa unang batch sa harapan, napatayo na ang isang ka classmate ko na babae. Lumakad sya papunta sa harap at pumwesto sa gitna pagkatapos inumpisahan na nya ipakilala ang sarili nya sa aming lahat

Bakit kasi kailangan sa harapan pa kami magpapakilala? Pwede bang wag nalang tumayo sa harap? Alam ko naman na tuwing first day of class eh, ganito agad ang ginagawa, na isa-isa magpapakilala depende nalang kung sa harapan or sa upuan

Sanay naman ako sa ganon sistema pero kasi.. Hindi ko na naman maiwasang di isipin yung nangyari kanina, 'yong tipong haharap ulit ako sa kanila tapos makikita ko na naman yung tingin nila sa akin

Aist! Bahala na nga si batman! Siguro sa ibang direksyon nalang ako titingin para naman hindi ako mailang sa kanila

"Thank you, Ms. Santos. Anyway next please"

"Omgee! It's my turn to shine na pala.." biglang sabi ni harold

Huh? Si beks na agad yung sunod? Ba't ang bilis naman. Diba nasa first row pa lang kanina yon. Ngayon nasa row na namin

Haist! Lalo nadagdagan ang kaba ko. Kahit anong isip ko na pangpapakalma pero parang walang epekto. Mas nangingibabaw parin yung posibilidad na nasa isip ko ngayon. Ang kanilang tingin at reaksyon

"Hi! Classmate! I know everyone of you are already know me but let me introduce myself again for the people who doesn't know me yet.  Well, my name is Harold Cruz but I prefer call me Hart. Wala ng iba period! I'm already 16 yrs existing in this beautiful world and if you don't mind my hobby is singing and if you're not asking I have two byutiful sisteret but because I am girlalu so we're now tres maria's, hahaha. Char! So that's it classmate and I.. Thánk you!" Sabay flying kiss nya gamit ang dalawang kamay

Pagkatapos ng walang preno nyang pagpapakilala sa amin ay literally kaming natahimik. Grabe! Hindi ko kinaya, yung pinagsasabi ng baklang to. Sabagay, ganyan na siya since first year pa lang kami

Sa pagbalik ni beks sa upuan niya ay pakembot siya lumakad. Akala mo talaga nasa isang pageant siya na hindi mo alam

"Well Mr. Raymundo, I'm happy to see you again in my class" pahabol na sabi ni ma'am kay harold

"Ma'am, pwede Hart nalang po ang itawag niyo sa akin?" angal niya. Hahaha.. ayaw niya talagang tawagin siyang raymundo

"Okay! Mr. Hart (^__^)" imbes na ngumiti siya nakita ko ang lalong pagsimangot niya, paano kasi okay na sana kaso may Mr. lang. Kaya ayan nakaburangot siya

"Okay next person please.." Ito na, Si Dylan na ang susunod pagkatapos niya, ako na!

Napatayo na siya mula sa kinauupuan niya, bago siya tuluyang tumayo. Bigla ko naamoy ang men perfume niya. Grabe! Ang bango-bango talaga ni Dylan. Mild lang at swabe ng amoy. Ang alam ko karamihan sa men perfume eh matatapang ang amoy pero sa kanya sakto lang talaga

Panigurado ako, mauubos ang pabango ni dylan. Sa lagi ko kakasinghot sa kanya lalo pa't katabi ko pa naman siya. Nakakaadik amoyin eh

Nakapwesto na si Dylan sa harap naming lahat. Hindi pa siya nagsisimula, may mga babae ang biglang nagtilian

Si Mr.Torpe At Si Ms.PakipotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon